PUSO NG INA

Kung bubuksan natin at titignan ang puso ng ating mga ina, ano kaya ang ating makikita? Sabi nga sa kanta: kung nais mong matanto, buksan ang aking puso, at tanging larawan mo, ang duon ay nakatago. Tunay na sa puso ng bawat ina ay ang anak ang nasa kanyang puso. Ang puso ng isang ina ang siyang luklukan ng pagibig niya sa kanyang anak.


Puso, ang nag aalab na pag ibig ng isang ina sa kanyang anak. Puso, ang nagbibigay inspirasyon sa ina na patuloy na mangarap at magpunyagi para sa kanyang anak. Kapag huminto ang puso ng isang ina, tiyak ang tibok ng puso ng anak at wala rin.

Kapag masaya ang anak, tiyak masayang-masaya ang ina. Kapag malungkot ang anak, tiyak malungkot na malungkot ang ina.
Ilang araw na lang mula ngayon, atin na namang gugunitain ang Araw ng mga Ina. Kapag ina na ang pinag-uusapan, dagdagan pa ang katagang pagmamahal, sigurado ako na marami sa atin ang nagiging emosyonal. At katulad ng lahat ng mga ina, si Inang Maria ang siyang huwaran nila.

P – pananampalataya, pananalig. Dahil sa pusong marunong manalig at sumampalataya sa Diyos, nagging madalikay Maria ang magmahal. Pananampalatayang hindi mapapantayan ng kahit na sinong babae at ina. Pananampalatayang handing maglaan ng sarili. Pusong sumasampalataya.
Image
U – unawa. Maraming mga pangyayaring naganap sa buhay ni Hesus, ang talagang hindi maunawaan ni Maria. Sa ebanghelyo, kung saan si Hesus ay nawala at natagpuan sa templo, hindi niya maunawaan na ang batang Hesus na ito ay magsasalita na Siya ay di dapat hanapin dahil Siya ay nasa templo ng kanyang Ama. Kung patuloy itong inunawa ni Maria gamit ang kanyang isip, ay talagang malabo siyang makakuha ng kasagutan. Ngunit ang ginamit niya ay puso. Puso ang ginamit niya upang mauwaan niya ang lahat-lahat. Maingat niya itong inalagaan sa kanyang puso. Pusong umuunawa.

S – sunod. Kapagmahal mo ang isang tao, madaling sumunod. Madaling umayon sa kanyang mga desisyon. Ganyan din ang nangyari kay Maria, mula sa pagbabalita ng anghel na siya ay magdadalang tao, pagsabihan ni Hesus sa kasalan sa Cana, hanggang sa pananatili sa krus, ang kagustuhan ng Diyos ang siya niyang sinunod. Mahirap, gunit dahil sa pusong handang sumunod ito’y naging napakadali. Pusong sumusunod.

O – ras. Sa panahon ngayon, lahat mabilisan, lahat nagmamadali, lahat nakadepende sa oras. Si Maria ay naglaan ng panahon at oras sa kanyang Anak. Sa kasalanan sa Cana, nasabihan siya ni Hesus: “hindi ko pa oras, maghintay ka…” Kapag mahal natin ang isang tao, handa tayong manatili at maglaan ng oras para sa kanya. Napakadali para sa may pusong handang maglaan ng oras sa iba.

Pusong ina, pusong may pananampalataya, umuunawa, sumusunod at handa sa paglalaan ng oras. Nawa’y ang puso ng lahat ng ina at maiwangis sa puso ni Maria. Maligayang araw ng lahat ng mga ina.

Advertisements

PANALANGIN SA PAG GUNITA NG ANIBERSARYO NG EDSA PEOPLE POWER 1986

Ama naming makapangyarihan at mapag mahal sa aming tinatamong kalayaan.  Ikaw ay aming pinupuri at pinasasalamatan, ngayong ginugunita naming mga Pilipino ang ika – 28 taong anibersaryong kalayaan ng aming bansa na aming nakamit sa matiwasay at mapayapang rebolusyon tungo sa pagkamit ng aming kalayaan at muling panunumbalik ng katotohanan, katarungan at demokrasya.  Huwag mo nawang ipahintulot na ang mga ito’y muling sa amin ay maagaw.  Ikaw ang siyang nag tawid sa amin sa lumang daang makasarili patungo sa daanang nagmulat sa amin na may pananagutan kami sa bawat isa at aming bayang Pilipinas.

20130225-061626Idinadalangin naming na tunghayan mo ang mga namumuno sa aming pamahalaan, nawa’y maging tapat sila sa kanilang sinumpaang tungkulin na buong tapat na ialay ang kanilang sarili sa interes ng buong bayan.

Idinadalangin namin, na kaming lahat na Pilipino, ay patuloy na maging huwaran sa buong mundo ng matiwasay na pagbabago ng bayan.  Naway mapahalagahan namin ang kasaysayan at mga aral na dulot nito.  Gawin mo kaming laging mapagbantay sa mga elemetong mapagsamantala sa aming bayan.

Ama naming mapagmahal, iyong ipinahayag na tatawagin mong mga anak ang mga nagbibigay daan sa kalayaan.  Ipagkaloob mo, isinasamo naming lagi ang katarungan na siyang tanging saligan na talagang tatagal sa kalayaan sa pamamagitan ni Kristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

Mahal na Birhen ng Edsa, ang Birhen ng Kapayapaan, ipanalangin mo kami.

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.

San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.