“MAKATI ANG DILA”

“Makati ang dila,” ito ang sinasabi nating sa taong tsismosa, iyon bang hindi mapigilan ang sariling hindi isiwalat ang kwento na dapat ay sarilinin nya lang.  Kadalasan pa nga, lalapitan ka niya, at sasabihing: “narinig mo na ba ang latest? Sa ating dalawa lang to ha. Alam mo ba si…” pero ang tutoo pala ay kalat na ang balitang ito sa buong barangay dahil sa taong makati ang dila.  Talaga yatang hindi natin mapigilan ang pagsisiwalat ng mga balitang ito dahil nagdudulot ito ng kasiyahan, ang pag usapan ang kahinaan ng ibang tao.

Maria at Zacarias, dalawang karakter sa kasaysayan ng kapanganakan ng Emanuel.  Dalawang karakter na makati rin ang mga dila.  Makati ang dila sa pagbabahagi ng kagandahang loob ng Diyos na kanilang naranasan mismo. Hindi narinig sa iba, sila mismo ang nakaranas.

Si Maria pinapurihan ang Diyos, (sabi pa nga ay hindi lang sinabi, inawit pa) dahil sa mga kahanga-hangang ginawa ng Diyos sa kanyang buhay.  Pagpupuri at pasasalamat ang namutawi sa kanyang dila at labi, kahit na binago ng Diyos ang plano ng kanyang buhay.  Mayruon mang pangamba, ngunit ang pag ‘OO’ pa rin sa kagustuhan ng Diyos ang binitawan.  Matapos nito, siya pa ay nagpuri at nasumbulat ang kanyang Magnificat.

My soul magnifies the Lord And my spirit rejoices in God my Savior; Because He has regarded the lowliness of His handmaid; For behold, henceforth all generations shall call me blessed; Because He who is mighty has done great things for me, and holy is His name; And His mercy is from generation to generation on those who fear Him. He has shown might with His arm, He has scattered the proud in the conceit of their heart. He has put down the mighty from their thrones, and has exalted the lowly. He has filled the hungry with good things, and the rich He has sent away empty. He has given help to Israel, his servant, mindful of His mercy Even as he spoke to our fathers, to Abraham and to his posterity forever.
My soul magnifies the Lord
And my spirit rejoices in God my Savior;
Because He has regarded the lowliness of His handmaid;
For behold, henceforth all generations shall call me blessed;
Because He who is mighty has done great things for me,
and holy is His name;
And His mercy is from generation to generation
on those who fear Him.
He has shown might with His arm,
He has scattered the proud in the conceit of their heart.
He has put down the mighty from their thrones,
and has exalted the lowly.
He has filled the hungry with good things,
and the rich He has sent away empty.
He has given help to Israel, his servant, mindful of His mercy
Even as he spoke to our fathers, to Abraham and to his posterity forever.

Si Zacarias pinapurihan ang Diyos, dahil sa kabutihan ng Diyos na maaring mangyari sa kanyang buhay.  Mula sa pagiging imposibleng mangyari, ito ay naging posible.  May pag aalinlangan, kaya pansamantalang binawian ng dila ng Diyos, ngunit ng kanyang nakita na posible pala, ang unang sumambulat sa kanyang dila ay pangalan ng kanyang anak na ‘Juan’ na nangangahulugang ang ‘Diyos ay mabuti.’  Ang kanya namang pangalang Zacarias ay nangangahulugang ‘ang Diyos ay laging nakaka-alala.’ At ang kanyang asawa, na Elizabeth ang pangalan ay nangangahulugang ‘Ang Diyos ay punung-puno ng biyaya o pangako sa Diyos.’ Kung titignan ang kanilang pamilya ay tunay na biniyayaan ng Diyos. Kaya ganun na lamang ang pagpupuri ni Zacarias sa mga biyayang ito.

Blessed be the Lord, The God of Israel; He has come to His people and set them free. He has raised up for us a mighty Saviour, Born of the house of His servant David. Through His holy prophets He promised of old That He would save us from our enemies, From the hands of all who hate us. He promised to show mercy to our fathers And to remember His holy Covenant. This was the oath He swore to our father Abraham: To set us free from the hands of our enemies, Free to worship Him without fear, Holy and righteous in His sight All the days of our life. You, My child shall be called The prophet of the Most High, For you will go before the Lord to prepare His way,  To give his people knowledge of salvation By the forgiveness of their sins. In the tender compassion of our Lord The dawn from on high shall break upon us, to shine on those who dwell in darkness And the shadow of death, And to guide our feet into the way of peace. Glory to the Father, and to the Son, and to the Holy Spirit. As it was in the beginning. is now, and will be forever.
Blessed be the Lord,
The God of Israel;
He has come to His people and set them free.
He has raised up for us a mighty Saviour,
Born of the house of His servant David.
Through His holy prophets He promised of old
That He would save us from our enemies,
From the hands of all who hate us.
He promised to show mercy to our fathers
And to remember His holy Covenant.
This was the oath He swore to our father Abraham:
To set us free from the hands of our enemies,
Free to worship Him without fear,
Holy and righteous in His sight
All the days of our life.
You, My child shall be called
The prophet of the Most High,
For you will go before the Lord to prepare His way,
To give his people knowledge of salvation
By the forgiveness of their sins.
In the tender compassion of our Lord
The dawn from on high shall break upon us,
to shine on those who dwell in darkness
And the shadow of death,
And to guide our feet into the way of peace.
Glory to the Father,
and to the Son,
and to the Holy Spirit.
As it was in the beginning.
is now, and will be forever.

Tayo kaya ano ang madalas nating bigkasin? Ano ang madalas lumabas sa ating mga labi na tinutulak ng dila? Tsismis ba ng mga mga kahinaan ng iba? Mga pait at galit sa iba? Bakit hindi natin tularan sina Maria at Zacarias, ginamit ang kakatihan ng dila sa pagpupuri at pasasalamat sa Diyos.  Subukan natin, wala namang mawawala.

Advertisements

Katawan ko, Templo ng Diyos

Kapag naiisip natin ang pangalan ng Panginoon Jesus, tiyak tama akong ang unang pumapasok na larawan sa isip natin ay isang Jesus na maamo, mabait, may pagpapahalaga sa tao lalo na sa mahihirap at mahihina, mahinahon kung magsalita.

Pero sa ebanghelyo ng paglilinis ni Jesus ng Templo, tila baga ito ay naging kabaligtaran. Si Jesus ay naghurumentado sa galit, ika nga.

Jesus-Cleansing-the-Temple-650x276

Sirain at baguhin. Ito ang naging dalawang kadahilanan ng Kanyang pagkagalit.

Nais ni Jesus na sirain ang kawalang respeto sa simbahan at pagiging marumi nito sa pandaraya at korupsyon.

Paano ba naman, yung mga hayop na ginagamit na sakripisyo ay hindi tinatanggap sa templo kapag hindi dun sa mga tamang tindahan binili. Ang problema napakamahal naman, tapos yung gagamitin mong perang pambili pag pinapalit mo sa mga tindahan dun ay mahal din ang palitan.

Ang mayayaman ay may kakayahang mag alay ng tupa, samantalang ang mahihirap ay isang kalapati lamang.

Ang mga mahihirap ay tila baga wala ng kakayahang mag alay dahil sa mga pandarayang nagyayari dito.

Ito ang kinagalit ni Jesus, ang ganitong uri ng sistema, sistema ng pandaraya at korupsyon.  Sa paglilinis na ito ni Jesus, nais niyang linisin din ang templo sa inhustisya at panawagan ng pagpapanibago.

Nais ni Jesus na baguhin patungo sa pagpapanibago sa pagdating ng bagong panahon.

Nasabi ni Jesus; “Gibain ninyo ang templong ito at muli kong itatayo sa loob ng tatlong araw”

Ngunit hindi ito naunawaan ng mga tao.  Paanong ang templong, apat napung taong itinayo, ay magagawa lamang sa tatlong araw.

Ang paliwanag sa likod ng pangungusap na ito na ang bagong Templo ay: Gigibain, mula sa pagiging marumi sa korupsyon patungo sa pagpapanibago at perpekto.  Hindi na kailangang mag alay ng mga hayop sa kapatawaran ng mga kasalanan dahil mismong si Jesus na ang perpektong mag aalay ng Kanyang Sarili sa lahat ng panahon. Hindi na ang templong yari sa bato, kundi mismong si Jesus na muling nabuhay bilang pinuno ng Simbahan.  Sa paglilinis at pagpapanibago ng templo, ginagarantiyahan tayo ni Jesus ng kaganapan ng planong kaligtasan ng Diyos.

Ngayong araw na ito, ipignadiriwang sa Santa Iglesia ang makasaysayang pagtatalaga ng Basilika ni San Juan de Letran sa Roma, itinayo noong ikaapat ng siglo. Ito ang Simbahang Katedral ng mga Santo Papa, na nagsilbi ring kanilang tirahan bilang Obispo ng Roma at pastol ng unibersal na Iglesia. “INA AT PINUNO NG LAHAT NG SIMBAHAN SA ROMA AT SA DAIGDIG” ang siyang taguri sa basilikang ito.  Ito ang simbahang ginagamit ng Santo Papa noong unang panahon nang wala pa ang Basilika ni San Pedro.

Isang napakagandang kapistahan at Ebanghelyo ang ating narinig.  At tayo ay hinahamon na tignan ang ating mga sarili.  Kapag muli akong nagtanong, kung ano ang unang pumasok sa isip natin kapag nabanggit ang salitang simbahan?

Masasabi natin marahil na ang simbahan ay isang lugar, gusali, bahay dalanginan…tama naman po talaga, ang simbahan ang siya nating tahanan…kung saan tayo ay tumatahan sa ating mga hirap na nararanasan dahil alam nating nasa piling natin ang Ama, na Siyang nagpapatahan sa atin.

Ngunit ang simbahan ay hindi natin maaring limitahan sa taguring lugar o istrakturang bato lamang.  Ang simbahan ay ako, ikaw, tayong lahat na binyagan, tayong dumudulog sa Eukaristiya.  Ang ating katawan ay templo ng Espiritu Santo.  Paano kaya kung dumating si Jesus at titignan ang kaibuturan ng ating puso, ng ating kaluluwa? Ano kaya ang kanyang makikita?

Marahil muli na naman siyang magagalit at magwawala, dahil ang templong katawan natin ay puno ng karumihan ng galit, pagkamakasarili, pagmamataas, inggit at iba pang kasalanan.

images (1)

Panginoon, marapatin Mo pong maging kalugod-lugod akong templo ng Iyong Banal na Espiritu. Amen.

Aksidente

July 16, 2012, Lunes, 9:00 a.m. Skyway, Muntinlupa – ito and araw na di ko makakalimutan. Dalawang taon na rin pala ang nakakalipas.  Ang community ng Sta. Cruz Parish ay papuntang Laguna para sa aming community outing.  Kaya nga lang, hindi sa outing napunta, kundi sa isang aksidente napunta, isa ako sa nakasakay sa kotseng bumabagtas sa kahabaan ng skyway sa Muntinlupa, bigla kaming nakarinig ng pagsabog, iyon pala, ang gulong sa likuran ng sasakyan namin ang pumutok, gumewang ang sasakyan, pakaliwa, pakanan, hindi na namin alam ang susunod na nangyayari, tahimik kaming lahat.  Ang tanging naririnig na lang namin ay ang tunog ng hindi malamang dereksyon ng sasakyan namin. Pumikit na lang ako. Nasabi ko na lang sa sarili ko at sa Diyos: “wala na to Lord, tapos na ko Lord, wala na to…” biglang huminto ang mundo ko, maraming ala-alang bumalik sa akin, bumagal lahat.

Hanggang sa tumahimik na ang lahat, wala na ring galaw akong naramdaman. Hanggang sa imulat ko ang mata ko, nakatagilid na pala ang sasakyan namin, hindi ako masyadong kumilos kasi alam ko, baka naka angkla na lang kami sa gilid ng skyway, at konting kilos lang namin ay babagsak ang sasakyang kasama kami.  Ngunit naging alerto kami at kalmado, isa-isa kaming lumabas ng sasakyan. Ng makalabas na kami, nakita ang itsura ng sasakyan, ay talagang natakot kami, pero napangiti pa rin ako,kahit takot, dahil nakita ko ang sasakyan na ilang pulgada na lang ang layo at mahuhulog na pala ito sa baba ng skyway, at ang sumunod na tagpo ay nasa emergency room na kaming lahat  sa Ospital ng Muntinlupa.

555552_10150986084185665_695430115_n

Sa loob ng ospital, kami ay tinanong kung taga saan, sinabi namin na kami ay galing ng Sta. Cruz, Maynila, at kami ay mga pari at seminarista.  At nasabi na lang ng kausap namin na kaya pala nakaligtas ng buhay sa aksidente dahil mga pari at seminarista kami. Niligtas daw talaga kami ng Diyos.

Pangalawang buhay, ito marahil ang handog ng Diyos sa akin at sa aming lahat na kasama sa aksidenteng nabanggit.  Buhay na pandugtong, buhay na muling ipinagkaloob, buhay na regalong muli sa amin.  Wala akong emosyon na maramdaman habang nasa ospital at habang pauwi na ng konbento. Ngunit pagsapit ng gabi, ng ako ay mapag isa na sa loob ng aking kwarto, duon na ako umiyak ng umiyak, duon na lumabas ang emosyon kong hindi ko maintindihan kanina pa.  Magkakahalo, awa sa sarili, takot sa nangyari, pag iisip na paano kung patay na ako ngayon, at sa bandang huli, pagbibigay pasasalamat sa Diyos sa pangalawang buhay na kaloob Niya.

W-OLMC-35

Naalala ko na lang bigla, kapistahan pala ng Our Lady of Mt. Carmel ngayon, marahil niligtas kami sa tulong ng mahal na ina, hinawakan ang eskopularyong suot naming sa aming mga leeg, upang hindi kami tuluyang mahulog sa kamatayan.  Umiiyak pa rin ako, inilabas ko na lang eskopularyong laging suot ko, hinalikan ito saba’y naibulong sa mahal na Ina: “salamat, nadyan ka…”

PUSO NG INA

Kung bubuksan natin at titignan ang puso ng ating mga ina, ano kaya ang ating makikita? Sabi nga sa kanta: kung nais mong matanto, buksan ang aking puso, at tanging larawan mo, ang duon ay nakatago. Tunay na sa puso ng bawat ina ay ang anak ang nasa kanyang puso. Ang puso ng isang ina ang siyang luklukan ng pagibig niya sa kanyang anak.


Puso, ang nag aalab na pag ibig ng isang ina sa kanyang anak. Puso, ang nagbibigay inspirasyon sa ina na patuloy na mangarap at magpunyagi para sa kanyang anak. Kapag huminto ang puso ng isang ina, tiyak ang tibok ng puso ng anak at wala rin.

Kapag masaya ang anak, tiyak masayang-masaya ang ina. Kapag malungkot ang anak, tiyak malungkot na malungkot ang ina.
Ilang araw na lang mula ngayon, atin na namang gugunitain ang Araw ng mga Ina. Kapag ina na ang pinag-uusapan, dagdagan pa ang katagang pagmamahal, sigurado ako na marami sa atin ang nagiging emosyonal. At katulad ng lahat ng mga ina, si Inang Maria ang siyang huwaran nila.

P – pananampalataya, pananalig. Dahil sa pusong marunong manalig at sumampalataya sa Diyos, nagging madalikay Maria ang magmahal. Pananampalatayang hindi mapapantayan ng kahit na sinong babae at ina. Pananampalatayang handing maglaan ng sarili. Pusong sumasampalataya.
Image
U – unawa. Maraming mga pangyayaring naganap sa buhay ni Hesus, ang talagang hindi maunawaan ni Maria. Sa ebanghelyo, kung saan si Hesus ay nawala at natagpuan sa templo, hindi niya maunawaan na ang batang Hesus na ito ay magsasalita na Siya ay di dapat hanapin dahil Siya ay nasa templo ng kanyang Ama. Kung patuloy itong inunawa ni Maria gamit ang kanyang isip, ay talagang malabo siyang makakuha ng kasagutan. Ngunit ang ginamit niya ay puso. Puso ang ginamit niya upang mauwaan niya ang lahat-lahat. Maingat niya itong inalagaan sa kanyang puso. Pusong umuunawa.

S – sunod. Kapagmahal mo ang isang tao, madaling sumunod. Madaling umayon sa kanyang mga desisyon. Ganyan din ang nangyari kay Maria, mula sa pagbabalita ng anghel na siya ay magdadalang tao, pagsabihan ni Hesus sa kasalan sa Cana, hanggang sa pananatili sa krus, ang kagustuhan ng Diyos ang siya niyang sinunod. Mahirap, gunit dahil sa pusong handang sumunod ito’y naging napakadali. Pusong sumusunod.

O – ras. Sa panahon ngayon, lahat mabilisan, lahat nagmamadali, lahat nakadepende sa oras. Si Maria ay naglaan ng panahon at oras sa kanyang Anak. Sa kasalanan sa Cana, nasabihan siya ni Hesus: “hindi ko pa oras, maghintay ka…” Kapag mahal natin ang isang tao, handa tayong manatili at maglaan ng oras para sa kanya. Napakadali para sa may pusong handang maglaan ng oras sa iba.

Pusong ina, pusong may pananampalataya, umuunawa, sumusunod at handa sa paglalaan ng oras. Nawa’y ang puso ng lahat ng ina at maiwangis sa puso ni Maria. Maligayang araw ng lahat ng mga ina.