PAMILYA AT EUKARISTIYA

Ano nga ba ang pamilya? Ito ang tinanong ko sa aking naging estudyante ng ang topic na pinag uusapan naming ay bokasyon.

Isang basic na sagot ng bata ang talagang natandaan ko:

FAMILY – Ang pamilya raw ay binubuo ng Father and Mother na may mga anak na nagsasabing  I Love You sa bawat isa.

 Tunay naman na ang pamilyang matatawag na Pamilya dahil ito ay binubuo ng tatay, nanay at mga anak, hindi ng dalawang lalake, o dalawang babae, at mag aampon na lang ng kanilang itutring na mga anak.  Iyan ang pinaka ngangambahan ngayon ng tadisyunal na depinisyon ng pamilya. Nakakatakot, napapalitan na ang tunay na layon ng pagpapamilya, ang maging kaisa ng Diyos sa pagbabahagi ng buhay, at ikalawa ay ang pagsasama.

Ako ay pamhambuhay na nagtalaga ng Evangelical Vows (perpetual profession) nuong August 15, at nang sumunod na araw ay naordinahan bilang diakono, nangangahulugan na tapos na at panibagong simula.  Nung ako naordinahan binigyan ng plake o certificate of recognition sina nanay at tatay ko bilang pasasalamat sa pagbabahagi nila sa akin sa simbahan.

11880619_1457801087857578_5705020221248521806_n

Ako ang produkto ng kanilang pagmamahalan nina tatay Ben at Nanay Lucing ko. Dahil sa kanila umusbong at nagbunga ang bokasyon ko sa pagpapari, tunay na ang pamilya ang pinag uugatan ng bokasyon.  Sa pamilya unang natututong maging bukas loob na maghandog buhay. Hindi rin naging mahirap sa akin ang maglaan ng sarili sa iba dahil ito rin ang namulatan ko sa kanila.

Ang TAHANAN ay ang lugar kung saan una tayong natutong magmahal. Dito tayo kumukuha ng lakas at tibay ng loob sa pagharap natin sa mundo.  Hindi ba kapag nakakaranas tayo ng matinding pagsubok, rejection mula sa ibang tao, ay nagbubunga ito ng pag iyak natin. At sa tahanan tayo ay muling pumapasok, sa tahanan tayo muling nakakasumpong ng katiyakan na mahal na mahal tayo ng pamilya. Sa tahanan, tumitigil ang ating paghikbi, tayo ay tumatahan sa ating pag iyak. Sa tahanan natin nakikita ang pananahan ng pagmamahalan at pagtanggap.

download

Ang EUKARISTIYA ay hindi naiiba sa mga aspetong ito, tayong mga Pilipino ay kilalang MEAL ORIENTED.  Mahilig tayong kumain, mahilig sa mga handaan, mahilig dumulog sa mesa.  At  ang pagkain ng buong pamilya sa hapag kainan ay isang mala Eukaristiya, dito naghahati sa kung ano ang kayang mapagsaluhan, naghahati hati at nagbabahagi ng mga karanasan sa buong isang araw na nagdaan, napupuno ng tawanan, nagiging lugar na mag bukas ng kanilang mga sarili. Isang commercial na alam kong very familiar kayo, ang commercial ng Lucky Me, kung saan ipinapakita ang kahalagahan ng pagkain ng sabay sabay ng pamilya.  Pinagbubuklod nito ang pamilya.

ANG EUKARISTIYA ANG NAGBUBUKLOD SA ATIN. Sa Eukaristiya, tayo ay inaanyayahan na maging iisang pamilyang sambyanan.  Naghabilin sa atin si Hesus, ang magmahalan gaya ng pagmamahal na ginawa niya sa kanyang mga apostol. Maging mapagkumbaba, maglingkod sa bawat isa.  Sinabi Niya, gawin ninyo ito bilang pag aala ala sa akin, ang ala alang, maglingkod at magmahalan.  Ang maging iisa sa kanyang Eukaristiya.

Ito ang hamon sa atin ngayon, na pagbuklurin ang bawat pamilya.  Hindi lamang ito misyon ng mga pari na kayo ay paalalahanan, ibinigay na ni Br. Noman sa inyo sa buong araw na ito, ano ngayon ang inyong tugon, kayo ay hinahamon.

Mga NANAY AT TATAY, lumaban naman tayo, bigyan naman natin ng magandang laban ang habilin ni Hesus sa atin na tayo ay maging matatag sa ating pagtugon ng kayo ay nagsumpaan sa harap ng Diyos nung kayo ay ikasal.  Ibangon natin muli ang nadapang pamilya. Muli nating pagningasin ang aandap andap na liwanag ng ating pamilya, hindi pa huli ang lahat, ito ay panibagong simulain sa atin.

SA LAHAT NG INA, naway gamitin ninyong inspirasyon ang mahal na Ina, ng tunay na pagiging tapat sa Diyos at sa pamilya. SA LAHAT NG TATAY, si San Jose ang inyong gawing lakas, tahimik na nakabantay sa kanyang pamilya. Gawin din nating inspirasyon ang kwento nina Vince at Trisha at ng kanilang mga anak, (A Love Affair movie), nagkamali, nadapa ngunit muling tumindig sa ngalan ng pamilya.

activities-i-like-and-dislike-doing-alone-with-my-family-or-friends-3-638

SA MGA ANAK, gawin ninyo ang dapat na gawin ng Kristiyanong anak at mga kabataan, huwag na lang basta itatapon ang mga aral na ipinagkaloob sa  inyo ng inyong mga magulang, bigyan ninyo rin sila ng magandang laban. Lalaban at tutulong na maging matatag ang pamilya.  At sa tulong nila alam ko makikita ninyo rin kung saang bokasyon kayo tinatawag. Huwag kayong mamadala sa kaway ng material na mundo, Huwag kayong matatakot.  Kumuha tayo ng inspirasyon sa ating Big Brother na si Hesus, ng tamang pagsunod sa Ama. Naway matulad tayo sa kanya na ang buhay natin ay hindi lang basta masasayang, kundi handa tayong humandusay – ang maghandog buhay para sa iba.

Nandyan ang Diyos, nandyan ang Eukaristiya.  Hindi kailanman tayo magkakawatak watak. Walang mag iisa, bagkos tayo ay pinagbubuklod.  Nasa sa atin na ang kasagutan, nasa sa atin na ang inspirasyon, atin pa ba itong pakakawalan? Amen.

Jesus, Maria at Jose, ang banal na mag anak ng Nazareth, ipanalangin ninyo kami.

Advertisements

THANK YOU…

Maraming pagkakataon na ako’y nagbabahagi ng Katawan ni Kristo sa parte ng komunyon sa selebrasyon ng Banal na Eukaristiya. “Ang Katawan ni Kristo…” ang lagi kong sinasabi sa taong makikinabang nito. “AMEN” ang inaasahan kong tugon dito. Ngunit nakarinig na rin ako ng tugong “THANK YOU…” na talaga namang nagdulot sa akin upang makapag isip kung bakit thank you ang sagot at hindi ang Amen.

Ngayon ang kapistahan ng Katawan at Dugo ni Hesus (CORPUS CHRISTI). Ginugunita ng buong Simbahan ang pagkakaloob ng isang napakahalagang regalo ni Hesus sa atin, ang Kanyang Katawan at Dugo na ating tinatanggap sa Eukaristiya.

The-bread-becomes-the-body-of-christ-through-transubstantiation-where-consecration-changes-the-substance-of-the-bread-but-not-the-appearance-Microsoft-Clip-Art

Thank you, may Eukaristiya tayong pinagsasaluhan, na ibig ipakahulugan ay mapasasalamat.

Thank you, may komunyon, nag bubukas palad tayo upang tumanggap, at pagbubukas palad sa mga nangangailangan.

Thank you, may Katawan at Dugo tayo ni Hesus na ating tinatanggap na talagan namang walang hanggang buhay ang dulot sa atin.

PILA PARA KAY KRISTO

Nakakainis o nakakaasar kapag naka pila.  Kahit saang pila nasasagad ang ating pasensya.  Sa umaga pa lang pila na ang bawat myembro ng pamilya sa CR para makaligo para makapasok sa eskuwelahan o sa opisina.  Paglabas ng kalye, pila rin ang napakabigat na trapik ng mga sasakyan.  Ganun din sa pagsakay sa LRT at MRT.  Kapag pupunta tayo sa mga tanggapan ng gobyerno para maka kuha ng kanilang serbisyo, talaga namang napakahabang pila rin ang susuungin.  Kung puwede lang sanang may shortcut, kung puede lang sanang mabilisan lahat.

download (1)

KAPISTAHAN NG PAGBIBIYAG KAY JESUS NI SAN JUAN BAUTISTA SA ILOG JORDAN.

Sa Ebanghelyo ng pagbibinyag kay Jesus, ating mababasa na may panawagan si Juan Bautista na: “magsisi, sapagkat ang kaharian ng Diyos ay nalalapit na.”  Marami ang nakarinig sa paanyaya ni Juan, kaya ura uradang ang mga tao ay pumila para mabinyagan.  Ngunit pina alala ni Juan, na ang pagbibinyag nya ay sa tubig lamang, ngunit ang Siyang darating ay magbibiyag sa kanila sa Banal na Espiritu.

At si Jesus ay nakiisa sa pagpilang ito, at nakiusap kay Juan na Siya man ay binyagan.  Ngunit matatanong natin, bakit kailangan magpabinyag ni Jesus? Bakit kailangang nya ring pumila kasama ng mga makasalanan?  Alam natin na ang binyag ang nagpapawala ng kasalanan.  Ngunit si Jesus ay wala nito.

Pumila at nagpabinyag si Jesus dahil:

  • GUSTO NIYANG IPAHAYAG ANG KANYANG PAKIKISA SA SANGKATAUHAN. Gusto Niyang ipakita na kaisa natin Siya.  Pinagdaanan Niya ang buong proseso ng pagpila at paghihintay, walang shortcut, walang palakasan. Hindi Siya natakot na mahalintulad s amga taong makasalan.
  • GUSTO NIYANG ANG TAO AY MAGING MALINIS SA KASALANAN. Nang Siya ay binyagan, hindi Siya napabanal ng tubig, bagkus Siya ang nagpabanal ng tubig na ginagamit sa atin sa pagbibinyag.  Kaya lahat tayong nabinyagan ay nagiging malinis at banal.

download

  • GUSTO NIYANG ANG TAO AY MAGING PARTE NG PAMILYA NG DIYOS. Nang si Jesus ay biniyagan: may isang tinig na nagwika: “Ito ang aking pinakamamahal na Anak, na lubos kong kinalalaugdan.”  Nuong tayo ay bininyagan, tayo ay naging mga anak ng Diyos, naging kapatid ni Jesus.  At darating baling araw, na pipila tayo sa pintuan ng tahanan n gating Ama kapag tapos na ang ating buhay dito sa lupa.

Ang kapistahan ng pagbibiyag kay Jesus ay hudyat ng pagsisimula ng misyon ni Jesus, misyon na maglingkod at hindi ang paglingkuran.  Ito ay panawagan sa atin, lalo na iyong mga tinatawag na maglingkod: magulang, teachers, government and church leaders, at kahit ano pa mang paglilingkod.  Katulad ni Jesus, ang paglilingkod ay hindi isang posisyon na dapat ipagmayabang, bagkos ito, ay katulad ng pagpila kasama ng mga makasalan.  Kadalasan po kasi, kung sino pa ang mga lider natin, sila ang ayaw pumila, gagamitin ang kanilang impluwensya at koneksyon para hindi maabala. Alam kasi nila na sial ay espesyal.  Kung ganun ang mga lider na ito ay malayong malayo sa ating modelong si Jesus, na marunong makiisa.

images

Ngayong Linggo na ito, lahat tayo ay abala, exited na exited na, ilang tulog na lang, kasi masisilayan natin ang Santo Papa Francisco, ang modelo natin kung paano ba ang maglingkod katulad ni Jesus. Nagliligkod ng may awa at pagmamahal. Mercy and compassion.  Nawa’y mapag alab Niya an gating pananampalataya na tayo ay tinatawagan rin na maglingkod.

Ang kapistahan ng pagbibiyag kay Jesus ay hudyat ng pagsasara ng panahon ng kapaskuhan. Marahil marami na sa atin ang nakapagligpit na ng mga Christmas decorations. Naitabi na natin lahat. Naipila na natinsa ating bodega.  Nawa’y ang liwanag na dala ni Jesus na isinilang sa ating mga puso ay patuloy na mag alab.

Kapag tayo ay dumadalo ng misa, tayo ay pumipila para tanggapin si Jesus sa komunyon.  Kung tayo ay may tapang na pumila upang siya ay tanggapin, nawa’y magkaruon din tayo ng tapang na panindigan ang ating pagiging binyagan.  Na tayo ay Kristiyano.  Na tayo ay para kay Kristo.

The BEST

“I did my best but I guess my best wasn’t good enough.”Marahil tutoo nga ang unang linya ng kantang ito (Just Once). Marami mga bagay ang ibinibigay natin. Buhos kung magbigay ng ating makakaya. Pero hahantong pa rin pala sa wala. Dahil ang mga pinagpaguran mo, ang mga magaganda at mabubuting ipinapakita mo, pati na ang taus pusong pagbabago ay wala rin palang kakahantungan. 10429337_525506707552234_1169918832564316062_n Nakakalungkot mang isipin, tila parang walang puwang ang pagbibigay pagkakataon sa ibang tao, na ipakita nila ang kanilang kabutihan at mabigyan muli sila ng pagkakataon. Dahil ang tao ay may sariling panukat. Maraming biases. Kapag naikahon ka ng ganyan, ganyan ka na talaga habang buhay. Kailangan pala perpekto at walang kapintasan, para mas katanggap tanggap ka sa iba. Pero sa bandang huli, alam nating ang Diyos ang Siyang lumalapit sa mga taong walang kwenta, maraming kapintasan, at walang sinasabi sa buhay. Dahil ang Diyos ay Diyos ng walang hanggang pagkakataon. Walang panukat, walang panghuhusga, at walang hanggan ang pagmamahal. At para sa Kanya ang simpleng good ay nagiging the best.

Aksidente

July 16, 2012, Lunes, 9:00 a.m. Skyway, Muntinlupa – ito and araw na di ko makakalimutan. Dalawang taon na rin pala ang nakakalipas.  Ang community ng Sta. Cruz Parish ay papuntang Laguna para sa aming community outing.  Kaya nga lang, hindi sa outing napunta, kundi sa isang aksidente napunta, isa ako sa nakasakay sa kotseng bumabagtas sa kahabaan ng skyway sa Muntinlupa, bigla kaming nakarinig ng pagsabog, iyon pala, ang gulong sa likuran ng sasakyan namin ang pumutok, gumewang ang sasakyan, pakaliwa, pakanan, hindi na namin alam ang susunod na nangyayari, tahimik kaming lahat.  Ang tanging naririnig na lang namin ay ang tunog ng hindi malamang dereksyon ng sasakyan namin. Pumikit na lang ako. Nasabi ko na lang sa sarili ko at sa Diyos: “wala na to Lord, tapos na ko Lord, wala na to…” biglang huminto ang mundo ko, maraming ala-alang bumalik sa akin, bumagal lahat.

Hanggang sa tumahimik na ang lahat, wala na ring galaw akong naramdaman. Hanggang sa imulat ko ang mata ko, nakatagilid na pala ang sasakyan namin, hindi ako masyadong kumilos kasi alam ko, baka naka angkla na lang kami sa gilid ng skyway, at konting kilos lang namin ay babagsak ang sasakyang kasama kami.  Ngunit naging alerto kami at kalmado, isa-isa kaming lumabas ng sasakyan. Ng makalabas na kami, nakita ang itsura ng sasakyan, ay talagang natakot kami, pero napangiti pa rin ako,kahit takot, dahil nakita ko ang sasakyan na ilang pulgada na lang ang layo at mahuhulog na pala ito sa baba ng skyway, at ang sumunod na tagpo ay nasa emergency room na kaming lahat  sa Ospital ng Muntinlupa.

555552_10150986084185665_695430115_n

Sa loob ng ospital, kami ay tinanong kung taga saan, sinabi namin na kami ay galing ng Sta. Cruz, Maynila, at kami ay mga pari at seminarista.  At nasabi na lang ng kausap namin na kaya pala nakaligtas ng buhay sa aksidente dahil mga pari at seminarista kami. Niligtas daw talaga kami ng Diyos.

Pangalawang buhay, ito marahil ang handog ng Diyos sa akin at sa aming lahat na kasama sa aksidenteng nabanggit.  Buhay na pandugtong, buhay na muling ipinagkaloob, buhay na regalong muli sa amin.  Wala akong emosyon na maramdaman habang nasa ospital at habang pauwi na ng konbento. Ngunit pagsapit ng gabi, ng ako ay mapag isa na sa loob ng aking kwarto, duon na ako umiyak ng umiyak, duon na lumabas ang emosyon kong hindi ko maintindihan kanina pa.  Magkakahalo, awa sa sarili, takot sa nangyari, pag iisip na paano kung patay na ako ngayon, at sa bandang huli, pagbibigay pasasalamat sa Diyos sa pangalawang buhay na kaloob Niya.

W-OLMC-35

Naalala ko na lang bigla, kapistahan pala ng Our Lady of Mt. Carmel ngayon, marahil niligtas kami sa tulong ng mahal na ina, hinawakan ang eskopularyong suot naming sa aming mga leeg, upang hindi kami tuluyang mahulog sa kamatayan.  Umiiyak pa rin ako, inilabas ko na lang eskopularyong laging suot ko, hinalikan ito saba’y naibulong sa mahal na Ina: “salamat, nadyan ka…”

Salamat Sa Pagtugon Mo (Israel C. Cruz, SSS)

Matagal na kitang nililigawan,
Maraming taon na Ako sa iyo’y naghintay,
Nang tumugon ka sa ‘king pananambitan,
Kaligayahang tunay Aking naramdaman.

Nagkaruon tayo ng kasunduan,
Ikaw at Ako ang siyang nagkakaintindihan,
Hindi kita iiwan kahit saan,
Kahit kailan, pangako Ko sa iyo iyan.

Hirap ka man sa buhay na dinanas,
Nais mo lamang ay makita ang iyong landas,
Pursigido ka pa ring maging pantas,
Upang maibahagi ang nakamtan mong lakas.

IMG_4516

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Luho at gusto ay iyong tinalikdan,
Upang tunay na kayamanan ay iyong makamtan,
Wala sa pera o sa kalayawan,
Pagtugon sa Akin ang tunay na kaligayahan.

‘Kala mo ang pagsunod ay ganun na lang,
Maraming paghihirap ang iyong mararanasan,
Kaya mo pa kaya pati kamatayan?
Upang maghandog buhay sa nangangailangan.

Maging malinis, isa mo pang sumpa,
Sa pagsisislbi sa ‘kin ay maging laging handa,
Sa Aking kaharian ay nandyan ka,
Magpakailanman, ikaw ay Akin talaga.

Salamat sa ‘yong matamis na oo,
Sa pagtugon mo sa ‘king maging relihiyoso
Paghahandog buhay ay tutoo,
Salamat sa iyo, salamat sa pagtugon mo.

PUSO NG INA

Kung bubuksan natin at titignan ang puso ng ating mga ina, ano kaya ang ating makikita? Sabi nga sa kanta: kung nais mong matanto, buksan ang aking puso, at tanging larawan mo, ang duon ay nakatago. Tunay na sa puso ng bawat ina ay ang anak ang nasa kanyang puso. Ang puso ng isang ina ang siyang luklukan ng pagibig niya sa kanyang anak.


Puso, ang nag aalab na pag ibig ng isang ina sa kanyang anak. Puso, ang nagbibigay inspirasyon sa ina na patuloy na mangarap at magpunyagi para sa kanyang anak. Kapag huminto ang puso ng isang ina, tiyak ang tibok ng puso ng anak at wala rin.

Kapag masaya ang anak, tiyak masayang-masaya ang ina. Kapag malungkot ang anak, tiyak malungkot na malungkot ang ina.
Ilang araw na lang mula ngayon, atin na namang gugunitain ang Araw ng mga Ina. Kapag ina na ang pinag-uusapan, dagdagan pa ang katagang pagmamahal, sigurado ako na marami sa atin ang nagiging emosyonal. At katulad ng lahat ng mga ina, si Inang Maria ang siyang huwaran nila.

P – pananampalataya, pananalig. Dahil sa pusong marunong manalig at sumampalataya sa Diyos, nagging madalikay Maria ang magmahal. Pananampalatayang hindi mapapantayan ng kahit na sinong babae at ina. Pananampalatayang handing maglaan ng sarili. Pusong sumasampalataya.
Image
U – unawa. Maraming mga pangyayaring naganap sa buhay ni Hesus, ang talagang hindi maunawaan ni Maria. Sa ebanghelyo, kung saan si Hesus ay nawala at natagpuan sa templo, hindi niya maunawaan na ang batang Hesus na ito ay magsasalita na Siya ay di dapat hanapin dahil Siya ay nasa templo ng kanyang Ama. Kung patuloy itong inunawa ni Maria gamit ang kanyang isip, ay talagang malabo siyang makakuha ng kasagutan. Ngunit ang ginamit niya ay puso. Puso ang ginamit niya upang mauwaan niya ang lahat-lahat. Maingat niya itong inalagaan sa kanyang puso. Pusong umuunawa.

S – sunod. Kapagmahal mo ang isang tao, madaling sumunod. Madaling umayon sa kanyang mga desisyon. Ganyan din ang nangyari kay Maria, mula sa pagbabalita ng anghel na siya ay magdadalang tao, pagsabihan ni Hesus sa kasalan sa Cana, hanggang sa pananatili sa krus, ang kagustuhan ng Diyos ang siya niyang sinunod. Mahirap, gunit dahil sa pusong handang sumunod ito’y naging napakadali. Pusong sumusunod.

O – ras. Sa panahon ngayon, lahat mabilisan, lahat nagmamadali, lahat nakadepende sa oras. Si Maria ay naglaan ng panahon at oras sa kanyang Anak. Sa kasalanan sa Cana, nasabihan siya ni Hesus: “hindi ko pa oras, maghintay ka…” Kapag mahal natin ang isang tao, handa tayong manatili at maglaan ng oras para sa kanya. Napakadali para sa may pusong handang maglaan ng oras sa iba.

Pusong ina, pusong may pananampalataya, umuunawa, sumusunod at handa sa paglalaan ng oras. Nawa’y ang puso ng lahat ng ina at maiwangis sa puso ni Maria. Maligayang araw ng lahat ng mga ina.