What else do we need?

Wala pa ako sa seminaryo, ng makita at maranasan ko sa pamilya naming, kung saan ang tatlong kapatid ko ay lumipat ng ibang relihiyon, si Kuya at ang bunso naming kapatid naging INK, ang sumunod sa akin nakapag asawa ng Baptist, ang natira na lang na katoliko sa pamilya, sina nanay, tatay, ung pang-apat kong kapatid at ako. Nakakalungkot. Hanggang naitanong ko kay Jenny, sa bunsong kapatid ko, kung bakit sya nagpaconvert, hindi ko malilimutan ang sagot nya, “Kuya, may hinahanap akong iba, Hindi sapat ang nakikita sa Catholic Church.”

It is sad phenomenon that in our present times those who leave the Catholic Church often say that the reason they left is because they were “not being fed.” How ironic and tragic that in their hunger for God people separate themselves from the one Church instituted by Christ Himself to feed His people with His very Body and Blood.

Ano ba ang sukatan para masabi nating sapat na ang Eukaristiya?

What will satisfy our hunger?

What shall give rest to our trouble souls?

Apostle of the Eucharist, Saint Peter Julian Eymard says:

“We have the Eucharist, what else do we need. The Eucharist is everything, because from the Eucharist, everything is.”

Today we celebrate the mystery that quenches our every thirst and fills all our hungers.  WE HAVE COME NOT TO WATCH SOMETHING BEING DONE BEFORE US; RATHER, WE HAVE GATHERED FOR SOMETHING FOR US TO DO.

We remember Jesus by sharing the bread that is broken and accepting the cup that is held out to us.  And He nourishes us with His own flesh and blood, thereby making us part of Himself.

When we remember Jesus this way, He does not only become present again in our midst; we also become one with Him and with all those who remember Him this way.

This is our Eucharist.  This is our thanksgiving.  This is the sign we seek.

This is the covenant foreshadowed to us by the first reading today from the book of Exodus.  This is covenant proclaimed to us by the second reading today from the Letter to the Hebrews.  This is good news of the Gospel today.  And, until the kingdom is established in its fullness, when we hope not only to see our dear Lord face to face but also to drink with Him the fruit of the vine, this simple, poor man’s meal is enough for us.

But will this meal be enough for others?

I presided a mass for Grade Two First Communicants, matapos ang misa, tuwang-tuwa ang mga bata, tapos may nilapitan akong isang First Communicant, sabi ko: “Kamusta ung natanggap mo, ano ang lasa?” ang sabi nya. “Ganuon LANG po pala iyon, father.”

Natawa ako, pero napaisip ako. Ganuon lang pala iyon. Tutoo naman, during communion, hindi nga tayo matitingahan man lang, pero hindi natin alam, na ang tinatanggap natin ay hindi LANG tinapay LANG. kundi Mismong Katawan ni Jesus.

Bata pa ako, madalas akong magcomplain sa parents ko sa mga pagkaing inihahain sa lamesa namin. Puro ako reklamo. Bakit ito lang? Bakit ganito lang? bakit ito na lang lagi ang pagkain?

Will this meal, the Holy Eucharist be enough for us, for other?

No.  Until this meal, no matter how sacred it is, does not transform us into what we eat and drink – Jesus Himself – this meal will never satisfy the many others who starve for love and mercy.   If this meal gratifies only you and me, leaving the many others hungry for our solidarity and effective care, this meal – even if indeed it were the Lord’s – shall not be enough for the world to see the sign it demands from its Maker.   This meal is not enough for others unless we ourselves give witness to the many others about the unity it effects not only between Jesus and us but also among ourselves.

After ng misa, after natin tumanggap ng Katawan ni Jesus, wala naman palang epekto sa atin, sa ating buhay, e palabas lang pala ang pagsisimba at pagco communion natin.Wala pa rin epekto sa buhay natin. Walang epekto ang pagkain sa katawan natin.

One Saturday, I was visited by a friend who came from Pangasinan, she invited me to eat in a “Eat all you can/buffet restaurant in MOA.” Lunch time iyon, nakita ko ang price 850+, sabi ko ang mahal pala rito, kakainin ko lahat, kailangan sulitin ko. Ang sarap, ilang beses akong pabalik-balik sa pagkuha ng pagkain. At the middle of our meals, a father and a son, approached us, we are seated in front of the restaurant, may salamin lang na pagitan, humihingi sila ng pagkain, nakupo, paano ba ito? Paano ko ba sila bibigyan? Hindi naman puede lumabas para bigyan sila, ang ginawa ko, medyo tumalikod ako sa kanila, kumatok ang tatay, deadma na lang ako. umalis ang magtatay, sinundan ko sila ng tingin, nasabi ko na lang: “Pari ako, sa misa nagpapakain, pero ngayong may lumapit sa mesa, hindi ko mapakain.” Madamot pa rin tayo.

By our faith-filled partaking of this Holy Meal, we should strengthen one another and, together as a community of the Lord’s disciples, every man and woman in going through this life plagued by suffering and death.  Otherwise, this meal may be enough for us but not for all humankind.

The Solemnity of the Body and Blood of Christ challenges us to be more Christ-like to one another.

It speaks of the dangerous memory of Jesus – dangerous because not one can honestly keep the memory of Jesus alive in his or her heart without himself or herself becoming like Jesus – Maging Tinapay rin tayo, na handang maghati at magbahagi sa ating kapwa.

Satisfied by this meal that is enough for us, we are restless until every table has enough food for all to eat, Hanggat may mga kapwa tayong nangangailangan ng pagkain – pagkaing pagmamahal, pagtanggap at karunungan. Until our society is loved enough so as to see the sign of God’s presence in the world that dies of hatred and indifference.

We, who gather today in this table of the Body and Blood of Christ must be that body and blood for others.   Let us be the sign of God’s presence to all by our love that gives life to others.

WE SHALL RISE FROM THIS TABLE NOURISHED AND SATISFIED, BUT NOT FOR OUR SAKES.  We are being fed and strengthened for the life of the world. We shall make this meal enough for all.

Tayo ngayon ay nasa Year of the Priests and Consecrated Persons, ang panawagan ng pagpapanibago, hindi lang para sa mga pari at mga madre, kundi pati na rin sa inyong mga LAIKO.

Sabi ng younger sister ko: “Kuya, may hinahanap akong iba, Hindi sapat ang nakikita sa Catholic Church.” Mula nuon, hinangad ko na maging pari, at sa bawat pagdiriwang ng misa, sa lamesa ng Eukaristiya, lagi ko syang inaa-alala.

At lagi akong napapatanong sa sarili ko  “Ano pa ba ang hindi niya nakikita?” Amen.

 

 

Advertisements

Katawan ko, Templo ng Diyos

Kapag naiisip natin ang pangalan ng Panginoon Jesus, tiyak tama akong ang unang pumapasok na larawan sa isip natin ay isang Jesus na maamo, mabait, may pagpapahalaga sa tao lalo na sa mahihirap at mahihina, mahinahon kung magsalita.

Pero sa ebanghelyo ng paglilinis ni Jesus ng Templo, tila baga ito ay naging kabaligtaran. Si Jesus ay naghurumentado sa galit, ika nga.

Jesus-Cleansing-the-Temple-650x276

Sirain at baguhin. Ito ang naging dalawang kadahilanan ng Kanyang pagkagalit.

Nais ni Jesus na sirain ang kawalang respeto sa simbahan at pagiging marumi nito sa pandaraya at korupsyon.

Paano ba naman, yung mga hayop na ginagamit na sakripisyo ay hindi tinatanggap sa templo kapag hindi dun sa mga tamang tindahan binili. Ang problema napakamahal naman, tapos yung gagamitin mong perang pambili pag pinapalit mo sa mga tindahan dun ay mahal din ang palitan.

Ang mayayaman ay may kakayahang mag alay ng tupa, samantalang ang mahihirap ay isang kalapati lamang.

Ang mga mahihirap ay tila baga wala ng kakayahang mag alay dahil sa mga pandarayang nagyayari dito.

Ito ang kinagalit ni Jesus, ang ganitong uri ng sistema, sistema ng pandaraya at korupsyon.  Sa paglilinis na ito ni Jesus, nais niyang linisin din ang templo sa inhustisya at panawagan ng pagpapanibago.

Nais ni Jesus na baguhin patungo sa pagpapanibago sa pagdating ng bagong panahon.

Nasabi ni Jesus; “Gibain ninyo ang templong ito at muli kong itatayo sa loob ng tatlong araw”

Ngunit hindi ito naunawaan ng mga tao.  Paanong ang templong, apat napung taong itinayo, ay magagawa lamang sa tatlong araw.

Ang paliwanag sa likod ng pangungusap na ito na ang bagong Templo ay: Gigibain, mula sa pagiging marumi sa korupsyon patungo sa pagpapanibago at perpekto.  Hindi na kailangang mag alay ng mga hayop sa kapatawaran ng mga kasalanan dahil mismong si Jesus na ang perpektong mag aalay ng Kanyang Sarili sa lahat ng panahon. Hindi na ang templong yari sa bato, kundi mismong si Jesus na muling nabuhay bilang pinuno ng Simbahan.  Sa paglilinis at pagpapanibago ng templo, ginagarantiyahan tayo ni Jesus ng kaganapan ng planong kaligtasan ng Diyos.

Ngayong araw na ito, ipignadiriwang sa Santa Iglesia ang makasaysayang pagtatalaga ng Basilika ni San Juan de Letran sa Roma, itinayo noong ikaapat ng siglo. Ito ang Simbahang Katedral ng mga Santo Papa, na nagsilbi ring kanilang tirahan bilang Obispo ng Roma at pastol ng unibersal na Iglesia. “INA AT PINUNO NG LAHAT NG SIMBAHAN SA ROMA AT SA DAIGDIG” ang siyang taguri sa basilikang ito.  Ito ang simbahang ginagamit ng Santo Papa noong unang panahon nang wala pa ang Basilika ni San Pedro.

Isang napakagandang kapistahan at Ebanghelyo ang ating narinig.  At tayo ay hinahamon na tignan ang ating mga sarili.  Kapag muli akong nagtanong, kung ano ang unang pumasok sa isip natin kapag nabanggit ang salitang simbahan?

Masasabi natin marahil na ang simbahan ay isang lugar, gusali, bahay dalanginan…tama naman po talaga, ang simbahan ang siya nating tahanan…kung saan tayo ay tumatahan sa ating mga hirap na nararanasan dahil alam nating nasa piling natin ang Ama, na Siyang nagpapatahan sa atin.

Ngunit ang simbahan ay hindi natin maaring limitahan sa taguring lugar o istrakturang bato lamang.  Ang simbahan ay ako, ikaw, tayong lahat na binyagan, tayong dumudulog sa Eukaristiya.  Ang ating katawan ay templo ng Espiritu Santo.  Paano kaya kung dumating si Jesus at titignan ang kaibuturan ng ating puso, ng ating kaluluwa? Ano kaya ang kanyang makikita?

Marahil muli na naman siyang magagalit at magwawala, dahil ang templong katawan natin ay puno ng karumihan ng galit, pagkamakasarili, pagmamataas, inggit at iba pang kasalanan.

images (1)

Panginoon, marapatin Mo pong maging kalugod-lugod akong templo ng Iyong Banal na Espiritu. Amen.

UNA TAYO SA PAGMAMAHAL NG DIYOS

Bakit tila baga, uso ngayon ang maging huli sa maraming bagay? Sa napakabagal na daloy ng trapiko kahit saang parte ng Metro Manila, tiyak huli na naman tayo sa pupuntahan ko. Sa napakaraming beses na pagka aberya ng MRT/LRT, tiyak ulit na mahuhuli tayo sa ating patutunguhan.  Pati mga kawani ng pulis, naki uso na rin sa huli, ibang pagkahuli nga lang, hulidap. Pati tuloy tayong nag nagsisimba tuwing Linggo, nakiki-in na rin, marami ay huli na kung dumarating.

Di ko alam kung talagang parte na ng ating sistema at kultura ang maging huli sa maraming pagkakataon. Nasasabi tuloy natin… “Mamaya na lang yan, marami pang oras”… “Maaga pa masyado hindi naman magsisimula yan kapag wala ako”… Kaya marahil pati ang ating ekonomiya, ay huling huli na rin.  Hindi langsa pagiging huli tayo magaling, napakagaling din nating na magkwenta ng pera, magbilang ng pagkakamali ng iba, magsumbat ng mga naitulong natin sa ating kapwa, at mainggit kapag nakikita nating umaasenso, o dili kaya maramag talent ang ibang tao.

images (1)

Ang talinghaga ng may-ari ng ubasan ay talinghagang isinalaysay upang isalarawan ang kasabihang “ang mga nauuna ay nahuhuli, at ang nahuhuli ay nauuna.”

Ang mga nauna ay yaong mga tinawag sa madaling araw; ang mga nahuli ay yaong mga tinawag isang oras bago matapos ang araw. At pagdating pagdating sa suwelduhan, ang mga inunang bigyan ng denaryo ay iyong mga naka-isang oras ng pagtatrabaho at ang mga inihuli ay yaong pinakamatagal sa pagtatrabaho.

Sa unang dinig, mahirap unawain ang turo ng ebanghelyo natin ngayon. Matatanong tuloy natin, nasaan ang hustisya sa tamang pag gawa?  Ngunit kung ating palalalimin – ito ang hiwaga ng pag-ibig ng Diyos. Ang hiwaga ng pag-ibig ng Diyos na nakaugat mula sa kanyang kagandahang loob. Ang hiwagang nagtuturo sa atin na ang pag ibig at kabutihan ng Diyos ay walang sukat, , walang pagtitimbang at walang hanggan

images

Tinimbang tayo ngunit kulang. Kay raming beses na tayo ay naging huli sa maraming bagay. Kay raming beses na hindi na tayo  dapat pang bigyan ng pagkakataon ng Diyos dahil sa ating mga pagkukulang at kasalanan. Kay raming sitwasyon na hindi na tayo dapat pagbigyan pa ng pangalawang pagkakataon. Pero ang Diyos, ay Diyos ng maraming pagkakataon.         Dahil hindi Siya mahilig maglista. Hindi Siya marunong magkwenta.  Hindi Siya nag titimbang ng pagkakamali.  Hindi sumusukat sa ating kalimitahan.

Aminin man natin o hindi, lagi taong huli sa maraming bagay at pagkakataon. Pero huli man tayo at walang kwenta, patuloy pa rin Niya tayong mamahalin.

KAINAN NA.

Marahil pamilyar kayo sa commercial ng isang sikat ng instant noodles, kung saan pinahahalagahan ang sabay sabay ng pagdulog sa hapag kainan ng isang pamilya, hindi ba’t sa commercial na ito, nagkakaruon din ng pagbabahaginan, nagiging lugar kung saan nagkakamustahan, nagkakaalaman ng mga nangyayari sa pamilya, may komunikasyon sa bawat isa.  ang mga magulang ay nagagabayan ang kanilang mga anak.

Image

Ngunit, tila ang halaga ng salu salo o sama samang pagkain ay nawawala na.  bihira na rin marahil na ang pamilya’y sabay sabay na dumudulog sa hapag kainan, dahil sa maraming ang salik, ang hirap kumain ng hindi nagkikibuan, dahil may mga alitang namamayani sa tahanan, gayundin naman ang pagiging abala sa maraming bagay, tuwing hapunan, marami sa atin ang nakaaabang na sa mga telenovela, ang mga anak, ay hindi maabala sa harapan ng computer, sa internet. At iba pa.

Sa Eukaristiya, sa harap ng hapag, ang Diyos at ang tao ay nagkakamustahan, nag huhuntahan, at hanggang sa dudulog sa kainan.

Ngunit aminin man natin o hindi, tayo ay nasisiyahan kung tayo ay inaanyayahan sa kainan, hindi marahil sa kung ano ang pagkain.  Kundi sa magandang kalooban ng nag anyaya, ang masayang pagtitipon at umpukan ay nagdudulot ng mahalagang kahulugan.  Dahil sa lahat ng ito, bagamat di gaanong kasarap ng pagkain ang panauhin ay lubhang nasisiyahan.  Pinatutunayan nito na ang piging o salu salo na may kasamang masayang umpukan at usapan ay talagang mahalagang simulain at sumasarap ang pagkain.

Image

Si Hesus ay lumalahok sa maraming kainan upang ipahiwatig ang mga bagay na ito.  Una, sa pagsalo niya sa mga naninigil ng buwis, mga makasalanan, ito ay isang maliwanag na tanda ng kanyang pakikiisa sa mga taong ito.  Siya’y isang propeta at guro na nakikipagkaibigan sa lahat sa buklod ng kainan at kapatiran. Ang kanyang pakikiisa ay tanda ng maliwanag na pagpapatawad at pagiging maunawain. Ikalawa, si Hesus ay nagtuturo din habang kumakain, ginamit niya ito upang ipahiwatig ang awa ng Diyos.  Ikatlo, sa Huling hapunan, ang sal-salo na kinasangkutan ng Eukaristiya, siya ay gumamit ng tinapay at alak, mga sagisag ng kabutihan at pag aalaga ng Diyos.  Kaya nga walang dumadalo sa masayang salu salo dahil sa pagkain lamang.  Ang gayong paniniwala ay sinunod sa mga pagkain at sa huling hapunan binigyan diin ang diwa ng pagkakaisa at pakikisama kung kaya sinasabi niyang ang tinapay ang tunay na pagkain at alak ay tunay niyang dugo, ang dugo ng bago at walang hanggang tipan.

 

Ang Eukaristiya ay isang salu salo.  Pagsasalu salo ng hindi lamang pagkain, kundi ng buhay, ng presensya at ng pagkawala, ng tagumpay at kabiguan, ng ngiti at pagluha, dahil alam nating sa eukaristiya, sa hapag ng Diyos, siya ay ating nakakasalo.