MAPALAD KA

Sino ba sa atin ang naghahangad at nagsasabing napakapalad ko kasi mahirap ?

Sino ba ang nasa tamang katinuan ang magsasabing mahal na mahal ako ng Diyos kasi wala akong makain at gutum na gutom ako?

Sino ba ang magsasabing mahal na mahal ako ng Diyos kasi ang dami kong problema at lagi akong tumatangis sa lungkot?

Sino ba ang tuwang tuwa dahil ang lahat ay inaaywan sya, at kaaway sya?

Marahil kung ang tugon ninyo ay ako iyan sa mga nabanggit kong mga katanungan, marahil wala ka sa tamang pag iisip, in short may sayad ka…

Pero sa ebanghelyong ng MAPAPALAD (The Beatitudes) ating mababas, kapag ikaw ay mahirap sa buhay, nagugutom, tumatangis at nilalayuan sa ngalan ng Panginoon, dapat kang matuwa dahil ikaw ay tunay na pinagpala…

images (1)

Mapalad ka, dahil yagit ka…

Maswerte ka dahil mukha kang gutum na gutom na…

Mahal ka ni Lord dahil marami kang problema…

Magsayaka dahil marami kang kaaway sa ngalan ng Diyos…

Sa Eukaristiya, nandun ang tunay na kayamanan, kabusugan, kaligayahan.  Sa ating tinatanggap na katawan at dugo bi Jesus, naway makita natin na tayo ay tunay na mahal na mahal N’ya at sa kanya lamang tayo sasandal at hindi sa kung sino at ano pa man, Amen.

Advertisements

HAYAY BUHAY…

Marami na akong na encounter na mga tao na ibat iba ang pagtingin at paraan ng pagpaahalaga sa buhay.

Si Joebel, ang namatay na ka batch namin. Nuong araw, bumubuo kami ng mga pangarap na magsasabay sabay na maging pari. Namatay sya sa sakit na kidney failure, tatlong taon na ang nakakaraan, nilabanan ang sakit upang humaba ang buhay.

Si Ate L, nalulungkot at naiiyak na lang sya sa sobrang takot dahil ang dalawang kasabayan nya sa dialysis ay wala na. Natatakot sya na baka sya na daw ang sumunod. Gusto pa niyang mabuhay.

Si Francis, ang isa sa mga naging estudyante ko, isang matapang at makulit na bata, tatlong taon na ang nakakaraan natagpuan na lang sya ng kanyang lola at mama nya na nakabigti sa kanilang bahay sa Tayuman, Maynila. Winakasan nya ang sariling buhay.

Si Mang Ricardo, driber ng van na byaheng pa Manaoag to Baguio, nakakuwentuhan ko kanina sa byahe, may walong anak, ang misis ay nasa bahay lang, at umaasa lahat sila sa kikitain nya sa pagda drive, ito ang sa kanila ay bumubuhay, si Mang Ricardo kumakayod sa buhay.

Si Br. Richie Fernando, seminaristang Jesuit, na assigned sa Cambodia. Naglaan ng buhay.

Marami pa itong mga kwentong ganito, iba iba ang kwento ng buhay iba ibang pamamaraan ng pagharap sa buhay.

12002750_1470829626554724_7068898651918894032_n

Buhay nga naman parang life ika nga…

Tuwing sumasapit ang ating kaarawan, tayo ay nahaharap na balikan ang isang taong lumipas, tignan kung paanong ang ating buhay ay naging makabuluhan.

At ngayong araw na ito, nagdiriwang ako ng aking ika 36 na kaarawan, panibagong regalong buhay, sa mga nakalipas na araw, talaga yatang laging dumarating sa akin ang tinatawag na birthday syndrome, itong umaga, pumunta ako ng Baguio, namalagi ako sa Pink Sisters, nagdasal, at inubos ang buong umaga ko duon, pag sumasapit ang birthday ko, mas gusto kong napag iisa, dahil mas nakakapag isip ako, at nakikita ko ang maraming biyaya ng Diyos sa akin.

Sa nakalipas na isang taon, tunay na mabiyaya, naka graduate ako sa Theology, nakapag perpetual profession ako at na ordained akong deacon, maraming pagsubok – pero mabiyaya, maraming kalungkutan – pero mas lamang ang kasiyahan, maraming palpak na mga desisyon ko – pero alam kong pangatawanan, maraming kabiguan – pero ako ay nagtagumpay.

Ang birthday ay nagtuturo sa atin kung paano muling isilang, ang pag alala sa ating kapanganakan ay pag alala kung paano magsimula.  Kahit na ano pa man ang nangyari kanina, kahapon, nuong nakaraang buwan at taon, ang mahalaga ay magsisimula kapag nadapa, nagkamali, nasaktan sa buhay.  Huwag hihintong muling sumubok, maniwala at umasa.

Sa nakalipas na 36 na taon sa buhay ko, masasabi kong marami akong dapat ipagpasalamat sa Diyos, samahan ninyo ako at turuan na mas magbahagi pa ng aking buhay sa inyo.

Ang aking dasal ang inaasam kong naway ang makita ng Diyos ang batang Kanyang minahal, inaruga sa loob ng 36 na taon ay namumuhay sa kagustuhan Niya.

Marahil, hindi lang tuwing sasapit  ang ating kaarawan tayo ay tumingin sa paraan kung paano tayo mamuhay, maaring maging si Joebel, Ate L, Francis, Mang Ricardo at si Richie ang buhay natin, ang tanong na lang ay alin ang pipiliin natin at gagawing inspirasyon sa mga buhay nila.

At makikita natin ang kahalagahan ng buhay kapag tayo na mismo ang nawalan, tayo na mismo ang nagbigay, tayo na mismo ang humandusay – handog buhay para sa iba.

Sana rin tignan natin si Kristo sa banal na Eukaristiya, na buong buo na nag alay ng kanyang sarili sa ating lahat.

Gawin nating makubuluhan ang ating buhay, hindi pa huli ang lahat…

UNA TAYO SA PAGMAMAHAL NG DIYOS

Bakit tila baga, uso ngayon ang maging huli sa maraming bagay? Sa napakabagal na daloy ng trapiko kahit saang parte ng Metro Manila, tiyak huli na naman tayo sa pupuntahan ko. Sa napakaraming beses na pagka aberya ng MRT/LRT, tiyak ulit na mahuhuli tayo sa ating patutunguhan.  Pati mga kawani ng pulis, naki uso na rin sa huli, ibang pagkahuli nga lang, hulidap. Pati tuloy tayong nag nagsisimba tuwing Linggo, nakiki-in na rin, marami ay huli na kung dumarating.

Di ko alam kung talagang parte na ng ating sistema at kultura ang maging huli sa maraming pagkakataon. Nasasabi tuloy natin… “Mamaya na lang yan, marami pang oras”… “Maaga pa masyado hindi naman magsisimula yan kapag wala ako”… Kaya marahil pati ang ating ekonomiya, ay huling huli na rin.  Hindi langsa pagiging huli tayo magaling, napakagaling din nating na magkwenta ng pera, magbilang ng pagkakamali ng iba, magsumbat ng mga naitulong natin sa ating kapwa, at mainggit kapag nakikita nating umaasenso, o dili kaya maramag talent ang ibang tao.

images (1)

Ang talinghaga ng may-ari ng ubasan ay talinghagang isinalaysay upang isalarawan ang kasabihang “ang mga nauuna ay nahuhuli, at ang nahuhuli ay nauuna.”

Ang mga nauna ay yaong mga tinawag sa madaling araw; ang mga nahuli ay yaong mga tinawag isang oras bago matapos ang araw. At pagdating pagdating sa suwelduhan, ang mga inunang bigyan ng denaryo ay iyong mga naka-isang oras ng pagtatrabaho at ang mga inihuli ay yaong pinakamatagal sa pagtatrabaho.

Sa unang dinig, mahirap unawain ang turo ng ebanghelyo natin ngayon. Matatanong tuloy natin, nasaan ang hustisya sa tamang pag gawa?  Ngunit kung ating palalalimin – ito ang hiwaga ng pag-ibig ng Diyos. Ang hiwaga ng pag-ibig ng Diyos na nakaugat mula sa kanyang kagandahang loob. Ang hiwagang nagtuturo sa atin na ang pag ibig at kabutihan ng Diyos ay walang sukat, , walang pagtitimbang at walang hanggan

images

Tinimbang tayo ngunit kulang. Kay raming beses na tayo ay naging huli sa maraming bagay. Kay raming beses na hindi na tayo  dapat pang bigyan ng pagkakataon ng Diyos dahil sa ating mga pagkukulang at kasalanan. Kay raming sitwasyon na hindi na tayo dapat pagbigyan pa ng pangalawang pagkakataon. Pero ang Diyos, ay Diyos ng maraming pagkakataon.         Dahil hindi Siya mahilig maglista. Hindi Siya marunong magkwenta.  Hindi Siya nag titimbang ng pagkakamali.  Hindi sumusukat sa ating kalimitahan.

Aminin man natin o hindi, lagi taong huli sa maraming bagay at pagkakataon. Pero huli man tayo at walang kwenta, patuloy pa rin Niya tayong mamahalin.

Muling Pagkabuhay ni Kristo, dulot ay pag asa at pagpapanibago

Buhay na buhay na naman ang lahat ng simbahan nitong mga nakaraang araw, punung puno ng mga mananampalataya, marami ang nakapila sa kumpisalan, labas masok ang mga tao sa iba’t ibang simbahan bilang kanilang sakripisyo, visita iglesias, daan ng krus, lahat nais magsakrispisyo, lahat nais makagawa ng mga bagay na kalugod lugod sa Diyos.

Image

Kagabi ipinagdiwang sa lahat ng simbahan ang Easter vigil, ika nga eh, the mother of all vigils. Mula sa kadiliman at katahimikan, nagliwanag at napuno ng kasiyahan ang bawat simbahan, hudyat ng pasko ng muling pagkabuhay ni Kristo. Ngunit nakakalungkot, dahil malaki ang nabawas sa mga nagsimba kumpara nitong mga nakaraang araw. Marahil napagod na sa kakalakad at kalilipat patungo sa iba’t-ibang simbahan upang manalangin at magsakripisyo. Pinakamaraming tao sa simbahan nuong Byernes Santo. Hanggang paunti ng paunti ang nababawas na mga nagsisimba habang lumalapit sa Pasko ng Pagkabuhay. Nakakalungkot dahil ang pananampalataya ng mga Katoliko ay napapako rin sa Byernes Santo. Tunay na pinahahalagahan natin ang paghihirap. Pinahahalagahan natin ang pagsasakipisyo. Marahil katambal na ito ng ating pinahahalagahan. Ngunit hindi natin nalalaman naImage ang Pasko ng Pagkabuhay ang pinakamataas at sentro ng ating pananampalataya. Mas mahalaga pa ito sa Pasko ng Kapanganakan ni Kristo. Kung walang Pagkabuhay ni Kristo marahil wala rin tayong sinasampalatayaang Kristo.

At ang akin ding panalangin, ngayong ipinagdiriwang ng lahat ng Kristiyano ang kapuskahang ito, ang mga kababayan natin nasalanta ng mga bagyo, lindol at ibang kalamidad, ay muling makabangon, muling magkaruon ng pag asa sa nabuhay na Kristo. Siya ay muling nabuhay para iangat ang antas ng ating buhay.

Nawa’y huwag tayong manatiling nakatuon sa paghihirap, kundi ang pag asang dulot ng Paskong ito. Si Kristo ay hindi nanantiling nakapako sa Krus. Si Kristo ay hindi nanatiling nakahimlay sa kanyang libingan. Si Kristo ay muling nagkaruon ng muling pagkabuhay. Tayo man ay dapat na tumuon lagi sa ating muling pagkabuhay, sa ating tagumpay sa pag harap sa mga problema. Ang Pasko ng Pagkabuhay ay dulot sa atin ay liwanag, pag asa at pagmamahal. Aleluya! Si Kristo ay muling nabuhay! Aleluya! Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Kristo!