PILA PARA KAY KRISTO

Nakakainis o nakakaasar kapag naka pila.  Kahit saang pila nasasagad ang ating pasensya.  Sa umaga pa lang pila na ang bawat myembro ng pamilya sa CR para makaligo para makapasok sa eskuwelahan o sa opisina.  Paglabas ng kalye, pila rin ang napakabigat na trapik ng mga sasakyan.  Ganun din sa pagsakay sa LRT at MRT.  Kapag pupunta tayo sa mga tanggapan ng gobyerno para maka kuha ng kanilang serbisyo, talaga namang napakahabang pila rin ang susuungin.  Kung puwede lang sanang may shortcut, kung puede lang sanang mabilisan lahat.

download (1)

KAPISTAHAN NG PAGBIBIYAG KAY JESUS NI SAN JUAN BAUTISTA SA ILOG JORDAN.

Sa Ebanghelyo ng pagbibinyag kay Jesus, ating mababasa na may panawagan si Juan Bautista na: “magsisi, sapagkat ang kaharian ng Diyos ay nalalapit na.”  Marami ang nakarinig sa paanyaya ni Juan, kaya ura uradang ang mga tao ay pumila para mabinyagan.  Ngunit pina alala ni Juan, na ang pagbibinyag nya ay sa tubig lamang, ngunit ang Siyang darating ay magbibiyag sa kanila sa Banal na Espiritu.

At si Jesus ay nakiisa sa pagpilang ito, at nakiusap kay Juan na Siya man ay binyagan.  Ngunit matatanong natin, bakit kailangan magpabinyag ni Jesus? Bakit kailangang nya ring pumila kasama ng mga makasalanan?  Alam natin na ang binyag ang nagpapawala ng kasalanan.  Ngunit si Jesus ay wala nito.

Pumila at nagpabinyag si Jesus dahil:

  • GUSTO NIYANG IPAHAYAG ANG KANYANG PAKIKISA SA SANGKATAUHAN. Gusto Niyang ipakita na kaisa natin Siya.  Pinagdaanan Niya ang buong proseso ng pagpila at paghihintay, walang shortcut, walang palakasan. Hindi Siya natakot na mahalintulad s amga taong makasalan.
  • GUSTO NIYANG ANG TAO AY MAGING MALINIS SA KASALANAN. Nang Siya ay binyagan, hindi Siya napabanal ng tubig, bagkus Siya ang nagpabanal ng tubig na ginagamit sa atin sa pagbibinyag.  Kaya lahat tayong nabinyagan ay nagiging malinis at banal.

download

  • GUSTO NIYANG ANG TAO AY MAGING PARTE NG PAMILYA NG DIYOS. Nang si Jesus ay biniyagan: may isang tinig na nagwika: “Ito ang aking pinakamamahal na Anak, na lubos kong kinalalaugdan.”  Nuong tayo ay bininyagan, tayo ay naging mga anak ng Diyos, naging kapatid ni Jesus.  At darating baling araw, na pipila tayo sa pintuan ng tahanan n gating Ama kapag tapos na ang ating buhay dito sa lupa.

Ang kapistahan ng pagbibiyag kay Jesus ay hudyat ng pagsisimula ng misyon ni Jesus, misyon na maglingkod at hindi ang paglingkuran.  Ito ay panawagan sa atin, lalo na iyong mga tinatawag na maglingkod: magulang, teachers, government and church leaders, at kahit ano pa mang paglilingkod.  Katulad ni Jesus, ang paglilingkod ay hindi isang posisyon na dapat ipagmayabang, bagkos ito, ay katulad ng pagpila kasama ng mga makasalan.  Kadalasan po kasi, kung sino pa ang mga lider natin, sila ang ayaw pumila, gagamitin ang kanilang impluwensya at koneksyon para hindi maabala. Alam kasi nila na sial ay espesyal.  Kung ganun ang mga lider na ito ay malayong malayo sa ating modelong si Jesus, na marunong makiisa.

images

Ngayong Linggo na ito, lahat tayo ay abala, exited na exited na, ilang tulog na lang, kasi masisilayan natin ang Santo Papa Francisco, ang modelo natin kung paano ba ang maglingkod katulad ni Jesus. Nagliligkod ng may awa at pagmamahal. Mercy and compassion.  Nawa’y mapag alab Niya an gating pananampalataya na tayo ay tinatawagan rin na maglingkod.

Ang kapistahan ng pagbibiyag kay Jesus ay hudyat ng pagsasara ng panahon ng kapaskuhan. Marahil marami na sa atin ang nakapagligpit na ng mga Christmas decorations. Naitabi na natin lahat. Naipila na natinsa ating bodega.  Nawa’y ang liwanag na dala ni Jesus na isinilang sa ating mga puso ay patuloy na mag alab.

Kapag tayo ay dumadalo ng misa, tayo ay pumipila para tanggapin si Jesus sa komunyon.  Kung tayo ay may tapang na pumila upang siya ay tanggapin, nawa’y magkaruon din tayo ng tapang na panindigan ang ating pagiging binyagan.  Na tayo ay Kristiyano.  Na tayo ay para kay Kristo.

Advertisements

Panginoon, hilumin Mo ang aming bayan.

Lord, heal our Land

Panginoong mapagpalaya, tunghayan mo kaming mga Pilipino, na Iyong tinatangi. Ngayong aming pinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan ng aming bansa, nawa’y mapahalagahan namin ito.  Mamalagi nawa sa aming isip at puso ang mga aral at kahalagahan nito.

Ngayong ang aming bansa ay nakakaranas ng pagkakawatak-watak dahil sa iba’t-ibang usaping politikal, ekonomikal at sosyal, kami ay pag isahin mong muli.  Ang aming puso ay sugatan dahil sa aming mga kasalanang pagkamakasarili at walang pagpapahalaga sa iba, kami ay hilumin mo.  Huwag Mo nawang itulot na kami ay muling  makulong sa aming mga kasalanan na siyang nagkukulong sa aming hindi magawa ang mabuti at mas pinipili ang kasamaan.  Itatag Mo nawa kami ng isang bansang naninindigan at panig sa katotohanan, sa buhay at sa kalayaan. Amen.

Maria, Reyna ng Kapayapaan, ipanalangin mo kami.

San Lorenzo Ruiz, Pilipinong Martir, ipanalangin mo kami.

Beato Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.