Muling Pagkabuhay ni Kristo, dulot ay pag asa at pagpapanibago

Buhay na buhay na naman ang lahat ng simbahan nitong mga nakaraang araw, punung puno ng mga mananampalataya, marami ang nakapila sa kumpisalan, labas masok ang mga tao sa iba’t ibang simbahan bilang kanilang sakripisyo, visita iglesias, daan ng krus, lahat nais magsakrispisyo, lahat nais makagawa ng mga bagay na kalugod lugod sa Diyos.

Image

Kagabi ipinagdiwang sa lahat ng simbahan ang Easter vigil, ika nga eh, the mother of all vigils. Mula sa kadiliman at katahimikan, nagliwanag at napuno ng kasiyahan ang bawat simbahan, hudyat ng pasko ng muling pagkabuhay ni Kristo. Ngunit nakakalungkot, dahil malaki ang nabawas sa mga nagsimba kumpara nitong mga nakaraang araw. Marahil napagod na sa kakalakad at kalilipat patungo sa iba’t-ibang simbahan upang manalangin at magsakripisyo. Pinakamaraming tao sa simbahan nuong Byernes Santo. Hanggang paunti ng paunti ang nababawas na mga nagsisimba habang lumalapit sa Pasko ng Pagkabuhay. Nakakalungkot dahil ang pananampalataya ng mga Katoliko ay napapako rin sa Byernes Santo. Tunay na pinahahalagahan natin ang paghihirap. Pinahahalagahan natin ang pagsasakipisyo. Marahil katambal na ito ng ating pinahahalagahan. Ngunit hindi natin nalalaman naImage ang Pasko ng Pagkabuhay ang pinakamataas at sentro ng ating pananampalataya. Mas mahalaga pa ito sa Pasko ng Kapanganakan ni Kristo. Kung walang Pagkabuhay ni Kristo marahil wala rin tayong sinasampalatayaang Kristo.

At ang akin ding panalangin, ngayong ipinagdiriwang ng lahat ng Kristiyano ang kapuskahang ito, ang mga kababayan natin nasalanta ng mga bagyo, lindol at ibang kalamidad, ay muling makabangon, muling magkaruon ng pag asa sa nabuhay na Kristo. Siya ay muling nabuhay para iangat ang antas ng ating buhay.

Nawa’y huwag tayong manatiling nakatuon sa paghihirap, kundi ang pag asang dulot ng Paskong ito. Si Kristo ay hindi nanantiling nakapako sa Krus. Si Kristo ay hindi nanatiling nakahimlay sa kanyang libingan. Si Kristo ay muling nagkaruon ng muling pagkabuhay. Tayo man ay dapat na tumuon lagi sa ating muling pagkabuhay, sa ating tagumpay sa pag harap sa mga problema. Ang Pasko ng Pagkabuhay ay dulot sa atin ay liwanag, pag asa at pagmamahal. Aleluya! Si Kristo ay muling nabuhay! Aleluya! Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Kristo!

Advertisements

Palaspas: pagbubukas ng puso at pakikilahok sa paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo

Dalawang taon na rin akong nakikibahagi ng pagbabas sa mga palaspas sa aming parokya kapag sumasapit ang Linggo ng palaspas (Passion Sunday). Maraming mga tao ang talagang winawagaswas ang kanilang mga dalang palaspas, hindi sila aalis sa kanilang lugar hanggat hindi nila nakikitang basang-basa na ito. Pati ako ay basang-basa na rin.

Ano nga ba ang mayruon sa palaspas ? Ang palaspas ay makikita at mabibili natin sa labas ng simbahan sa ganitong panahon, iba’t ibang anyo, galing sa dahon ng niyog (sinasabi nating ang niyog ang puno ng buhay o tree of life). Ang palaspas ang ginamit ng mga taga Jesrusalem habang si Kristo ay pumapasok sa nasabing lungsod habang sumisigaw ng Hosana sa Anak ni David!

Matapos ang misa, at ang palaspas ay nabasbasan atin itong inuuwi sa ating mga tahanan. Ang iba’y inilalagay ito sa pintuan at ang iba naman ay sa bintana. Kung tatanungin kung bakit dito nila inilalagay, ang sagot ng marami ay pantaboy sa masamang espiritu o dili kaya ay upang hindi pumasok ang malas, nakakatawa dahil marami ang hindi nakakaunawa ng tunay na kahulugan nito. Kung ito man ay ating ilalagay sa mga pintuan at mga bintana, ito’y nangangahulugan na ang ating pamilya ay nagbubukas ng pintuan ng ating puso kay Kristo. Ang mga nakatira dito’y handang sumama kay Kristo papasok sa Jersualem kung saan naranasan ni Kristo ang Kaniyang paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay.

Nuong Miyerkoles ng Abo (Ash Wednesday), tayo ay nagpalagay ng abo sa ating mga noo, habang sinasabi sa atin ng mga pari ang pangungusap na, “magsisi, talikdan ang kasalanan at isabuhay ang ebanghelyo.” Ang abo na sa atin ay inilagay ay galing sa mga lumang palaspas. Ang abong palaspas na ito’y nangangahulugang ng pagbubukas (pag welcome) ng ating isipan at puso kay Kristo ngayong panahon ng Kuwaresma.

Nawa’y sa muli nating pagwasiwas ng ating mga palaspas, ito naway maging makahulugang pag bubukas natin kay Kristo…tayo man ay pumasok sa ating Jerusalem ng walang takot kahit alam nating makakaranas tayo ng mga sakit at kamatayan dahil alam nating sa bandang huli katulad ni Kristo tayo ay magkakamit ng muling pagkabuhay.