TAKBOkasyon

Nuong ika-14 ng Mayo 2011, nagkaruon ako ng pagkakataon na maranasan ang sumali sa Fun Run dito sa Cathedral ng Cubao.  Ito na yata ang isa sa pinakasikat na salihan ng mga tao ngayon.  Ang pag takbong aming ginawa ay ayon sa  pagdiriwang ng Linggo ng Mabuting Pastol (World Sunday of Prayer for Vocation) maraming sumali, mga kapwa ko relihiyoso (Seminarians, Priests, and Nuns), at mga pamilya.  3K ang

kailangang takbuhin, akala ko ganun lang kadali ang pag takbo, akala ko talagang biro lang, hindi pala.  Dahil sa bandang huli, inoorasan ang tapos ng bawat isa, natuwa ako kasi ba naman, pasok ako sa Top 10, heheheh…Sa kalagitnaan ng pagtakbo, gusto ko ng huminto, magpahinga, bumigay sa pagtakbo.  Ngunit napasubo na ko eh, kaya tinapos ko na, kahit lakad-takbo ginawa ko, nakarating din sa huling hantungan.

Kakaiba ang karanasan kong ito, tumatakbo ako habang nagdarasal hindi lamang sa bokasyon ko kundi pati na rin sa bokasyon ng lahat ng pamilya.  Nakakawala ng pagod, kasi tumakbo ako ng may kadahilanan.  Tunay na ang bokasyon ay naka ugat at ipinunla sa pamilya.  TAKBOkasyon, takbong may direksyon…takbong patungo sa kaganapan ng buhay…Tara takbo tayo…

Advertisements