Padre Pio Class

Simula na naman ng bagong formation year, nakakapanibago sa klase naming mga Second Year Theology (Padre Pio Class) students, maraming mga ka batchmates namin ang nawala, nagpasyang mag regency muna, ang iba naman ay lumipat sa ibang seminaryo.  Nakakalungkot dahil isang

taon ko na rin silang mga naging kaklase, kasama sa saya at sa kalungkutan.  Pero ganun talaga ang realidad ng buhay, may dumarating at meron ding uma alis.  Nawa’y sa bandang huli, pare pareho kaming makatugon sa aming mga bokasyon, hindi man sa bokasyon sa pag papari, nawa’y sa bokasyon sa lahat ng tao – ang bokasyon sa pagiging mabuting Kristiyano.