Faith Empowers Us!

Fight, Fight Tamaraws, Tamaraws Fight ! Ito ang umaalingaw-ngaw na hiyawan sa aking kinauupuan, kasabay ng malakas na mga tambol.  Hindi ko namamalayan, nakikisigaw na rin pala ako.  Kulay dilaw at asul ang siyang namayaning kulay sa loob ng Araneta Coliseum.  Bumalik sa aking ala ala nung ako ay isang estudyante pa lamang ng FEU ay nanunuod, para suportahan ang Basketball team laban sa ibang university.  Mahigit sampung sampung taon na rin pala ang nakakaraan. Muli ko itong naranasan kahapon laban sa Ateneo Blue Eagles. Sa umpisa pa lang ng laro ay may tensyon na akong naramdaman.

Kada makakapuntos ang team na aking sinusuportahan ay di ko mapigilan ang mapasigaw sa tuwa at mapapalakpak.  Iba talaga ang pakiramdam ng live kang nanunuod, kaysa sa harapan ng TV.  Sa first half, abante ang Tamaraws ng 13 puntos, nagdarasal ako na mapanatili nila ang abanteng ito, ngunit sa pag takbo ng second half, ay naka abante naman ang kabilang koponan, overtime pa nga, ngunit sa bandang huli, nanaig ang wala pa ring talong Ateneo Blue Eagles.  Hindi man nanalo ang FEU Tamaraws, masaya ako, at alam kong hindi nasayang ang ginawa kong panunuod at pagsuporta sa kanila, matalo

o manalo man sila, taas noo kong ipagmamalaki na dugong Tamaraws, dugong palaban.  At makalipas ang sampung taon, muli kong nakanta ang FEU Hymn habang nakataas ang kanang kamay, may kilabot at kakaiba akong naramdaman. Sarap balikan ang buhay kolehiyo.

Far Eastern Onward, beloved alma mater. Onward Oh lead us, the green and gold in view. In thy happy halls, our young hearts saw the light. Command thy sons and daughters to battle for the right. Though far from home, our feet may roam. Our love will still be true. Our voices shall unite, to praise thy name anew, we’ll treasure within our hearts the FEU!