“Panginoon, iligtas mo ako!”

Tayo ay nakakaranas ng maraming pangamba, kahit alam nating kasa-kasama natin ang Diyos.  Maraming unos na dumarating sa atin, at ito ay patuloy na gumugupo sa atin.  Kapag nandyan na ang unos, ay lagi nating iniisip, isa itong malaking sumpa na nagpapahirap.  Nagdadala sa atin na malunod sa dagat ng problema.  Ngunit tayo ay tinatawagan na kaibiganin ang unos na ito.  Dahil kahit anong gawin natin, parte ito n gating buhay.  Sa likod ng bawat unos ay may mga nakatagong biyaya.

Una, ang unos ang paraan ng Diyos upang ipakilala Niya ang Kanyang sarili sa atin.  Ginamit ni Jesus ang unos upang ipakitang Siya ang Diyos ng sansinukob.  Nalaman natin na makapangyarihan Siya sa lahat. Na Siya ang pinagmumulan ng lakas ng lahat ng tao at bagay.  Hindi ba nga kaya Niyang palakarin ang tao sa ibabaw ng tubig, ng dagat, at kaya rin Niyang pakalmahin ang nangagalit na unos ng dagat. Sa pamamagitan ng unos, ipinapakita Niyang Siya ang Tagapagligtas. Sa gitna ng panggagalit ng panahon, iniligtas ni Jesus si Pedro sa tiyak na pagkakalunod.  Inabot Niya ang kanyang kamay sa alagad na nagduda sa kanya upang palakarin pabalik ng bangka. Nang makabalik na si Pedro sa Bangka, mula sa pagkakaligtas sa kanya ni Jesus. Nasabi ng mga ibang alagad: tunay na Siya ay Diyos. Hindi ba’t ang tagal na nilang kasama si Jesus, nagpakita ng mga himala ng pagpapagaling, at pinkahuling tagpo bago mangyari ito ay ang milagro ng pagpaparami ng tinapay at isda.

download

Ikalawa, ang unos ay pagsubok ng Diyos sa katatagan ng ating pananampalataya. Siguro, ay mas tamang sabihin nating ang unos ay tila isang exam, na nakailangan mapagdaanan, mapaghandaan upang mas lalong lumago ang ating pananampalataya.  Hindi ba kapag tayo ay nakakaranas ng pagsusulit, pinagyayaman nito ang ating kalaaman? Ganito rin sa ating pananampalataya kay Jesus na siyang Panginoon na ating pinanghahawakan. Ang bangka ay sumisimbolo ng ating Simbahan.  Marami sa atin ang lumilipat ng ibang relihiyon o simbahan kapag nakakaranas ng mga unos sa buhay.  Nasasabi nilang walang katiwasayan ang pagiging buhay Katoliko ko.  Hindi naman dapat ganuon, na aalis tayo ng ating bangka sa gitna ng maalong dagat ng pagsubok, upang lumipat ng ibang bangka. Hindi natin nakikita na si Jesus ay kasama natin sa bangka, sa ating Simbahan.

Ikatlo, ang unos ay pagpapamukha sa atin kung sino ang tunay na may kontrol sa lahat-lahat sa buhay natin.  Sa ebanghelyo, nakatuon ang tingin ni Pedro sa Panginoon, at  siya ay nakalakad sa tubig.  Subalit nang ituon niya ang kanyang pansin sa lakas ng hangin at laki ng mga alon, natakot siya at natuon ang kanyang pansin sa kanyang sarili.  Kung sarili ang pagtutuunan natin ng pansin, at kung hindi natin kikilalanin ang Diyos, tiyak na tulad ni Pedro, tayo rin ay malulunod sa unos ng ating buhay.

Sa Eukaristiya makikita natin ang presensya ni Jesus.  Na Siyang umaagapay sa atin sa napakaraming unos ng buhay natin. “Huwag kang matakot” ang wikang dumadagundong sa tenga n gating mga puso sa ingay at lakas ng alon ng dagat.  At si Jesus na ating tinatanggap sa Kanyang katawan at dugo ay handang sumama sa atin at handang tumulong kapag tayo ay sumigaw ng tulad ni Pedro: “Panginoon, iligtas mo ako!” Amen.

 

PUSO NG INA

Kung bubuksan natin at titignan ang puso ng ating mga ina, ano kaya ang ating makikita? Sabi nga sa kanta: kung nais mong matanto, buksan ang aking puso, at tanging larawan mo, ang duon ay nakatago. Tunay na sa puso ng bawat ina ay ang anak ang nasa kanyang puso. Ang puso ng isang ina ang siyang luklukan ng pagibig niya sa kanyang anak.


Puso, ang nag aalab na pag ibig ng isang ina sa kanyang anak. Puso, ang nagbibigay inspirasyon sa ina na patuloy na mangarap at magpunyagi para sa kanyang anak. Kapag huminto ang puso ng isang ina, tiyak ang tibok ng puso ng anak at wala rin.

Kapag masaya ang anak, tiyak masayang-masaya ang ina. Kapag malungkot ang anak, tiyak malungkot na malungkot ang ina.
Ilang araw na lang mula ngayon, atin na namang gugunitain ang Araw ng mga Ina. Kapag ina na ang pinag-uusapan, dagdagan pa ang katagang pagmamahal, sigurado ako na marami sa atin ang nagiging emosyonal. At katulad ng lahat ng mga ina, si Inang Maria ang siyang huwaran nila.

P – pananampalataya, pananalig. Dahil sa pusong marunong manalig at sumampalataya sa Diyos, nagging madalikay Maria ang magmahal. Pananampalatayang hindi mapapantayan ng kahit na sinong babae at ina. Pananampalatayang handing maglaan ng sarili. Pusong sumasampalataya.
Image
U – unawa. Maraming mga pangyayaring naganap sa buhay ni Hesus, ang talagang hindi maunawaan ni Maria. Sa ebanghelyo, kung saan si Hesus ay nawala at natagpuan sa templo, hindi niya maunawaan na ang batang Hesus na ito ay magsasalita na Siya ay di dapat hanapin dahil Siya ay nasa templo ng kanyang Ama. Kung patuloy itong inunawa ni Maria gamit ang kanyang isip, ay talagang malabo siyang makakuha ng kasagutan. Ngunit ang ginamit niya ay puso. Puso ang ginamit niya upang mauwaan niya ang lahat-lahat. Maingat niya itong inalagaan sa kanyang puso. Pusong umuunawa.

S – sunod. Kapagmahal mo ang isang tao, madaling sumunod. Madaling umayon sa kanyang mga desisyon. Ganyan din ang nangyari kay Maria, mula sa pagbabalita ng anghel na siya ay magdadalang tao, pagsabihan ni Hesus sa kasalan sa Cana, hanggang sa pananatili sa krus, ang kagustuhan ng Diyos ang siya niyang sinunod. Mahirap, gunit dahil sa pusong handang sumunod ito’y naging napakadali. Pusong sumusunod.

O – ras. Sa panahon ngayon, lahat mabilisan, lahat nagmamadali, lahat nakadepende sa oras. Si Maria ay naglaan ng panahon at oras sa kanyang Anak. Sa kasalanan sa Cana, nasabihan siya ni Hesus: “hindi ko pa oras, maghintay ka…” Kapag mahal natin ang isang tao, handa tayong manatili at maglaan ng oras para sa kanya. Napakadali para sa may pusong handang maglaan ng oras sa iba.

Pusong ina, pusong may pananampalataya, umuunawa, sumusunod at handa sa paglalaan ng oras. Nawa’y ang puso ng lahat ng ina at maiwangis sa puso ni Maria. Maligayang araw ng lahat ng mga ina.

Muling Pagkabuhay ni Kristo, dulot ay pag asa at pagpapanibago

Buhay na buhay na naman ang lahat ng simbahan nitong mga nakaraang araw, punung puno ng mga mananampalataya, marami ang nakapila sa kumpisalan, labas masok ang mga tao sa iba’t ibang simbahan bilang kanilang sakripisyo, visita iglesias, daan ng krus, lahat nais magsakrispisyo, lahat nais makagawa ng mga bagay na kalugod lugod sa Diyos.

Image

Kagabi ipinagdiwang sa lahat ng simbahan ang Easter vigil, ika nga eh, the mother of all vigils. Mula sa kadiliman at katahimikan, nagliwanag at napuno ng kasiyahan ang bawat simbahan, hudyat ng pasko ng muling pagkabuhay ni Kristo. Ngunit nakakalungkot, dahil malaki ang nabawas sa mga nagsimba kumpara nitong mga nakaraang araw. Marahil napagod na sa kakalakad at kalilipat patungo sa iba’t-ibang simbahan upang manalangin at magsakripisyo. Pinakamaraming tao sa simbahan nuong Byernes Santo. Hanggang paunti ng paunti ang nababawas na mga nagsisimba habang lumalapit sa Pasko ng Pagkabuhay. Nakakalungkot dahil ang pananampalataya ng mga Katoliko ay napapako rin sa Byernes Santo. Tunay na pinahahalagahan natin ang paghihirap. Pinahahalagahan natin ang pagsasakipisyo. Marahil katambal na ito ng ating pinahahalagahan. Ngunit hindi natin nalalaman naImage ang Pasko ng Pagkabuhay ang pinakamataas at sentro ng ating pananampalataya. Mas mahalaga pa ito sa Pasko ng Kapanganakan ni Kristo. Kung walang Pagkabuhay ni Kristo marahil wala rin tayong sinasampalatayaang Kristo.

At ang akin ding panalangin, ngayong ipinagdiriwang ng lahat ng Kristiyano ang kapuskahang ito, ang mga kababayan natin nasalanta ng mga bagyo, lindol at ibang kalamidad, ay muling makabangon, muling magkaruon ng pag asa sa nabuhay na Kristo. Siya ay muling nabuhay para iangat ang antas ng ating buhay.

Nawa’y huwag tayong manatiling nakatuon sa paghihirap, kundi ang pag asang dulot ng Paskong ito. Si Kristo ay hindi nanantiling nakapako sa Krus. Si Kristo ay hindi nanatiling nakahimlay sa kanyang libingan. Si Kristo ay muling nagkaruon ng muling pagkabuhay. Tayo man ay dapat na tumuon lagi sa ating muling pagkabuhay, sa ating tagumpay sa pag harap sa mga problema. Ang Pasko ng Pagkabuhay ay dulot sa atin ay liwanag, pag asa at pagmamahal. Aleluya! Si Kristo ay muling nabuhay! Aleluya! Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Kristo!

Muling pagkabuhay na pananampalataya

Punung-puno ang simbahan ng mga tao, abala ang lahat, panay ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa simbahan, hindi mahulugan ng karayom, ang haba ng pila ng mga nais makumpisal. Nagsisikan na makahalik sa krus, lahat nais magpenitensya sa mga simpleng pamamaraang alam nila.  Ito ang ilan lamang sa mga naobserbahan kong ginawa ng mga kababayang kong Katoliko sa simbahan ng Sta. Cruz, sa Sta. Cruz, Maynila (nagkaruon ako ng pagkakataon na makapag serve sa mga gawain sa simbahang ito nitong nakarang Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay). 

Ngunit nakakalungkot ng ipagdiwang na ang Easter Vigil ay malaki ang nabawas sa mga nagsimba nitong mga nakaraang araw.  Marahil napagod na sa kakalakad at kalilipat patungo sa iba’t-ibang simbahan upang manalangin at magsakripisyo.  Pinakamaraming tao sa simbahan nuong Byernes Santo.  Hanggang paunti ng paunti ang nababawas na mga nagsisimba habang lumalapit sa Pasko ng Pagkabuhay.  Nakakalungkot dahil ang pananampalataya ng mga Katoliko ay napapako rin sa Byernes Santo.  Tunay na pinahahalagahan natin ang paghihirap.  Pinahahalagahan natin ang pagsasakipisyo.  Marahil katambal na ito ng ating pinahahalagahan.  Ngunit hindi natin nalalaman na ang Pasko ng Pagkabuhay ang pinakamataas at sentro ng ating pananampalataya.  Mas mahalaga pa ito sa Pasko ng Kapanganakan ni Kristo.  Kung walang Pagkabuhay ni Kristo marahil wala rin tayong sinasampalatayaang Kristo. 

Nawa’y huwag tayong manatiling nakatuon sa paghihirap, kundi ang pag asang dulot ng Paskong ito.  Si Kristo ay hindi nanantiling nakapako sa Krus.  Si Kristo ay hindi nanatiling nakahimlay sa kanyang libingan.  Si Kristo ay muling nagkaruon ng muling pagkabuhay.  Tayo man ay dapat na tumuon lagi sa ating muling pagkabuhay, sa ating tagumpay sa pag harap sa mga problema.  Ang Pasko ng Pagkabuhay ay dulot sa atin ay liwanag, pag asa at pagmamahal.  Aleluya! Si Kristo ay muling nabuhay! Aleluya! Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Kristo!

 

 

 

ST. JOSEPH, ADORER (St. Peter Julian Eymard, March 19,1865)

In profound adoration he [St. Joseph] united himself to the special grace of each one of the  events in the life of Jesus.  He adored our Lord in His hidden life and in His Passion and Death; he adored in advance the Eucharistic Christ in His tabernacles: there was nothing that our Lord could hide from Saint Joseph. Aside from the Blessed Virgin, Saint Joseph was the first and most perfect adorer of our Lord. 


How greatly the Word Incarnate was glorified by the adoration of Mary and Joseph as they atoned for the indifference and ingratitude of His creatures! 

    Saint Joseph joined with Mary in adoration and united himself to Christ, Whose heart surged with sentiments of adoration, love and praise for the Father and of charity for men. Saint Joseph’s adoration kept pace with every stage of our Lord’s life, drawing upon the grace, the spirit, and the virtue of each mystery.  In the Incarnation he adored the self-annihilation of the Son of God; at Bethlehem, the poverty; at Nazareth, the silence, the apparent weakness, the obedience, and all the other virtues of Christ.  He knew them well and he grasped clearly the reason why Christ practiced them—for the love and glory of His Heavenly Father. 


Faith, humility, purity, and love—these were the keynotes of his adoration.  No saint ever vibrated with a more ardent faith or bowed down in deeper humility; no angel ever glistened with brighter purity; and as for his love, neither saint nor angel ever has or ever will come within range of his burning charity which expressed itself so fully in devotedness. 


Because his faith was so strong, Joseph’s mind and heart bowed in perfect adoration. Imitate his faith as you kneel before the humble Christ annihilated in the Eucharist.  Pierce the veil which covers this furnace of love and adore the hidden God.  At the same time respect the veil of love and make the immolation of your mind and heart your most beautiful homage of faith. 


Among the graces which Jesus gave to His foster-father—and He flooded him with the graces attached to every one of His mysteries—is that special to an adorer of the Blessed Sacrament.  That is the one we must ask of St. Joseph.  Have confidence, strong confidence in him.  Take him as the patron and the model of your life of adoration. 


From close union with this holy adorer I shall learn to adore our Lord and to live in intimacy with Him.  I shall then be the Joseph of the Eucharist as he was the Joseph of Nazareth.

 (St. Peter Julian Eymard, Apostle of the Eucharist, Founder of the Congregation of the Blessed Sacrament)