Si Hesus ang Dakilang Guro (pagpapalalim sa Marcos 1:21-28)

Bilang isang dating guro sa 3rd at 4thyr high school, madalas ay nabibigla ako kapag may mga lumalapit na mga batang nagpapasalamat sa mga bagay na naituro ko sa kanila. Minsan ay naiisip ko na lang na baka binobola lang ako ng mga batang ito. Ngunit kasabay ng pagkatuwa kong ito, ako ay natakot sa aking sarili dahil talagang yumayabang ako sa mga papuri’t pasasalamat nanatatanggap ko mula sa kanila. Ngunit hindi alam ng mga batang ito na ang biyayang makapagturo at makapagsalita sa harapan ng klase nila ay isang regalo mula sa Diyos. Siya ang tagapagbigay ng mga biyayang ito, ako’y isang instrumento lamang.
Tayo ngayon ay nasa ikaapat na Linggo sa kanraniwang panahon, litaw na litaw sa mga narinig nating mga pagbasa ang temang: Panoo nga ba maging isang Propeta?
Sa unang pagbasa na hango mula sa aklat ng Deuteronomio, narinig nating ipinahayag ni Moises sa mga tao na siya ang propetang pinili ng Diyos upangmapakinggan, sapagkat may darating pang mas dakilang propeta sa kanya.
Ano nga ba ang Propeta? Ang propeta ay isang taong pinili ng Diyos upang magdala ng Kanyang mensahe sa mga tao. Siya ang tagapagsalita ng Diyos. Isang kinatawang binigyan ng kapangyarihan. Sa mga salitang ito mababatid natin na mahalaga ang papel ng propeta. Sabi nga ni Mosises: “Siya ang inyong pakinggan.”
Sa Ebanghelyong ating narinig, ay natunghayan natin ang Propetang may kapangyarihan. Si Hesus, ang dakilang Propeta. Nuong nakaraang Linggong Ebanghelyo, si Hesus ay nagsimula sa Kanyang Gawain bilang Propeta ay nagpahayag na: “Sumapit na ang panahon, magbagumbuhay at maniwala sa Magandang Balita, lumapit na ang Kaharian ng Diyos.”
Ngunit ang Propetang si Hesus ay kakaiba sa lahat ng naging mga propeta. Siya ang pinakadakilang Propeta. Kapag Siya ay nagtuturo, ang Kanyang salita ang Kanyang ipinapahayag, dahil Siya ay Diyos, mismong sa bibig ng Diyos. Hindi katulad ng mga Eskriba at iba pang tagapagturo, dahil kapag sila’y nangangaral, ito ay hindi orihinal na salita o kaisipang sa kanila mismo nanggagaling. Kanila lamang itong binabasa mula sa Banal na Kasulatan, naiba ang may akda. Kapag si Hesus ang nagturo, hindi niya kailangang ipaliwanag ang Salitang Diyos. Dahil Siya mismo ang Salita ng Diyos. Siya mismo ang Diyos na nagtuturo at nagsasalita sa Kanya mismong Kapangyarihan.
Sa pagtuturo ni Hesus, ay ang Kanyang pananalita ay nauuwi sa pagsasagawa. Ang Kanyang mga Salita ay buhay. Sa Kanyang pagsasagawa ng mga kahangahangang mga bagay: ang pagpapagaling sa mga maysakit, pagbibigay buhay sa mga patay, at pagpapalayas ng demonyo sa mga katawang sinasapian nito. Sa ikalawang bahagi ng Ebanghelyo, narinig natin na pati ang demonyo ay nakilala ang Kanyang kapangyarihan at nasabi pang: “Alam ko kung sino Ka, ang Banal na Diyos!”
Ako ay wala na sa apat na sulok na silid aralan, ako ay tinawag ng Diyos na lumabas sa silid na ito upang pumasok sa mas malawak an silid aralan upang hindi malilimitahan sa apat na sulok ng silid aralang ito, bagkos mag makapag turo pa sa mas nakakarami sa mas malawak na silid aralng ng tunay na buhay. Ngunit kahit na anong pilit ko nuong gawin ang lahat ng aking makakaya sa pagtuturo sa harapan ng mga bata ay hindi ko mapapantayan at matularan ang Kanyang kapangyarihan sa pagtuturo. Ngunit naniniwala akong sa pagkakaruon natin ng malalim na ugnayan kay Hesus, maari nating masundan ang Kanyang daan at maari ding mamutawi sa ating mgasalita at gawa ang kapangyarihan ng Kanyang pagtuturo.
Nuong tayo ay bininyagan natanggap natin ang tatlong misyon ni Kristo: ang pagiging pari, hari at propeta. Ang pagiging propeta ay isang malaking hamon sa atin ngayon. Paano nga ba maging propeta? Maari tayong maging propeta sa pamamagitan ng Biblia, ngayong ating ipinagdiriwang ang Pambansang Linggo ng Biblia. Ang Biblia ay ating basahin, aralin, isabuhay at ibahagi ang mga aral na ito, sa ating sarili, pamilya at pamayanan.
Sa pagpapatuloy nawa ng ating pagdiriwang, atin nawang makita si Hesus sa Kanyang Banal na Eukaristiya – sa Kanyang kaningningan – ang kanyang kapangyarihang nagpapagaling, kapangyarihang nagpapalaya at kapangyarihang nagbibigay buhay. Amen.

IDOLONG GURO

Ilan taon na rin pala akong nasa loob ng seminaryo, nagpapakadalubhasa sa pag aaral ng Teolohiya.  ang dating guro ngayon ay balik sa pagiging estudyante. Ito ang dati kong propesyon bago ako muling pumasok ng seminaryo.  Marami na rin sa mga estudyante ko ang ngayon ay tapos na sa kanilang pag-aaral, marami na rin sa kanila ang propesyonal na at nahigitan na rin ang aking narating.  Sa pagtingin ko muli sa aking karanasan bilang guro, isang karangalan ang ang magawan at maalayan ng isang tula, gawa ito ni Jan Kevin, isa sa mga dati kong estudyante.  At nadoble ang saya ko dahil Education ang kursong kinukuha ni Jan Kevin ngayon sa kolehiyo.  Maraming salamat Jan Kevin, hindi lang ikaw ang natuto sa akin, mas higit ang natutunan ko sa inyong mga naging estudyante ko.  Dasal kong makita rin ninyo ang bokasyon at maging bukas sa pag tugon dito.

IDOLONG GURO

Jan Kevin Pangilinan(my former student)

Sa isang klase ikaw ay nakilala,

Di akalain buhay ko’y mag-iiba,

Kasama ka sa pighati at sa saya,

Kay daming napagsaluhang alalala.

 

Ika’y nagsilbi sa aking inspirasyon,

Para sa pupuntahan kong destinasyon,

Kahit may nararamdaman akong tensyon,

Itutuloy pa din ang ating bokasyon.

 

Sa’yong tinuro madaming natutunan,

Maraming dinagdag sa’king kaalaman,

Sana tumagal pa ang ating samahan,

Paghahatian natin ang kasiyahan.

 

Aking hinangaan iyong pagkatao,

kahit ikaw pa man ay medyo maloko,

Ugali mo naman ay sobrang totoo,

Ikaw ang aking iniidolong guro.

 

New School Year na naman…

Pasukan na naman, na alala ko na naman ang dati kong trabaho, ang pagiging isang guro nang ako’y wala pa sa seminaryo…nakakamis din…habang tinitignan ko sa mga larawan ang mga mukha ng mga naging estudyante ko, natatanong ko na lang, kamusta na kaya sila? Ano na kaya sila ngayon?  Kasabay ng pag tingin sa mga larawang ito ay ang pagdarasal ko sa kanila na maging matagumpay sila sa kanilang buhay na tinatahak ngayon.  Nawa’y makita nila ang tunay na realidad ng buhay, na ang pagkatuto ay hindi lamang nalilimitahan sa apat na sulok ng silid aralan, at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang ibahagi at isabuhay ang mga aral na natutunan.  At sa bandang huli ay makatugon sa kanilang mga personal na bokasyon…

When a window closes…a door opens…

Ring…Ring…Ring…
“Class, let us pray…Amen…Goodbye and thank you class…Goodbye and thank you
Mr. Cruz…”

 

Three years. Twenty one sections. Five days a week. These numbers are very significant to me. I loved teaching. I loved my students. I loved the classroom and the exchange of ideas and the growth and the development and the progress I witnessed every time I am engaged with my students . Having been a Teacher for three years, I have heard and read many sayings that relate to the teaching: “To teach is to touch a life forever,” “A Teacher preserves the past, reveals the present, and creates the futures.” (Inspire for Teachers, Br. Josie Carr). March 25, 2008, the day I left the Espiritu Santo Parochial School. As I stepped out the gate of that beloved school, my tears started to fall. Yes, reality bites, I am not a teacher anymore, I said to myself. At that time there were many things and experiences which came rushing back to my memory: the meaningful lessons I have also learned from my students, the warm acceptance of my colleagues and the confidence I have earned from this profession. After that, I put behind all these memories for me to continue my priestly vocation. I both value my profession as a Teacher and my Priestly vocation. But I rather choose the Priestly vocation for I feel I am called to answer a deeper voice lurking inside.

 

Now, I am one of the courageous gentlemen who is responding to the holy calling. At first, I was asking myself if my decision is right, but I didn’t find the answer alone. I did not find any right answer from myself. Through my daily conversations with God, it made me realize His plan for me and that my decision is worth living for. He wanted me to be a Teacher not only to the four corners of the classroom but also to be a Teacher and Preacher in the education of life in a space larger than my classroom. This is my humble response to the emerging call to be with those who are hungry for the word of God. I might have left my classroom, yes, but I have gained a venue to be a teacher in the school of eternal life.