PANALANGIN SA PAG GUNITA NG ANIBERSARYO NG EDSA PEOPLE POWER 1986

Edsa kasAma naming makapangyarihan at mapag mahal sa aming tinatamong kalayaan.  Ikaw ay aming pinupuri at pinasasalamatan, ngayong ginugunita naming mga Pilipino ang ika – 28 taong anibersaryong kalayaan ng aming bansa na aming nakamit sa matiwasay at mapayapang rebolusyon tungo sa pagkamit ng aming kalayaan at muling panunumbalik ng katotohanan, katarungan at demokrasya.  Huwag mo nawang ipahintulot na ang mga ito’y muling sa amin ay maagaw.  Ikaw ang siyang nag tawid sa amin sa lumang daang makasarili patungo sa daanang nagmulat sa amin na may pananagutan kami sa bawat isa at aming bayang Pilipinas.

20130225-061626Idinadalangin naming na tunghayan mo ang mga namumuno sa aming pamahalaan, nawa’y maging tapat sila sa kanilang sinumpaang tungkulin na buong tapat na ialay ang kanilang sarili sa interes ng buong bayan.

Idinadalangin namin, na kaming lahat na Pilipino, ay patuloy na maging huwaran sa buong mundo ng matiwasay na pagbabago ng bayan.  Naway mapahalagahan namin ang kasaysayan at mga aral na dulot nito.  Gawin mo kaming laging mapagbantay sa mga elemetong mapagsamantala sa aming bayan.

Ama naming mapagmahal, iyong ipinahayag na tatawagin mong mga anak ang mga nagbibigay daan sa kalayaan.  Ipagkaloob mo, isinasamo naming lagi ang katarungan na siyang tanging saligan na talagang tatagal sa kalayaan sa pamamagitan ni Kristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

Mahal na Birhen ng Edsa, ang Birhen ng Kapayapaan, ipanalangin mo kami.

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.

San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

Advertisements