Ang magpapayat ay hindi biro…

Bago magpalit ang luma sa bagong taon, ang major resolution ko ay magpapayat, mag bawas sa mga kinakain, mag exercise at mag gym dito sa third floor ng aming seminaryo.  Lumipas ang Enero, sabi ko ok lang yan, meron pa namang susunod na buwan, hanggang sa mag buwan ng Marso, sabi ko mahirap mag diet at mag exercise dahil panahon na ng final exams at daming mga papers ang dapat tapusin.  Hanggang sa

summer break, iniisip ko pa rin ito, pero talagang nakakatamad, kasi nga bakasyon, dapat i enjoy ang pagkain, ang pagtulog. Sabi ko sa pasukan na lang ng bagong school year, pero sobrang hectic ng class schedules ko ngayong semester, tatlong araw ang whole days.  Pero nanduon pa rin ang kagustuhan ko na pumayat kahit papa ano, dahil dami ng nakakapansin na talagang tumaba ako ng sobra, ang mga school uniforms ko na ginamit  last school year ay hindi na magkasya, nuong nakaraang buwan nga isang pantalon ko ang nawarak habang suot-suot ko.  Pag nag susuot ako ng medyas at sapatos, talagang hirap na akong yumuko.  At ang kalakihan ng tiyan ko ay talagang bakat na bakat na sa sotanang suot ko.  Gusto kong pumayat pero di ko magawa….pero kung di pa ngayon, kelan?

Advertisements