S

Nuong bata pa ako, napakadali ng maraming bagay.  Punung puno ako ng mga imahinasyon at mga pangarap. Talagang napakadaling mangarap. Maglagay lang ng kapa sa likod na parang si Superman, pakiramdam ko ay talagang si Superman na ako,  na kayang lumipad, kasama ng aking mga pangarap. Talagang napakadaling mangarap, tila baga, hindi nakakapagod.

Image

Ngayong ako ay medyo nagka idad at nagkaisip na, bakit ang batang ito ay tila nawawala, at sa akin ay humiwalay.  Ngayon, tila baga, ang hirap ng mangarap, kapag nakaranas ng isang problema na taliwas sa ina asahan mo, at talagang di mo ginusto.  Mahirap na muling paganahin ang imahinasyon na katulad ni Superman, kayang kaya ang lahat ng bagay at problemang dumarating.  Ngayon, ang hirap ng lumipad, parang ang hirap ng muling abutin ang mga pangarap na nung bata pa ako ay inaasam ko na.  Nakakapagod din pala. Ito pala ang realidad, ang katotohanan.

Na mi mis ko na ang batang ito, na punung puno ng pangarap…

Advertisements

ANG SANTO NINO AT ANG EUKARISTIYA.

Tuwing sasapit ang ikatlong Linggo sa buwan ng Enero, ipinagdiriwang ng Santa Iglesya ang kapistahan ng Banal na Sanggol – ang Santo Nino.  Ito ang isa sa mga kapistahan na talaga namang napakalapit sa puso nating mga Pilipino.  Ito ay may kaugnayan sa pagpapalaganap ng pananampalataya na siyang kumalat sa buong isla ng Pilipinas.

Pagkilala, pagtitiwala at pagtalima…siyang litaw na litaw sa Batang Hesus ang Santo Nino at sa kanyang Eukaristiya.

PAGKILALA – ang batang Hesus ay nawala at natagpuan sa templo ng kanyang mga magulang. Nang siya ay tanungin nila, siya ay tumugon: “Bakit po ninyó akó hinahanap? Hindi ba ninyó alam na akó’y dapat na nasa bahay ng aking Ama?” Tahanan ng aking Ama – isang pagkilala sa Diyos na kanyang Ama.  Bilang isang bata, alam niya na dapat siya ay kapiling ng kanyang Ama, ng kanyang magulang.  Sa Eukaristiya si Hesus man ay kumilala sa Ama, na siyang tagapagdaloy ng mga biyaya. Hindi ba’t kapag tayo ay dumadalo ng Misa naririnig ang mga panalangin ng pari na nakadirekta sa Diyos Ama. Pagkilala sa Ama na siyang pinakamakapangyarihan, pinakamapagmahal, at pinakamapagbigay sa atin ng lahat ng mga bagay.  Ang tanong? Kapag ako ay dumadalo ng misa at nasa loob ng templo ng ating Amang Diyos, ano ang ating nararamdaman? Kadalasan inip na inip tayo sa isang oras na misa, hindi tayo mapakali, nandito man ang ating pisikal na katawan ngunit ang ating isip at puso ay nasa labas ng simbahan. Ikalawang tanong, hanggang saan hahantong ang pagkilala natin sa kapangyarihan ng Diyos Ama? Kapag ba ang mga binibigay nya sa atin ay pawang magaganda lamang o dili kaya mga answered prayers? Kapag hindi natin nagustuhan, tayo ay nagagalit, nagtatampo, at ibang Diyos na ang ating kinikilala.

finding-in-the-temple-Mary

PAGTITIWALA – Sa murang idad ng batang Hesus hindi siya natakot na mawalay kina Maria at Jose na tinuturing niyang magulang. Bagkos sabi nga sa ebanghelyo, ang batang ito ay tatlong araw ng napahiwalay sa kanyang mga magulang at natagpuan sa templo.  Marahil alam ng batang ito na kapag siya ay nasa tahanan ng Ama, walang dapat ikatakot. Walang pangamba. Walang panganib. Sa Eukaristiya, nalalasap natin ang pagtitiwalang ito, kapag tayong lahat ay nagkakatipon bilang mga anak ng Diyos, ang lahat ng takot natin ay nawawala, ang lahat ng ating mga alalahanin ay tila gumagaan. Sa Eukaristiya nagtitiwala tayong ang mga kagutuman katulad ng mga pagkatakot at problema ay papawiin ng Diyos.  Nuong matapos mag huling hapunan na magkakasama sina Hesus at mga apostoles, si Hesus ay nanalangin sa hardin ng Getsemane, Dito litaw na litaw ang kanyang pagiging tao, nakaramdam siya ng takot sa mangyayaring kamatayan na kanyang haharapin, ngunit siya ay nagtiwala sa Ama, dahil sa larangan ng paghihirap na ito, alam niyang hindi siya nag iisa. May pagtitiwala sa Ama.

5930783198_0061380ea6_z

PAGTALIMA – ng matagpuan na ang batang Hesus, siya ay isinama ng kanyang magulang, at buong pagtalima siyang sumama. Sinabi nga sa ebanghelyo, siya ay umuwi kasama nila sa Nazareth at naging masunuring bata.  Sa Eukaristiya, ang Kristo Hesus ay buong pusong tumalima sa Ama.  Ang pagtatag ng Eukaristiya sa pamamagitan ng Hapunan at pagkamatay sa Krus – ay konektakdong mga pangyayari ng pagtalima, ng pagsunod sa kagustuhan ng Diyos.  Tuwing matatapos ang banal na Eukaristiya, tayo ay hinahamon, na tumalima sa Diyos, na ang salita at aral na ating narinig ay ating isabuhay at ibahagi, upang tayo ay maging mabuting anak ng Diyos.  Pagtalima.

6a00d8341c570653ef011168678994970c-400wi

Ngayon taon ay nakapaloob tayo sa Panahon ng Pananampalataya, huwag nawa nating sayangin ang binibigay na pagkakataon na ito na hindi mapaunlad ang ating pananampalataya.  Nawa katulad ng Batang Hesus, tayo ay patuloy na kumilala sa Ama na Siyang pinagbubukalan ng lahat ng mga biyaya, kasabay ang pagkakaruon ng pagtitiwala, dahil hindi tayo maniniwala at sasampalataya kung hindi tayo tunay na nagtitiwala, at panghuli ang pagtalima, tatalima tayo dahil kilala natin ang Ama, tatalima tayo dahil tayo ay nagtitiwala sa Ama.

Kapag titignan nating ang batang Hesus sa anyong Santo Nino, Makita nawa natin ang ang pagiging bata na nasa ating puso na kailanman ay hindi dapat mawala.  At ang batang Hesus na ito ay hindi nanatili sa sabsaban, hindi nanatiling bata, siya ay lumago, umunlad ang kaniyáng karunungan at lalong kinalugdan ng Diyós at ng mga tao. PAGKILALA, PAGTITIWALA, AT PAGSUNOD…

VIVA SANTO NINO! VIVA!

Bida ka kids…

Nuong nakaraang school year, ako ay na assigned na mag apostolate sa Hospicio de San Jose (bahay ampunan sa Ayala Bridge, sa gitna ng ilog Pasig) tuwing Linggo ng umaga.  Sa mga bata ako na assigned.  Nagsisimula ang araw ng Linggo sa pamamagitan ng misa, kasunod ang pagbibigay Katesismo sa kanila, at ang pinakahihintay ng mga bata, ang maglaro ng maglaro ng maglaro.  Sa pagharap ko sa kanila, nabalikan ko

ang dati kong trabaho, ang muling maging Teacher.  Kaya nga lang, malaking adjustment ang ginawa ko: Sanay akong magturo sa 3rd at 4th yr high school, at ngayon hinarap ko ang mga batang nasa grades 1-3.  Dito kailangan mo talaga ang mahabang pasensya sa kanila. Pag nagtanong ako, hindi ganun kabilis ang nakukuha kong sagot sa kanila. Pero sa bandang huli, naiba ang mundo…Akong Teacher, ang siyang natututo sa mga batang ito. Natutong maging simple: simple sa mga kagustuhan, simpleng kasiyahan, at simpleng pamumuhay.  Dito nakita ko na mahalaga ang mangarap at hindi mawalan ng pag asa – na kanilang tanging pinanghahawakan.  Salamat sa mga batang ito na siyang nagturo sa akin ng tunay na kahulugan ng buhay.