LARAWAN (life lessons of the movie Larawan)

Ang mata ang parte ng ating katawan para tayo ay makakita. Ito ang pinakapintuan ng ating kaluluwa at konsensya. Ang mata rin ang ginagamit para tumingin kung paano isasalarawan ang isang bagay na tinitignan.

Sa ating buhay, marami tayong tinitignan. At sa pagtingin natin ng mga bagay-bagay, nagdudulot ito sa atin ng pagkatakot, maari rin namang kasiyahan at kalayaan.

Habang pinapanuod ko ang pelikulang LARAWAN, pina nabikan ko na makita ang painting, ang Larawan na talaga namang sa kanya yata umikot ang buong istorya, pero sa bandang huli, hindi ko ito nakita, tenga ang ginamit ko, at imagination ang pinagana ko para makita ko kung ano ang Larawan na ito.

26114259_1763912403913110_3675512695483043876_n

Sa buhay natin, marami tayong kinakatakutan, pati mga sarili nating nakaraan. Pati ang pagtingin sa atin ng ibang tao, na kung ano ang sasabihin nila ay kinakatakutan natin. Ang pagsira sa mga larawan ng nakaraan ang siyang magpapalaya at magdudulot sa atin ng kapayapaan at matiwasay tayong makakahakbang.

Lumabas ako ng sinehan, na wala talaga, hindi ko talaga nakita ang larawan.

Ang Larawan pala ay wala sa dingding, wala rin sa pelikula, kundi nasa loob ko, nasa kalooban nating lahat. Na kung magandang larawan ang tingin natin sa iba, tiyak maganda rin ang kalooban natin.

Balik tayo sa kalooban natin, ang ating konsensya, duon natin makikita na tayo ang perpektong larawan na nilikha at kawangis ng Diyos.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s