Pagtaas, Pagbaba at Pagbabagong Buhay.

Ilang beses na rin akong nayaya ng mga kaibigan na sumama sa kanila sa pagpanik ng mga bundok. Ilang beses na rin akong tumanggi. Iniisip ko di ko kakayanin. Nasabi na lang nila, kakaiba daw ang pakiramdam kapag nanduon ka na sa tuktok. Mag iiba ang pananaw mo sa buhay. Pero di sila nananatili sa taas, bumababa pa rin sila at balik sa normal na buhay.

May mga kakilala naman akong: Nagmahal…Nasaktan…Nag Sagada.  Di ko alam kung ano ang meron sa Sagada, o kaya sa Baguio, kahit sa Tagaytay. Na kung bakit puntahan ito ng mga taong nakaranas ng broken relationship. Sabi nila soul searching daw (humiwalay pala ang kaluluwa nila) o kaya hanapin daw ang sarili. Pero tunay naman, kapag nakababa na ng bundok ng Baguio o Sagada, may malaking pagbabago sa kanila. Back to normal na ulit ang buhay nila. Mas naging matatag pa nga.
fixedw_large_4x

Sina Jesus at ang tatlong alagad Niyang sina Pedro, Santiago at Juan ay pumanik ng bundok. At mula dito nagkaruon ng pagbabagong anyo si Jesus (Transfiguration). Ito ay nasaksihan ng mga alagad ni Jesus.  Nakita nilang nagbagong-anyo si Hesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. At sa pagitan ni Jesus ay lumitaw din sina Moises at Elias na nakikipagusap kay Hesus.

Nagkaruon ng kakaibang excitement kay Pedro. Pagkatapos masaksihan ito, at nasabi nya kay Jesus: “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo. Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.”

untitledKatulad ni Pedro, tayo rin ay may mga ganitong reaksiyon. Kapag nakita at naramdaman natin ang presensya ng Diyos, ayaw na nating umalis sa ganuong sitwasyon. Gusto nating forever na lang na nanduon. Kung puede lang huwag ng matapos ang ganuong pakiramdam. Ayaw na nating bumaba ang mataas nating pakiramdam.

At mula dito ay may tinig silang narinig: “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!”

Kay Pedro at sa ating lahat, ito ay isang paalala, na kailangan nating pakinggan ang kagustuhan ng Diyos at hindi ang kagustuhan natin. Hindi tayo ang magdidikta sa Diyos, katulad ng ginawa ni Pedro.

Nuong nagbigay ako ng retreat sa mga dati kong teachers, ginanap namin ito sa Caleruega, Batangas. May isang teacher na nagsabi sa akin: “Father, sana dito na lang tayo no, huwag na tayong bumaba sa Manila. Ramdam na ramdam ko ang Diyos dito.” Napangiti na lang ako nuong marinig ko ito.

Ang tunay na misyon natin ay katulad ng misyon ni Jesus, matapos tayong magbagong anyo, napa nibago ng naranasan nating pagmamahal Niya, tayo ay bababa ng bundok at handang harapin ang mga pagsubok sa buhay.

Ang Diyos Anak na niluluwalhati sa langit, na nasa taas, ay bumaba, para mag alay ng buhay, katulad ng mababang kalagayan ng isang tao.

Mula sa taas – bumaba.  Mula sa kaluwalhatian bumaba sa abang kalagayan.

Ang unang Byenes Santo, si Jesus ay pumanik muli ng bundok, dala dala ang krus, na simbolismo ng Kanyang pagmamahal sa tao. Pumanik sa mataas na lugar ng Kalbaryo, ang Golgotha.

Itinaas Sya, sa pamamagitan ng pagpako sa Krus.  Itinaas Sya para ipahiya at hubarin ang Kanyang pagiging mataas.

Mula sa taas ng krus Siya ay nagbagong anyo, nagbagong anyo dahil sap ag-ibig. At dahil sa pag ibig, nakilala Siya na Siya nga ay tunay na Diyos.

Kanya ring binago ang anyo ng pagkapako sa Krus. Kanyang binago ang imahen ng krus. Ang Krus na kinakatakutan, simbolismo ng kahihiyan – naging instrumento ng kaluwalhatian, tagumpay at pag ibig.

Sa pang araw-araw nating pamumuhay, maraming pagtaas at pagbaba tayong nararanasan.

Ano ba iyong mga bundok na pinapanik at binababaan natin? Bundok Tabor ba na nakikita natin ang kaluwalhatian ng Diyos, tagumpay at puro kaligayahan. Bundok ng Kalbaryo, sa Gogotha, kung saan nararanasan ang mga problema, pagsubok at kamatayan?

Hindi lang sa tagumpay o mga kaligayahan nagpapakita ang Diyos, kundi lalong lalo na sa mga panahong, hirap na hirap tayong humakbang pataas sa ating bundok ng kalbaryo.

Duon mas lalo nating nasasaksihan ang Diyos na nakikilakbay sa atin sa mga panahong binabagyo tayo ng mga problema, iyong mga panahong ayaw na natin magpatuloy pa, kasi sobrang hirap at sakit na.  At hindi natin namamalayan, na sa gitna ng mga problemang ito, may mabuting pagbabagong nangyayari sa sarili natin.

Sa Banal na Eukaristiya, sa misang dinadaluhan natin. Nasasaksihan natin ang pagbabagong anyo ni Kristo – ang ordinaryong tinapay at alak, ay nagiging tunay na katawa at dugo Niya. Ang tanong, tunay ba natin itong nakikita at nararamdaman. At nawa sa pagtanggap natin ng Kanyang katawan, tunay na magkaruon ng epekto at pagbabago ito sa ating buhay.

lord__s_supper_by_bclary-d37hhzp

Alam kong may kakaiba kayong pakiramdam kapag nasa loob kayo ng misa o ng simbahan, iyong pakiramdam na ang lapit lapit ninyo sa Diyos. Na sana forever na ang ganitong pakiramdam.  Pero matatapos ang misa, muli kayong uuwi, sana kung ano ang nasaksihan at naramdaman ninyo kaluwalhatian, ang tinanggap ninyong Katawan at Dugo ni Kristo, ngayon ay hinahamon kayong ikalat ang Mabuting Balitang ito – narinig, naramdaman, at nasaksihan tungo sa pagpapanibago ng inyong pananampalataya.

Sa bawat pagtaas natin, tayo ay bababa, ngunit may pagbabagong nangyayari sa ating buhay.

Sa bawat kaluwalhatian, may kalbaryo’t paghihirap, ngunit tayo ay magtatagumpay.

Pagtaas – Pagbaba – Pagbabagong buhay. Amen.

Advertisements

~ ni Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. sa Marso 13, 2017.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: