MALING-MALI LAGI SI FATHER

Kapag sinimulan nya ng maaga ang misa, advanced ang relo nya,
Kapag na late na simulan ang misa, pinaghihintay nya ang mga tao.
Kapag may mga construction project sya, magastos si Father.
Kapag walang project, walang pakialam si Father.

Kapag kasama nya ang mga babae, playboy
Kapag mga lalake, pinagdududahan.
Kapag mga youth, kahina hinala
Kapag matandang babae, mama’s boy
Kapag nakadistansya sa mga tao, anti social at isnabero.

praying_priest_440.jpg

Kapag kabarkada ay mga matatanda, old fashioned.
Kapag kasama ay mga bata, out of place

Kapag matagal ang oras nya sa pagpapakumpisal, mabagal
Kapag mabilis magpakumpisal, wala syang panahong making sa nangungumpisal
Kapag nagsermon sya ng more than ten minutes, boring at homily abuse na
Kapag maikli naman ang sermon nya, hindi sya prepared.

Kapag ang boses nya ay malakas, sinisigawan ang mga tao
Kapag mahinahon magsalita, hindi maintindihan ang kanyang sinsabi.
Kapag may kotse si Father, napaka materialistic nya
Kapag wala naman kotse, napaka impraktikal nya at madalas nag tricycle lang.

Kapag laging bumibisita sa mga pamilya, lakwatsero
Kapag lagi lang na nasa loob ng kanyang kwarto, walang pakialam sa kanyang mga parishioners
Kapag humihingi sya nga mga contributions at donations, napakagastos nya
Kapag hindi naman humihingi ng pera sa mga tao, napaka yabang nya

prayer.jpg

Kapag sya ay bata pa, walang karanasan,
Kapag matanda na, dapat ng maretire

Kapag nagsorry sya sa mga mali nagawa, plastic at hindi totoo
Kapag hindi naman nag sorry, wala syang puso
Lagi na lang mali si Father sa paningin ng iba…

Habang sya ay nabubuhay, laging may mga taong mas magagaling sa kanya…
Pero kapag sya ay namatay…walang gustong sumunod na mga anak at batang lalake na maging paring papalit sa kanya.

 

~ by Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. on December 17, 2015.

One Response to “MALING-MALI LAGI SI FATHER”

  1. Rev. Rael, ang mga pari, ay TAO LANG DIN. Nagkakamali. Nadadapa. Nadudulas. Samakatuwid, HINDI SILA PERPEKTO. Diyos lamang ang perpekto. Kaya naman lagi nilang hinihiling nila ay sandamakmak na dasal, pang-unawa, pagmamahal, suporta mula sa mga parishoners. Lahat po ng tao ay nagkakamali. Pero ang mas masakit at nakakalungkot, ay para bagang nabubuhay tayo sa isang mundo ng malisya, kawalang galang sa kapwa, sa isang mundong nababalot ng ganid, inggit, poot. Nakakalungkot lang po. PERO YUN ANG TOTOO.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: