FOREVER SA TAMANG PANAHON

PAG ALA-ALA…

Sa gitna ng maraming pagtatalo talo sa paniniwalang wala naman talagang forever, nandirito tayo ngayon sa selebrasyon kung saan magpapalitan ng pangakong panghambambuhay na magsasama sina Roger at Nida. Makalipas ang anim na buwang pagiging makasintahan, ito na ang tamang panahon para masabi nilang may forever nga talaga.

Ngayon araw na ito mga kapatid kong Roger at Nida, magpapalitan kayo ng pangako sa bawat isa, bago kayo humantong sa ganitong sitwasyon, kahapon, Nida, pinilit kitang balikan ang kwento ng inyong pag iibigan, kung paanong nagkakilala kayo ni Roger sa Facebook, messanger, sa pagpapalitan ng text messages, hanggang sa humantong ng unang pagkikita ninyo nuong June ng taong kasalukuyan, at naging saksi ang simbahang ito ng Manaoag.  Napakaganda na ginamit ninyo ang lugar na ito sa una ninyong pagkikita, at ito ay sinundan ng pag attend ng misa.

At ngayon, ang unang pagkikita ninyo sa simbahang ito, ay gagawin nating sagrado, mismong sa altar na kayo nagkita, hindi lang mga mata ang nagtagpo, pati na rin ang inyong mga puso. Sa mga nakalipas na mga buwan, inaalala natin kung gaano kabuti ng Diyos sa pagbubuklod Niya sa inyo.

Inaalala natin na ang Diyos ay tunay na napakabuti, kung paanong Siya ang Diyos ng pag ibig para sa inyo at Siya ring Diyos na nag magpapanatili sa pag iibigan ninyo hanggang sa marami pang taon na inyong pagsasamahan.

Inaalala natin ang tamis ng unang pagsasabi ni Nida ng “Yes” kay Roger, hanggang sa pagsasabi ng Yes sa bawat isa ngayon, magsasama sa hirap at sa ginhawa, sa sakit at kalusugan, hanggang sa kamatayan.

12395612_1491745017796518_2030589269_n.jpg

PAGDIRIWANG…

Marami tayong dapat ipagdiwang ngayong araw na ito…

Isang magandang gawain na ngayong kayo ay ikakasal, ito ay nakapaloob mismo sa selebrasyon ng Eukaristiya.  Ang Eukaristiya kung saan nag alay ng buhay si Kristo sa kanyang minamahal na simbahan.

Kayo man, Roger at Nida, ay inaanyayahan ni Kristo na gayahin ang Kanyang ginawa, maghahandog ng buhay sa bawat isa.

Mamaya sa kayo ay magpapalitan ng sumpaan sa harap ng altar, katulad ng sumpa ni Kristo nuong itinatag Niya ang banal na Eukaristiya, “ito ang aking katawan, ito ang aking dugo…na iaalay para sa inyo…”

Sasabihin ninyo rin yan mamaya sa isat isa: “Ito ang aking sarili…ito ay iyong iyo”

At kayo rin ay magpapalitan ng sumpaan sa paanan ng krus, katulad ng Inang Maria.  Kahit napakasakit ng sitwasyon na makita ang kanyang naghihirap na anak, hindi siya umalis, bagkus nanatili pa sya.  Ganuon din sana kayo, kapag may mga problemang darating, wag kayong aalis sa krus ni Kristo, tumayo manatili kayong nakatayo ruon at tiyak na kayo ay magtatagumpay.

Kasiyahan ng pagdiriwang na dapat nating ipangalandakan sa buong mundo na sagrado pa rin ang kasal.

Kasiyahan ng pagdiriwang na mapagtatagumpayan ang mga pagsubok. Magkakaiba ng hilig, magkaiba ng family background, ng values, ng attitude, pero naging isa at naging forever pa.

Kasiyahan ng pagdiriwang na pagbabahagi ng buhay at inspirasyon sa iba.

AT TAYO AY AASA…

At naniniwala tayong marami pa tayong dapat na tignan pa sa hinaharap, at naniniwala tayong makakayanan ang mga darating na problemang ito.

Mga kapatid kong Roger at Nida, ito na iyon, ito na ang tamang panahon para simulan ang forever.  Masaya ang bokasyong pag aasawa.  Wala na dapat ikatakot dahil kasama ninyo si Kristo sa bokasyong ito.  Commitment — iyong kasiyahan na magbibigay ka ng buong buo para sa minamahal mo, kahit masakit na masakit na, mananatili ka pa ring kasa kasama niya, kahit na sukang suka ka na, pilit mong tatanggapin. Pilit na kakalimutan ang sarili para mahalin ang iba.

At kapag dumating kayo sa punto na napanghihinaan na, tila baga ayaw ninyo na, gusto ninyo ng sumuko…balikan ninyo ang unang araw na nagkita kayo dito sa simbahan na ito, balikan ninyo ang araw na ito, kung saan naramdaman ninyo ang pagtawag ng Diyos sa inyo na kayo ay magsasama forever.  Ngayong taon na ito, Taon ng Eukaristiya at Pamilya, maging matatag kayo, gawin ninyong sentro ang Diyos na nasa Eukaristiya ang inyong buhay pagpapamilya at tinitiyak kong kayo ay patuloy na magiging maligaya.

Ito na iyon, Roger and Nida…this is it! Sa sobrang pagmamahal sa inyo ng Diyos, ibinigay Nya ang isat isa sa inyo, Ito na iyon, simula na ang forever, ito na ang tamang panahon.

~ by Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. on December 16, 2015.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: