Bagyo ka lang, Pilipino kami!

“Bakit kaya ganuon brother ang nangyayari sa ating mga Pilipino? Grabe ang dinulot ng bagyong Yolanda sa Visayas, ano kaya ang kasalanan nating mga Pilipino? “ Ito ang magkasunod na tanong sa akin kanina ng isa sa mga myembro ng BEC na pinupuntahan ko tuwing Linggo ng umaga. Pero ang sagot ko lang ay ngiti na hindi maintindihan. Dahil sa totoo lang hindi ko talaga maintindihan at di ko talaga alam ang kasagutan.

Image

Sa pakikinig ko sa radyo, panunuod sa telebisyon at pagbabasa sa dyaryo ngayong araw na ito, ako man ay napatanong na lang din. “Lord, bakit kaming mga Pilipino ang paborito mong bigyan ng delubyo?” hanggang sa dinadala ko na lang sa panalangin.

Image

 Sa pangyayaring ito masasabi kong nanduon ang Diyos sa lahat ng nangyayaring delubyo sa ating bansa. Ang Kanyang pananahimik ay hindi nangangahulugan ng Kanyang pag abandona sa mga nagiging biktima.  Ang Kanyang pag ibig ay pagtuloy pa rin ang pag iral at di nagmamaliw at hindi ito Kanyang galit at sumpa sa atin. Marahil kung ito ang sasabihin ko sa mga naging biktima ay hindi rin nila ito maiintindihan. Dahil ang isip nating mga tao ay limitado. At tanging Siya ang nakakaalam at tagapag pagalaw ng lahat ng bagay.

Image

Sa pagtatapos ng Taon ng Pananampalataya, talagang tayong mga Pilipino ay subok na subok na, dahil sa ganitong mga pagsubok, sa Diyos, tayo ay  tunay na kumakapit at sumasampalataya.  At sa gitna ng mga delubyong ito, tayo ay nagiging isa sa panalangin at pagtulong sa bawat isa. Sa panahong ito, tayong lahat ay may maibabahagi. Muli tayong tatayo. Muli tayong bubuo ng mga pangarap. Muli tayong ngingiti. At nawa’y masabi natin: Bagyo ka lang, Pilipino kami! Unos ka lang, mayruon kaming Diyos!

~ by Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. on November 10, 2013.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: