PAGTITIPON – TAWAG NG MISA

Ang ating pagtitipon ay nag bubunga ng pagkakaisa.  Sa pagkanta ng pambungad na awit, tayo ay nagiging isang tinig. Magkakaiba man at hindi magkakakilala, ngunit tayo ay umaawit ng iisa.

Ang ating pagtitipon sa misa ay pakahulugan lamang na ating pinapahalagahan ang pagdarasal ng sama-sama. Kahit ang pangsalukuyang mundo natin ay inaayayahan tayong maging isa, maging individualistic – sa teknolohiya ng telebisyon, internet at celfone, katunggali angmaging personal na pakikipag ugnayan sa bawat isa.  Tunay na ang Eukaristiya ang siyang nagbubuklod sa tin kahit na ibat-iba an gating pinagmulan, idad, kagustuhan at iba pa.

Sa pagsisimula ng pagtitipon, tayong lahat ay sabay sabay na nag aantanda ng Krus sa ating katawan.  Ito ay sumisimbulismo ng pagkakaisa ng sakrispisyong ginawa ni Kristo sa Krus ay iisa at patuloy sa sakripisyo ng santa misa.  Amg krus ng kamatayan ay kahihiyan ay naging krus ng pag asa at tagumpay.  Ang pag aantada rin ng krus ay ang muling pa g aala ala n gating binyag.  Kung saan tayo ay naging kasapi ng Simbahan at nak ng Ama at kapatid ni Kristo.  Tayo ay pinapaalalahanan na tayo ay hindi lamang dumudulog ng ating mga panalangin sa nakadistansyang Diyos.  Na tayo ay hindi outsiders sa Diyos kundi tayo sa pamamagitan ni Jesus ay kasama ng Diyos, na tayo ay binyagan ay kasama ang Diyos sa pamamagitan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.  Si Hesus bilang pinaka mataas na pari ang siyang nakatayo, namumuno sa atin, at tagapamagitan, upang ang grasya ay patuloy na dumaloy.  Sa pamamagitan ng pag aantanda ng krus, tayo rin ay pinapaalalahanan na magmahal nang katulad ng kay Jesus, na dumadaloy sa Espiritu santo patungo sa Ama ay nabubuksan ang ating mga mata at puso na kailangan din nating mahalin ang ating kapwa bilang mga kapatid.  Nagiging isa tayo dahil sa pananampaltaya at pagmamahal.  Tayo ay natitipon sa simbahan tuwing may misa.  Ngunit ano ang Simbahan?  Ang depinisyon ng simbahan ay hindi nalilimitahan sa pagiging isang lugar, istrakturang bato, bagkus ang simbahan ay ikaw, ako, tayong lahat na natitipon at nagiging isa.

“Sumainyo ang Panginoon.” Ito ang pinakaunang bati sa atin ng paring tagapagdaloy ng pagdiriwang.  Siya man ay pari, ngunit siya ay kumakatawan kay Kristo ang pinakamataas na pari.  “at sumainyo rin…” naman ang atin tugon.  Ating kinikilala na ang presensya ni Kristo ay nasa sa ating lahat na siyang bubuo sa atin bilang isang sambayanan.

Matapos natin malaman na ang Diyos ay nasa ating puso.  Hindi ba’t nararapat lamang na ang pusong ito’y ating linisin.  Isang katahinikan na pagnilayan ang ating mga nagawang kasalanan.  At aminin ang mga ito sa Diyos at sa ating kapwa, Ipinapakita rito na tayo ay ang simbahang naglalakbay na pinagpupuyagian na mamuhay ng banal ngunit patuloy na nadadapa sa ating mga pagkakasala.  Tayo ay humihingi ng tawad hindi lamang bilang isang indibidwal ngunit bilang isang komunidad.  Tayo ay humihingi ng tulong sa mga dasal ni Maria, ang Ina ng Simbahan, ng mga santong banal at ng ating mga kapatid na katulad natin ay nagkakasala.  At ating sinsambit: “Panginoon kaawaan mo kami. Kristo kaawan mo kami. Panginoon kaawaan mo kami.”

Kasunod ng kasiyahang tayo’y pinatawad ng Diyos, sabay sabay nating pinasasalamatan at pinapapapurihan ang Diyos sa pagkanta natin ng Gloria o Papuri sa Diyos.

“Manalangin tayo” –  ang pambungad na panalangin. Ay muli tayong ini imbitahan na manahimik, at ialay ang ating mga panalanging nakatago sa ating mga puso.  At ito’y pinagiisa natin.  Sa ingles ang parteng ito ay tinatawag natin na “COLLECT” kung saan ito ay kolektadong mga panalangin sa Ama, sa Anak at sa Epsiritu Santo.  Ang pag aalay at pagsasama sama ng ating mga kaligayahan, kalungkutan, tagumpay at kabiguan bilang isang simbahan.  Ito rin ay ang ating, pananampalataya, pag asa at pagmamahal, at ito rin ang ating pag – OO sa Diyos na tayo ay hindi maging makasarili, bagkus isama ang buong sambayanan sa ating mga panalangin. Ito rin ang pag alaala sa mga biyayang kanyang ipinagkaloob sa atin, at muling pananambitan sa mga grasyang kinakailangan natin.

Ang pinaka unang parte ng Misa ay tinitipon tayo bilang isang sambayanang patuloy na naglalakbay.  Tayo ay inihahanda upang makiisa sa Diyos at sa ating kapwa.  At gayundin ang mapaghandaan natin ang pagtungo natin sa susunod na parte ng misa – paghahati ng Salita ng Diyos o Liturhiya ng Salita. Amen.

~ by Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. on September 15, 2012.

One Response to “PAGTITIPON – TAWAG NG MISA”

  1. Reblogged this on lancetheabellon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: