Palaspas: pagbubukas ng puso at pakikilahok sa paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo

Dalawang taon na rin akong nakikibahagi ng pagbabas sa mga palaspas sa aming parokya kapag sumasapit ang Linggo ng palaspas (Passion Sunday). Maraming mga tao ang talagang winawagaswas ang kanilang mga dalang palaspas, hindi sila aalis sa kanilang lugar hanggat hindi nila nakikitang basang-basa na ito. Pati ako ay basang-basa na rin.

Ano nga ba ang mayruon sa palaspas ? Ang palaspas ay makikita at mabibili natin sa labas ng simbahan sa ganitong panahon, iba’t ibang anyo, galing sa dahon ng niyog (sinasabi nating ang niyog ang puno ng buhay o tree of life). Ang palaspas ang ginamit ng mga taga Jesrusalem habang si Kristo ay pumapasok sa nasabing lungsod habang sumisigaw ng Hosana sa Anak ni David!

Matapos ang misa, at ang palaspas ay nabasbasan atin itong inuuwi sa ating mga tahanan. Ang iba’y inilalagay ito sa pintuan at ang iba naman ay sa bintana. Kung tatanungin kung bakit dito nila inilalagay, ang sagot ng marami ay pantaboy sa masamang espiritu o dili kaya ay upang hindi pumasok ang malas, nakakatawa dahil marami ang hindi nakakaunawa ng tunay na kahulugan nito. Kung ito man ay ating ilalagay sa mga pintuan at mga bintana, ito’y nangangahulugan na ang ating pamilya ay nagbubukas ng pintuan ng ating puso kay Kristo. Ang mga nakatira dito’y handang sumama kay Kristo papasok sa Jersualem kung saan naranasan ni Kristo ang Kaniyang paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay.

Nuong Miyerkoles ng Abo (Ash Wednesday), tayo ay nagpalagay ng abo sa ating mga noo, habang sinasabi sa atin ng mga pari ang pangungusap na, “magsisi, talikdan ang kasalanan at isabuhay ang ebanghelyo.” Ang abo na sa atin ay inilagay ay galing sa mga lumang palaspas. Ang abong palaspas na ito’y nangangahulugang ng pagbubukas (pag welcome) ng ating isipan at puso kay Kristo ngayong panahon ng Kuwaresma.

Nawa’y sa muli nating pagwasiwas ng ating mga palaspas, ito naway maging makahulugang pag bubukas natin kay Kristo…tayo man ay pumasok sa ating Jerusalem ng walang takot kahit alam nating makakaranas tayo ng mga sakit at kamatayan dahil alam nating sa bandang huli katulad ni Kristo tayo ay magkakamit ng muling pagkabuhay.

~ by Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. on March 31, 2012.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: