END of school year na naman…

 

Muli na namang nagsara ang school year, tapos na ang dalawang semesters na talagang binuno at pinaghirapan. Ngayon taon na ito, kaming mga second year Theology students ng San Carlos Seminary ay talagang naharap sa mga hindi malilimutang mga karanasan, una na dito ay matinding paghahanda para sa comprehensive exam namin(oral at written) sa awa ng Diyos ay naipasa naman naming lahat. Ikalawa, ay ang maranasan naming gumawa ng

documentary film, pumunta sa iba’t-ibang lugar upang kumapanayam sa mga taong sa tingin namin ay makakatulong sa aming topic. Ang ikatlo, ang gumawa ng homiliya at ibahagi ito sa aktuwal na misa. Ito ay ilan lamang sa talagang pinaghandaan, pinag paguran ng dugo’t pawis upang ang tagumpay ay makamtan.
Dumating na kami ngayon sa punto na kailangan na munang maghiwa hiwalay…ang ilan sa amin ay mag reregency, ang iba ay mag pi PSI at Pastoral Year (hihinto muna sa pag aaral) at ang iba naman ay itutuloy ang pag aaral sa ikatlong taon ng pag aaral ng Teolohiya. Nakakalungkot man pero ito ang realidad, may aalis, may darating…ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang mga karanasan at aral na naiwan…

~ by Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. on March 17, 2012.

One Response to “END of school year na naman…”

  1. Nice write up from Dikong Rael.

    Panatilihin ang kabaitan mo kapatid.

    Bro.Francis

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: