Halloween Party

Kumain ako sa isang sikat na fast food chain, may ginaganap na Halloween Party, natuwa ako at nalungkot, nakakatuwa ang mga bata na nakasuot ng iba’t ibang costume, merong naka Batman, Superman, Cinderella, at iba pang makukulay na kasuotan.  Hindi lumagpas sa paningin ko ang costume ng ibang bata na, naka itim, Dracula pala ang costume niya, meron ding White Lady, meron ding mga

nakasungay na umiilaw, meron ding iba na di ko mawari kung ano ang gusto nilang palabasin, pero isa lang ang masasabi ko – nakakatakot ang costume nila.  Nakakalungkot na ang mga batang ito ay naka costume ng kakaiba.  Nakakalungkot na ang kainosentihan ng mga batang ito ay napalitan ng kanilang mga nakakatakot na kasuotan.  Nasabi ko na lang na sana naturuan ng mga magulang ang kanilang anak kung ano ang tunay na kahulugan ng Haloween Party.  Ang Halloween ay galing sa salitang “Holy”  – gabi bago ang kapistahan ng lahat ng mga banal.  Bakit hindi maturuan ang mga kabataan na hindi ang mga nakakatakot na mga kasuotan ang kailangan isuot o gayahin bagkus ang mga banal o mga santo ang siyang dapat tularan.  Hindi lamang sa costume, kundi sa kanilang mga buhay kabanalan ng tamang pagsunod sa Diyos. Obserbasyon lang po…

~ by Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. on November 2, 2011.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: