Masintahing Ina, tulungan mo kami…

Ang Ina ng Laging Saklolo ang pinakagusto kong larawan ng Birheng Maria.  Kapag akin siyang tinitignan, may kakaiba akong nararamdaman.  Nagsimula akong magdebosyon sa kanya (pagdarasal ng nobena) nuong nasa ika apat na taon ako sa high school.  Tunay na nailalarawan sa totoong buhay ang kanyang titulong Ina ng Laging Saklolo, dahil tunay namang sinasaklolohan niya ako sa lahat ng aking mga problemang hinaharap.  Duon ko nararamdaman na katulad ng kanyang Anak na si Hesus, ako man ay kalong kalong niya sa kanyang bisig, nakasapo ang kamay na handang humawak na nagpapa alalang ” di kita bibitawan”, at ang matang kahit saan ako bumaling ay talaga namang nakatingin sa akin, na nangungusap na “kahit saan ka man ako ay kasama mo, laging nakatingin sa iyo…”

Kapistahan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo, isang grasya ang magkaruon ako ng pagkakataon na madalaw siya at mapasalamatan sa Baclaran.  Unang pagkakataon ko na makita ang kanyang larawan ng malapitan.  Iba ang aking naramdaman. Masaya ang aking pakiramdam.  Muli kong ibinulong sa kanya ang lahat ng bumabagabag sa akin.  Tulad ng isang tunay na ina na gagawin ang lahat matulungan at mapasaya lamang ang kanyang anak.  Salamat mahal na Ina, tunay na di matutumbasan ang iyong pagiging masintahing Ina.  Ilapit mo pa ako lalo kay Hesus na Anak mo. Amen.

~ by Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. on June 27, 2011.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: