Basaan sa San Juan

Walang pasok kahapon, araw ng kapistahan ni San Juan Bautista.  Naisipan kong lumabas ng seminaryo  kahit kasagsagan ng bagyong Falcon, para pumunta sa UERM, kasama ang isang brother ko dito sa formation house.  Sumakay lang kami ng jeep, anim kaming lahat na pasahero.  Umandar ang jeep na sinakyan namin. Nagulat na lang kaming lahat ng pasahero ng jeep, ng biglang huminto ang sasakyan, at kinuyog kami ng napakaraming tao.  May sumampa at

pumasok pa sa jeep, kahit nakatakip ang trapal sa mga bintana at nabuksan pa rin nila,  natakot ako, di ko alam kung anong gagawin.  At wala sa plano ko ang muling maligo sa tubig, dahil kaliligo ko lang bago umalis, at talagang maginaw ang panahon bunga ng bagyo.  Di namin namalayan na nasa San Juan pala kami, at kapistahan ng kanilang patron.  Nasa kinagawian ang paliguan at magbuhusan ng tubig sa bawat isa sa lungsod na ito.  Hinarang ko ang payong kong dala, ngunit sa wala rin napunta, nawarak pa at di ko na muling puedeng gamitin.  Umandar muli ang jeep, pero ang dami pang naka abang na

mga taong may dalang water toy gun, tabo, timba, pati tubig na nakalagay sa plastik ng yelo ay nakahandang ipaligo sa amin.  Wala na kong magawa, hinanda ko na lang ang aking sarili. Gustuhin ko mang magalit at mapikon dahil basang basa na ako at giniginaw ay hindi ko nagawa, nakitawa na lang ako at nag enjoy sa tradisyong ito.  At pag katapos ka nilang basain, aba aba aba…nakuha pang manghingi ng barya, hindi piso…kundi limang piso daw…nyahahahaha…di pala libre ang nakakainis na pag ligo nila sa iyo…binasa ka na, nainis ka na, gininaw ka na sa lamig ng binuhos nilang tibig tapos hihingan ka pa…nyahahahah…wala silang nakuha sa aking barya…dahil pati walit kong dala sa bulsa ay binasa nila.  Uwi kaming dalawa sa bahay, nagbanlaw  at nag palit ng tuyong damit, at hinanda na namin ang aming sarili na dumaan muli sa J. Ruiz, San Juan, ngunit di na nila kami muli maiisahan at mababasa…nyahahahahah…dahil nagtaxi na kami…at talagang ni locked namin ang mga pintuan…isang di makakalimutang karanasan…tara maki libre ligo tayo ay may bayad pala, sabon at shampoo na lang ang kulang…Viva San Juan Bautista!

~ by Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. on June 25, 2011.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: