TAKBOkasyon

Nuong ika-14 ng Mayo 2011, nagkaruon ako ng pagkakataon na maranasan ang sumali sa Fun Run dito sa Cathedral ng Cubao.  Ito na yata ang isa sa pinakasikat na salihan ng mga tao ngayon.  Ang pag takbong aming ginawa ay ayon sa  pagdiriwang ng Linggo ng Mabuting Pastol (World Sunday of Prayer for Vocation) maraming sumali, mga kapwa ko relihiyoso (Seminarians, Priests, and Nuns), at mga pamilya.  3K ang

kailangang takbuhin, akala ko ganun lang kadali ang pag takbo, akala ko talagang biro lang, hindi pala.  Dahil sa bandang huli, inoorasan ang tapos ng bawat isa, natuwa ako kasi ba naman, pasok ako sa Top 10, heheheh…Sa kalagitnaan ng pagtakbo, gusto ko ng huminto, magpahinga, bumigay sa pagtakbo.  Ngunit napasubo na ko eh, kaya tinapos ko na, kahit lakad-takbo ginawa ko, nakarating din sa huling hantungan.

Kakaiba ang karanasan kong ito, tumatakbo ako habang nagdarasal hindi lamang sa bokasyon ko kundi pati na rin sa bokasyon ng lahat ng pamilya.  Nakakawala ng pagod, kasi tumakbo ako ng may kadahilanan.  Tunay na ang bokasyon ay naka ugat at ipinunla sa pamilya.  TAKBOkasyon, takbong may direksyon…takbong patungo sa kaganapan ng buhay…Tara takbo tayo…

~ by Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. on June 1, 2011.

2 Responses to “TAKBOkasyon”

  1. nakaantig ng aking damdamin ang mga linyang:
    TakboKasyon… takbong may direksyon. tunay na masalimuot ang buhay, subalit kung kay Kristo sasandig, katulan ni San Pablo, tatakbo tayo na hindi lilingat sa katapusan dahil tayo ay may patutunguhan.

  2. Maraming salamat sa komento denmar…GBU!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: