Personal reflection on the calling of St. Matthew (shared on the community mass on his feastday – Sept. 21)

Bakit ganyan na lang ang tingin ninyo sa akin?

Bakit parang ako’y inyong hinuhusgahan?

Dahil ba sa ako’y kakaiba at makasalanan?

Isang ordinaryong araw, ako’y nakaupo sa paningilan ng buwis, isang ordinaryong gawain para sa akin. Wala akong pakiaalam kung labis labis man ang aking sinisingil sa mga taong bayan, ang mahalaga’y may makulekta akong malaki sa kanila.   “Sumunod Ka sa akin…” isang tinig ng lalaki na waring nag uutos sa kin.  Kakaiba ang boses na iyon.  Kakaiba sa lahat ng aking narinig.  Hindi ko maintindihan at maipaliwanag ang nangyari  at naramdaman ko ng oras na iyon.  Para akong nabato balani na tumindig sa aking kina uupuan, sumunod, at humakbang ang aking mga paa, na may direksyon…direksyon na sumunod sa lalaking nag utos sa akin.  Hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha, ngunit buong tiwala akong sumunod.  Ang pag tindig ko at paghakbang ko ng aking mga paa ang siya pala simula ng pagbabago ng aking buhay.

Humakbang lang ako ng humakbang, hanggang sa naging pamilyar na ang lugar na aming pinatunguhan.  Hanggang sa huminto kami sa tapat ng aking tahanan.  Hindi magkasya sa aking puso ang kagalakan at pananabik ng humarap Siya sa akin, ngumiti at nagwikang naisin Niyang makidulog sa akin sa hapag kainan.

Ngunit ang pagdulog ni Hesus sa aking tahanan ay nagdulot ng malaking usapan.  Ang mga Pariseo ay nagtanong kung ano ang ginagawa niya sa aking tahanan,sa  tahanan ng isang makasalanan.  Marahil ako man ang naging isa sa mga dahilan kung bakit Siya tinuligsa dahil sa pakikisalamuha sa mga taong katulad ko.  Dahil para sa kanila hindi ito gawain ng isang matinong tao.  Eh anong magagawa ko Siya naman ang lumapit at hindi ako ang nakiusap sa Kanya.

Sa hapag kainan, napakaligaya ko dahil kasama ko Siyang kumain. Hindi talaga ako makapaniwala.  Sa hapag kainan, mas lalo ko Siyang nakilala. Ang hapag kainan ang naging simbulo ng pagtawag niya sa Akin.  Sa hapag kainang iyon, ay Kanyang ibinalik ang nawalang halaga ko sa mata ng marami.  Sa hapag kainan na iyon ako’y nakaramdam ng pag asa, pag asang may bukas pa sa mga taong katulad ko.  Sa hapag kainan ding iyon naramdaman kong ako’y niyakap at tinanggap.   Ang dami naming  napag usapan.  Isa na dito ang anyayahan Niya akong maging isa sa kanyang mga Apostoles.  Nuong una’y hindi ko matanggap dahil, kasabay nito ay pag iiwan ko sa aking trabaho at pagsasauli ng mga sobrang nakolekta kong buwis sa mga tao.  Ganun paman, ako’y tumugon sa kanyang hamon.  Hindi ba’t mas kumita pa ako dahil nakita ko at abo’t kamay ko ang tunay na yaman ng buhay?  Ayaw ko mang matapos ang tagpong iyon, ngunit ang realidad ay kailangan kong magsimula sa isang bagong misyon… Kung nakaya ko…hindi ba’t mas kaya ninyo rin…marami pa akong kwento sa taong ito, na nagbigay inspirasyon sa marami…inyo na lang basahin.  Ako nga pala si Mateo, isang dating mandarayang taga tagakolekta ng buwis at ng lumaon ay tagakulekta at tagalista hindi ng utang ng iba kundi ng mga datos, pangyayari at buhay ni Hesus.

~ by Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. on May 31, 2011.

2 Responses to “Personal reflection on the calling of St. Matthew (shared on the community mass on his feastday – Sept. 21)”

  1. isang magandang pagninilay ang aking nabasa… tunay nga na lahat tayo ay tinatawag ni Kristo upang maging kanyang kamanggagawa… hindi dahil tayo ay matuwid o matalino o anupaman. Tayo ay pinili at hinirang ng Diyos dahil tayo ay kanyang iniibig. Itong pag-ibig na ito ang siyang nagpupuno sa ating mga pagkukulang, kasalanan at kabaluktutan.

    Bilang pagtugon sa pag-ibig na ito, tayo naman ay nag-aalay ng ating buhay sa Kanya at sa kanyang mga gawain. Maliit lamang, ngunit kung may pagmamahal, ang mga epekto nito’y aalingawngaw hanggang sa magpakailanman.

    sa Hapag ni Kristo, lahat ay tinatanggap… sa Hapag ni Kristo, halina’t makiisa
    Sa Kanyang piging, kami’y palakasin
    upang ang Kanyang simulain, kami ang gaganap.

  2. Tunay na ang tinatawag ay iyon pang mga hindi karapat dapat sa pamatayan ng tao. salamat sa komento. mabuhay ka!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: