Beeda ang may pangarap

Nagkaruon ako nang pagkakataon na lumabas ng seminaryo kahapon, Sabado, Free day para sa amin. Pumunta ako ng Quiapo para sa mahalagang lakad, nakaramdam ako ng pagod, gutom at medyo lumalakas na ang ulan.  Napag desisyunan kong pumasok sa Jolibee Cariedo, binati ng crew, pumila sa counter at hiningi ang order ko, nag order ako ng Jolli Hotdog value meal.  Pending ang french fries ko, kasi di pa daw luto.  Dala ang tray ng pagkain, naghanap ako ng table na bakante. Nakakuha ako ng upuan sa tapat ng conuter na malapit lang din sa pintuan.  Habang kumakain, tingin sa labas, lumakas ang ulan.  Kain ulit, medyo matagal pa rin ang French Fries na hinihintay ko, sa aking paghihintay, natuon ang pansin ko sa mga crew, may bigla akong na alala…ang dati ko ring pagiging Dining Crew ng iba’t ibang branches ng Jollibee.  Ang bilis ng pag balik ng mga ala-ala na habang nag aaral sa FEU sa hapon at sa gabi sa umaga naman ay pumapasok ako sa Jollibee…dito nag umpisa akong mangarap…habang nag ma mop ng floors, nag pupunas ng mesa, nag aasist sa mga customers, nag gre greet ng “Good morning sir, mam, welcome to Jollibee.” Nakakapagod ang ganitong trabaho…nangarap ako na balang araw pag nag graduate ako sa college ay magiging manager din ako katulad ng mga ini idolo kong mga manager namin (ngunit sa ibang direksyon ako dinala ng Dios – buhay Relihiyoso).  Sa pag mumuni-muni ko habang kumakain, pag tingin tingin sa mga crew, naisip ko na sana ang mga kabataang ito ay marunong ding mangarap at hindi makuntento lang sa pag tratrabaho bilang service crew.  Mahirap man ang mga

pinag daanan kong pag sabayin ang pag aaral at part time job sa Jollibee, masasabi kong ang dami kong natutunan sa mga karanasang ito…Dumating na ang pending kong Fries, inilapag ng Dining Crew sa mesa, tinignan ko ang mata niya, nakangiti pero halata na pagod na siya…Bigla ko ring naalala ang mga nakasama ko sa trabaho, nasan na kaya sila, may facebook account kaya sila para mag kabalitaan naman kami.  Sa pagtatapos kong kumain, tumayo sa lamesa, inihakbang ang mga paa palabas ng Jollibee, muli akong lumingon…sa Jollibee nag simula akong mangarap…at napag tanto ko na ang buhay ay katulad pa rin ng pagiging crew, handang magbigay serbisyo sa iba, na may ngiti sa  labi, dahil dito bida ang saya ang taong marunong mangarap…”Good bye sir, thank you for coming…” March 26, 2011

~ by Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. on May 31, 2011.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: