Prayer for Peace

With all the conflicts happening in our country and in the world, what is your prayer for peace?

Lord Jesus Christ, who said to your Apostles,
Peace I leave you, my peace I give you,
look not on our sins, but on the faith of your Church,
and graciously grant her peace and unity
in accordance with your will. 
Who live and reign for ever and ever. Amen.

20258345_1703248089979542_9197801154789732236_n

20228841_1703248069979544_4131839933290959773_n

Advertisements

God Bless the Philippines

O God, who arrange all things according to a wonderful design, graciously receive the prayers we pour out to you for our country, Philippines, that, through the wisdom of its leaders and the integrity of its citizens, harmony and justice may be assured and lasting prosperity come with peace.

20374600_1704631723174512_2741795024696712337_nThrough our Lord Jesus Christ, your Son, who lives and reigns with you in the unity of the Holy Spirit, one God, for ever and ever. Amen.
Our Lady of Peace, pray for us.
San Lorenzo Ruiz, pray for us.
San Pedro Calungsod, pray for us.

RULE

As Sacramentino (preparing for perpetual profession), I am call and challenge to observe the Rule of Life of our Congregation. Knowing only the text of this Rule can be oppressive for me. I am praying that one day I will be woke up to the reality of the deep love of witnessing our Rule. That there is joy in living out our Rule, no more oppressive external enforcement but expression of a genuine affection on it, not out of compulsion but an inner freedom and appreciation for the Spirit behind our Rule of Life.

11391548_1439306493040371_7992185640436513055_n

Priesthood and a Box of Chocolate

“Life was like a box of chocolates. You will never know what you’re gonna get.”  This popular metaphor about life is also greatly true and applicable to the state of life called priesthood.

When i was ordained priest a year ago, all i wanted was to be a simple priest assigned in a simple community or parish. All I wanted was to bring people closer to God through the sacraments I administer. But God has other plans. And his plans are greater than my dreams; greater that what i wanted to be. Though I remained simple, the responsibilities bestowed upon me were far from being simple; far from what i wanted.

5804677-forrest-gump-box-of-chocolates-quote

You really don’t  know what life will throw at you at every turn. After my ordination to the priesthood, I was assigned as one of the Chaplains of De La Salle – College of Saint Benilde. Throughout my first year in the ministry i always find myself ministering to the students and professors. As a chaplain, I listen to their stories with varied natures and give advice that provide guidance. I also strive to share the Eucharistic Jesus to those entrusted to my pastoral care through the sacraments and sacramentals I perform. What happened to me was indeed far from what i wanted.

As I look back on my first year experience as a priest, I can definitely tell anyone with assertiveness that it is not easy to be priest. Being a priest is like putting oneself in the line of fire. It is life marred with frustrations and successes, stress and happiness, difficulties and opportunities. A priest must be ready to get hurt, but console. He must be ready to stand and be placed amidst controversies, but vindicated by God. Priesthood is not easy. It is not perfect. But for someone called to this life, no other life can be better. Indeed, priesthood is a box of chocolates. You will never know what you’re gonna get.

Pagtaas, Pagbaba at Pagbabagong Buhay.

Ilang beses na rin akong nayaya ng mga kaibigan na sumama sa kanila sa pagpanik ng mga bundok. Ilang beses na rin akong tumanggi. Iniisip ko di ko kakayanin. Nasabi na lang nila, kakaiba daw ang pakiramdam kapag nanduon ka na sa tuktok. Mag iiba ang pananaw mo sa buhay. Pero di sila nananatili sa taas, bumababa pa rin sila at balik sa normal na buhay.

May mga kakilala naman akong: Nagmahal…Nasaktan…Nag Sagada.  Di ko alam kung ano ang meron sa Sagada, o kaya sa Baguio, kahit sa Tagaytay. Na kung bakit puntahan ito ng mga taong nakaranas ng broken relationship. Sabi nila soul searching daw (humiwalay pala ang kaluluwa nila) o kaya hanapin daw ang sarili. Pero tunay naman, kapag nakababa na ng bundok ng Baguio o Sagada, may malaking pagbabago sa kanila. Back to normal na ulit ang buhay nila. Mas naging matatag pa nga.
fixedw_large_4x

Sina Jesus at ang tatlong alagad Niyang sina Pedro, Santiago at Juan ay pumanik ng bundok. At mula dito nagkaruon ng pagbabagong anyo si Jesus (Transfiguration). Ito ay nasaksihan ng mga alagad ni Jesus.  Nakita nilang nagbagong-anyo si Hesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. At sa pagitan ni Jesus ay lumitaw din sina Moises at Elias na nakikipagusap kay Hesus.

Nagkaruon ng kakaibang excitement kay Pedro. Pagkatapos masaksihan ito, at nasabi nya kay Jesus: “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo. Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.”

untitledKatulad ni Pedro, tayo rin ay may mga ganitong reaksiyon. Kapag nakita at naramdaman natin ang presensya ng Diyos, ayaw na nating umalis sa ganuong sitwasyon. Gusto nating forever na lang na nanduon. Kung puede lang huwag ng matapos ang ganuong pakiramdam. Ayaw na nating bumaba ang mataas nating pakiramdam.

At mula dito ay may tinig silang narinig: “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!”

Kay Pedro at sa ating lahat, ito ay isang paalala, na kailangan nating pakinggan ang kagustuhan ng Diyos at hindi ang kagustuhan natin. Hindi tayo ang magdidikta sa Diyos, katulad ng ginawa ni Pedro.

Nuong nagbigay ako ng retreat sa mga dati kong teachers, ginanap namin ito sa Caleruega, Batangas. May isang teacher na nagsabi sa akin: “Father, sana dito na lang tayo no, huwag na tayong bumaba sa Manila. Ramdam na ramdam ko ang Diyos dito.” Napangiti na lang ako nuong marinig ko ito.

Ang tunay na misyon natin ay katulad ng misyon ni Jesus, matapos tayong magbagong anyo, napa nibago ng naranasan nating pagmamahal Niya, tayo ay bababa ng bundok at handang harapin ang mga pagsubok sa buhay.

Ang Diyos Anak na niluluwalhati sa langit, na nasa taas, ay bumaba, para mag alay ng buhay, katulad ng mababang kalagayan ng isang tao.

Mula sa taas – bumaba.  Mula sa kaluwalhatian bumaba sa abang kalagayan.

Ang unang Byenes Santo, si Jesus ay pumanik muli ng bundok, dala dala ang krus, na simbolismo ng Kanyang pagmamahal sa tao. Pumanik sa mataas na lugar ng Kalbaryo, ang Golgotha.

Itinaas Sya, sa pamamagitan ng pagpako sa Krus.  Itinaas Sya para ipahiya at hubarin ang Kanyang pagiging mataas.

Mula sa taas ng krus Siya ay nagbagong anyo, nagbagong anyo dahil sap ag-ibig. At dahil sa pag ibig, nakilala Siya na Siya nga ay tunay na Diyos.

Kanya ring binago ang anyo ng pagkapako sa Krus. Kanyang binago ang imahen ng krus. Ang Krus na kinakatakutan, simbolismo ng kahihiyan – naging instrumento ng kaluwalhatian, tagumpay at pag ibig.

Sa pang araw-araw nating pamumuhay, maraming pagtaas at pagbaba tayong nararanasan.

Ano ba iyong mga bundok na pinapanik at binababaan natin? Bundok Tabor ba na nakikita natin ang kaluwalhatian ng Diyos, tagumpay at puro kaligayahan. Bundok ng Kalbaryo, sa Gogotha, kung saan nararanasan ang mga problema, pagsubok at kamatayan?

Hindi lang sa tagumpay o mga kaligayahan nagpapakita ang Diyos, kundi lalong lalo na sa mga panahong, hirap na hirap tayong humakbang pataas sa ating bundok ng kalbaryo.

Duon mas lalo nating nasasaksihan ang Diyos na nakikilakbay sa atin sa mga panahong binabagyo tayo ng mga problema, iyong mga panahong ayaw na natin magpatuloy pa, kasi sobrang hirap at sakit na.  At hindi natin namamalayan, na sa gitna ng mga problemang ito, may mabuting pagbabagong nangyayari sa sarili natin.

Sa Banal na Eukaristiya, sa misang dinadaluhan natin. Nasasaksihan natin ang pagbabagong anyo ni Kristo – ang ordinaryong tinapay at alak, ay nagiging tunay na katawa at dugo Niya. Ang tanong, tunay ba natin itong nakikita at nararamdaman. At nawa sa pagtanggap natin ng Kanyang katawan, tunay na magkaruon ng epekto at pagbabago ito sa ating buhay.

lord__s_supper_by_bclary-d37hhzp

Alam kong may kakaiba kayong pakiramdam kapag nasa loob kayo ng misa o ng simbahan, iyong pakiramdam na ang lapit lapit ninyo sa Diyos. Na sana forever na ang ganitong pakiramdam.  Pero matatapos ang misa, muli kayong uuwi, sana kung ano ang nasaksihan at naramdaman ninyo kaluwalhatian, ang tinanggap ninyong Katawan at Dugo ni Kristo, ngayon ay hinahamon kayong ikalat ang Mabuting Balitang ito – narinig, naramdaman, at nasaksihan tungo sa pagpapanibago ng inyong pananampalataya.

Sa bawat pagtaas natin, tayo ay bababa, ngunit may pagbabagong nangyayari sa ating buhay.

Sa bawat kaluwalhatian, may kalbaryo’t paghihirap, ngunit tayo ay magtatagumpay.

Pagtaas – Pagbaba – Pagbabagong buhay. Amen.

Paring ACE

Ngayon araw na ito, tayong lahat ay masayang masaya, sa pagkakaloob sa atin ng bagong regalo, ang regalo sa pagkapari ni Father Ace, tunay naman na siya ang alas natin.  Naging ganap na pari po si Father Ace, dahil sa inyong mga panalangin.

Fr. Ace, nauna lang ako ng ordinasyon sa iyo, apat na buwan pa lang ako sa ministry ko sa pagkapari bilang college chaplain sa De La Salle – College of St. Benilde, hindi ko alam kung gumaganti ka lang sa akin, o ako ang ginawa mong biktima sa unang pagmimisa mo o sa misa pasasalamat mo ngayong gabing ito. At ako ang ginawa mong homilist ngayon.  Pero ang alam ko lang, kaklase kita, katabi sa table sa classroom, confidante, alam natin ang pinagda anan nating mga saya at hirap ng buhay seminaryo, at ako at kapwa mo rin taga Nueva Ecija.

Father Ace, ito na ang simula ng marami mong misa habang ikaw ay nabubuhay, sa iyong pagiging pari magpakailanman.  Sa iyong mga gagawing pagmimisa, ang Banal na Eukaristiya, lagi mo sanang maisabuhay ang four Eucharistic actions na nakapaloob sa misa.

13521881_1550775538560132_2423317485691494630_n

Ayon sa panalagin sa Second Eucharistic Prayer:

“Bago Niya pinagtiisang kausang loob na maging handog, kinuha, hinawakan Niya ang tinapay, pinasalamatan ka Niya, pinaghati hati Niya Iyon, iniabot sa Kanyang mga alagad…”

Taken (kinuha), Blessed (binasbasan, nagpasalamat), Broken (hinati) at Shared (Ibinahagi).

Ang iyong magiging buhay simula ngayon Fr. Ace ay iikot sa Eukaristiya, at sa apat na aksyon na ito.

Taken (kinuha, hinawakan)

Mahigit sampung taon na ang nakakaraan, ng kinuha ka ng Diyos sa lugar na ito, at dinala ka sa seminaryo. Naaalala mo pa ba ang pakiramdam ng unang naramdaman mo ang pagkaway at pagtawag Nya sa Iyo.  Alam ko nuong nasa Maria Assumpta Seimary at San Carlos Seminary ka na, napuno ka ng takot ang puso mo pero nagtiwala ka sa Diyos na tumawag sa iyo

Kinuha ka, ibinukod ka.  Sa iisang pipiliin, napakarami ang tatanggihan. At ginamit mong inspirasyon sa loob ng seminaryo, ang araw na kung saan naramdaman mo ang pagtawag Niya. Nuong naramdaman mong mahirap pala ang buhay seminaryo. Alam ko kagabi, ang gabing bago ka ordinahan, umiyak ka ng umiyak. Ang pag babalik tanaw sa pagkuha sa iyo ng Diyos mula sa pamilya mo. Ang unang pag iyak mo sa seminaryo sa kalungkutan, unang pagkakasakit, unang rejection dala ng community life, at marami pang una.

Mula sa pagkuha sa iyo ng Diyos, mula sa pagbukod sa iyo ng Diyos, ibinabalik ka Niya muli sa mga taong nagmamahal sa iyo, at alam ko lalo pang dadami ang mga magmamahal sa iyo.

Nasabi ng idol kong si John Lloyd Cruz sa pelikulang, Unofficially Yours kay Angel Locsin ang dialogue na ito: “Sa bawat isang pinipili may isang libo kang tinatanggihan……pero higit ka pa sa isang libong bagay na pwedeng tanggihan ng isang taong tulad ko.

Father Ace, yan din ang sinasabi sa iyo ng Diyos ngayong araw na ito.  At sa mga humahanga po kay Father Ace, tandaan po natin, siya ay taken na, committed na.

13516471_1550775471893472_3153276217988759373_n

Blessed (Binasbasan, Pinasalamatan)

Mula sa pag aalay mo ng sarili, sinuklian ito ng Panginoon Father Ace. Kanina hindi ko mapigilan ang maiyak din, naalala ko ang ordinasyon ko apat na buwan na ang nakakaraan.

Lagi mo sanag tatandaan:  our calling is not about us rather it is about the God who loves us, inspite of ourself, inspite of our imperfections. There is no perfect vocation only a perfect intention and the wiliness to trust and surrender our self

Kinumpirma ng Diyos kanina ang napakasidhi Nyang pagmamahal sa iyo. Mahal na mahal ka Niya. Biniyayaan ka Niya. Kaya nga pasang awa ka…Pumasa ka sa awa ng Diyos… Maraming dapat ipagpasalamat sa Diyos – at masusuklian mo ito sa pamamagitan ng mga taong ma ble blessed mo, sa mga taong magkakaruon muli ng pag asa at inspirasyon dahil sa ministry na tataglayin mo.

Broken (Hinati)

Father Ace, bakit  ka ba pumasok ng seminaryo, broken hearted ka ba? Alam ko broken ka, alam ko sugatan ka, alam ko myembro ka ng team sawi.

At kahit ordained ka na, broken ka pa rin…

Manatili kang broken, manatili kang wasak na may puwang. Para ang grasya ng Diyos ang siyang papasok at bubuo at kukumpleto nito.

At ngayon makikinig ka na ng mga kumpisal, sa pakikinig sa mga kasalanan ng mga tao, mararamdaman mo na lang, ang isang paring sawi ay nakikinig sa kanyang kapwa sawi rin.  Pero hindi matatapos duon. Sawi ka man, broken ka man, ikaw ang gagamitin ng Diyos na maging daluyan muling pag bangon nila mula sa pagkakasala.  Ang taglay mo ay grasya ng muling pag bubuo ng nawasak na relasyon ng tao at ng Diyos.

Huwag kang matakot na makita nila ang kahinaan mo, huwag kang matakot na maging tutoo sa harap nila.  Samahan mo sila, makilakbay ka sa mga kasawian na kanilang nararanasan. At sa paghahati mo ng tinapay, alalahanin mo silang hati at sawi ang buhay, upang muling makasumpong ng paghilom.

Shared (ibinahagi)

Sa tagal nating pagiging magkaklase, magkaibigan, ramdam ko ang pagiging bukas palad mo sa akin. Sa pagbabahagi mo ng sarili mo – sa maraming panahong gusto ko ng lumabas ng seminaryo, pero dahil sa pagbabahagi mo ng panahon sa pakikinig at pagpapayo naging pari din ako. Salamat brad.

Ngayong pari ka na, pangungunahan mo lagi ang mga tao sa panalangin, at kapag nananalangin ka laging nakaunat at nakabukas ang mga palad mo. Isang paalala sa iyo, na maging bukas palad ka sa lahat, walang pipiliin, mahirap o may kaya man. At darating din ang araw na sa pagbabahagi mo ng sarili mo sa Diyos at sa ibang tao, iuunat mo rin ang mga palad mo para ka maghirap, hanggang sa maipako ka rin.

Ang sarap sarap Father Ace, magbigay ng sarili sa iba, lalo na sa mga taong hindi na makita ang sarili nila.

Huwag kang mapapagod na magbigay ng sarili, at huwag ka ring matatakot na mawalan, nandyan ang Diyos, nandyan ang Eukaristiya.

13501614_1550775621893457_5851192698509361084_n

At tayong lahat dito ay tinatawagan na magbahagi rin ng sarili – sa pamamagitan ng pagsuporta natin sa ating bagong ordain na paring si Father Ace. Lunurin nio sya ng pagmamahal nio, bugbogin nio sya ng pangunawa nio, at yakapin nio sya ng buong higpit ng inyong suporta.

Naging pari si Father Ace, dahil din sa inyo, handa Siyang mamatay para sa inyo, katulad ng sinusundan Niyang modelo, si Jesus ang Mabuting Pastol.

Masaya ang maging pari, isang pagkakataon na maibabahagi mo ang iyong pagiging taken na, ang napakaraming biyaya dahil blessed na blessed ka, ang iyong mga kakulangan dahil broken ka, at ang kahandaan mong mamatay, to your life for many.

Pero hindi laging saya ang dulot ng pagpapari, may lungkot at problema ring darating.  At kung dumating man iyon…alalahanin mo ang araw na ito…ang natatanging araw na ito…kung saan naordinahan ka…kung saan panghabambuhay na pag oo ang isinagot mo sa Diyos – at kinumpirma Nya ito sa Kanyang pagmamahal sa iyo.

At sa ating lahat, kapamilya, kaibigan at mga kaparokya ni Father Ace, tulungan, mahalin at ipagdasal natin siya, para patuloy maging tapat sa Banal na Tawag. Amen.

(June 25, 2016, Saturday – San Jose Cathedral, San Jose, Nueva Ecija)

ANG GABING BAGO AKO MAORDINAHANG PARI

Nakapasok na rin ako ng silid tulugan ko matapos ang mahabang araw na nakalipas.  Nakahiga na ako ng kama, ngunit hindi pa rin dalawin ng antok, kahit alam kong ang katawan ko ay pagud na pagod na sa mga preparasyon sa aking ordinasyon at ang utak ko ay patuloy pa ring nag iisip sa maaring mangyari kinabukasan.

Pinatay ko na ang ilaw.  Sa katahimikan at kadiliman, maraming ingay at liwanag na bumalik sa aking ala ala.  Ang mahigit sampung taong lumipas ay unti unti bumalik ang mga ala-ala.

1234

Ang gabi kung saan sa unang pagkakataon ay nagpaalam ako kina tatay at nanay ko na papasok ng semaryo…ang pagkamatay ng lolo, isang linggo bago ako tumungo ng seminaryo sa Davao…

Ang unang pagsakay ko ng barko na talaga namang binalot ng takot dahil sa pagsalubong sa bagyo…

Sa unang pagkakataon na mapalayo sa pamilya, at pakisamahan ang ibang seminarista…

Ang unang birthday, Christmas, New year at ibat ibang okasyon sa bahay naming at ngayon ay malayo sa pamilya…

Ang pag aaral ng Philosophy at Theology na talaga namang pinaghirapan ng pawis at dugo…

Ang napakaraming kabiguan…ganundin ang tagumpay…

Ang maraming pagsubok na dumating, na talagang sinubukan ang tatag ko sa pagtugon sa Banal na Tawag…

Ang kasiyahan sa selebrasyon ng Eukaristiya at pagdarasal sa harap ng Blessed Sacrament…

Ang maraming dumating at umalis na mga tao sa buhay ko…

Mga nabuo at nasirang relasyon…

Ang pagtatapos ko ng pag aaral sa Masteral sa Theology, Perpetual profession, Diaconate Ordination…

Ang pagka assigned ko sa community sa Pangasinan…

Kasabay ng pag dating ng mga ala alang ito…dumating at bumagsak na rin ang maraming luha sa aking mata…di ko na makontrol…

Sumabay pa ang pagbaba at pagtaas ng balikat…

1148911_435033679932871_2081663424_n

Pag iyak ng pagbabalik sa napakaraming mga ala ala.

Luha ng saya na hindi ko kayang itago na lang sa puso ko…

Luha ng pasasalamat sa mga taong patuloy na naniniwalang kaya ko, kahit alam kong hindi naman talaga…

Luha ng pag awit ng pasasalamat sa Diyos sa pag tawag Niya sa isang abang katulad ko…

Luha ng pagtingin sa sarili ko, na walang wala ako, pero ang Diyos ay patuloy na sa akin ay nagmamahal…

Ang gabing ito ang pinaka tahimik at pinakamadilim sa lahat ng gabi, ngunit sa katahimikan at kadiliman, hindi ko maaring maitago ang liwanag ng luhang umaagos sa aking mata at ang ingay ng pag iyak ko…ito ang gabing kakaiba…hindi ko rin maitago ang liwanag at pagsigaw ng Diyos na mahal na mahal Niya ako… ito ang ang kakaibang gabi… ang gabing bago ako ordinahan sa pagpapari (Pebrero 12, 2016)…

SIGAW NG KABATAAN!

“Sigaw ng kabataan, Si Marcos hindi hero!”

“Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban!

Ito ag dumadagundong na mga sigaw ng mga kabataan-estudyante ng De La Salle University, College of Saint Benilde, St. Scholastica’s College at College of Law of Arrelano University sa protest rally sa paglibing kay dating pangulo at diktador na Marcos.

15135807_1605610449743307_5584804767354091000_n

Kakaiba ang mga estudyanteng, nakita, narinig at nakasama ko kagabi. Akala ko patay na ang mga kabataan. Pero buhay na buhay pala. Buhay sa pakikialam at pakikisangkot. Kakaiba sa mga kabataang nakikita ko lang sa chapel at sa nasisilip kong mga classrooms.

Ang mga estudyanteng ang mga mata ay nakapako lang sa kanilang celfone, ay naging dilat na ngayon sa nangyayari sa lipunan.

Ang mga estudyanteng ang mga tenga ay may nakapasak na earphone lagi sa mga tenga nila, ngayon ay tinig ng mga sigaw ng mga na aaragrabyado ang kanilang pinakikikingggan.

Ang mga estudyanteng kapag nagsasalita at nagkukuwentuhan ay hindi nakukumpleto ang bawat pangungusap ng walang pagmumura, ngayon ang pagsasalitang ito ang ginagamit sa pagsigaw sa kung ano ang tama at moral.

15181134_1605610639743288_6863905574053626670_n

Hindi na ako makahinga at nakakabingi na ang sabay sabay na sigawan nila.

Lumayo ako ng konti. Hindi ako nakuntento, dumistansya ako, tumawid ako sa gitna, sa kabila. Kakaiba ang nakita ko, may dating pala. Nasabi ko na lang may pag asa pa pala ang bansa namin. Alam na ng mga kabataang ito kung paano gamitin ang kanilang mga tenga, mata at bibig – puso at isip pa.

Pananagutan at pakialam. Na proprotesta tayo dahil alam nating may mali. Nakamarka na sa kasaysayan. Maraming mga kapwa natin Pilipino ang namatay dahil sa Martial Law. Sumisigaw tayo ng katarungan.

Ang mga kabataang nakita ko kagabi kakaiba. Hindi na sila pa BEBE lang. May kamalayan na – hindi lang SHUT UP na lang lagi. At ngayon kumikilos na dahil alam nilang ang Y.O.L.O – you only live once – kaya dapat gawin ang tama.

15230806_1605610543076631_1255537169688284181_n

“Para naman kasing nabuhay na kayo nuong panahon ng Martial Law kung makapag protesta kayo…”

“Marami pang problema ang bansa, dapat mag aral kayo at huwag sayangin ang oras sa pagrarally.”

“Move on na…kayong mga Catholic schools…you create division…teach your students how to forgive.”

Ito ang ilan lamang na mga comments ng mga FB friends ko matapos kong i post ang mga pictures na kuha ko kagabi. (binura ko na lang, hindi dapat patulan).

Hindi ibig sabihin na hindi pa tayo nabuhay nuon, o hindi natin naranasan, hindi na tayo makikialam.

Ang kawalan ng kaalaman sa kasaysayan o sa ating nakaraan, ay maaring mag ulit sa masamang nakaraan.

Ang pagkatuto ay hindi lang nakukuntento sa apat na sulok ng classroom, kundi ang lumabas at isabuhay sa realidad na buhay ang mga natutunan.

15192613_1605610789743273_8057368149306805549_n

Nakikiprotesta tayo, dahil tayo man ay biktima.

Nakikisangkot  tayo sa pagbabago, dahil tayo man ay dukha.

Nakikisigaw tayo ng katarungan dahil tayo man ay namatayan.

Huwag nating kalimutan ang mga sakit ang taong nagdulot nito.

Para huwag din nating makalimutan na kailangan nating magpatawad.

Never Forget…Never Again…

LANGIT…

Biglang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari sa akin nuong nakaraang taon, sa huling klase namin sa Eschatology, (ito na rin ang huling pagklaklase ko sa San Carlos Seminary bilang estudyante), nag report kaming dalawa ng kaklase ko tungkol sa topic na HEAVEN (langit), ang type ng reporting naming ay documentary. Sinimulan naming ito sa pamamagitan ng pagngangalap ng kasagutan kung ano nga ba ang langit? Makikita at maririnig mo sa video interview naming ito na talagang kahit ordinaryong tao ay may idea kung ano ang langit.

Pagkatapos ng aming reporting, dumako kami sa question and answer, kung saan magtatanong ang mga kaklase namin, natanong ako ng kapartner kong reporter, na paano nga kaya kung wala naman palang langit?

Ang dahilan kaya tayo umiiral dito sa lupa at nagpapakabuti ay dahil gusto talaga nating mapuntahan ang langit sa katapusan ng ating buhay. Ito ang pinangako sa atin ng Diyos, paulit ulit itong binabanggit ni Jesus sa kanyang pangangaral nuon. Ako man ay nagpapakabuti dahil nais kong mapuntahan ang lugar na ito, makaharap ang Diyos at magkaruon ng buhay na perpekto at buo.

Embraced-in-the-Hug-of-Jesus-Christ-e1409950520664-1024x703.png

Ngunit paano kung wala naman palang langit, e di wala, pero patuloy pa rin akong tutugon sa Banal na Tawag ng Diyos, patuloy pa rin ang aking pag OO sa Kanya. Natapos na rin ang aking seminary formation, isang buwan na akong pari, sa paglingon ko sa nakalipas na mga taon kong pag aaral ng Teolohiya, masasabi kong, hindi nga pala langit lahat, nakaranas din ako mala impyernong pangyayari, ngunit hindi ako nanatili rito, pinilit kong marating ang langit ng tagumpay. Wala mang langit, patuloy pa rin ako magmamahal kahit na masakit na masakit na. Patuloy pa ring magbibigay kahit walang wala na.

Sabi nga ng panalangin ni San Fracisco Javier (Pagkabighani): Hindi sa langit Mong pangako sa akin. Ako naaakit na Kita’y mahalin, At hindi sa apoy – kahit anong lagim . Ako mapipilit nginig Kang sambahin. Naaakit ako na Ika’y mamalas. Nakapako sa krus, hinahamak-hamak. Naaakit ng ‘Yong katawang may sugat. At ng tinanggap Mong kamataya’t libak.

Naaakit ako sa ‘Yong pag-ibig. Kaya’t mahal Kita kahit walang langit, Kahit walang apoy, sa ‘Yo’y manginginig. Huwag nang mag-abala upang ibigin Ka. Pagkat kung pag-asa’y bula lamang pala, Walang mababago, mahal pa rin Kita! Amen.

At Lumuhod ang Diyos sa Tao

 

Saan ka mas komportable

Sa Diyos na makapangyarihan, na nasa langit at nakaupo sa kanyang trono o sa Diyos na kapiling natin at sa atin ay naglilingkod?

Imahe ng Diyos

Lumaki tayo na ang imahe ng Diyos na alam natin ay makapangyarihan, at naglikha ng buong mundo, na nasa langit at sa atin ay nagmamasid sa mga ginagawa natin dito sa lupa.  Ang Diyos na nagbibigay sa atin ng mga biyaya, at nagpaparusa sa mga kasalanang ating ginawa.  Ang Diyos na tumutugon sa lahat ng ating mga tanong at pangangailangan.  Ang Diyos na nakaupo sa kanyang trono ang sa atin ay maghuhusga sa katapusan ng ating buhay.

B03-ChristTheKingSundayinOrdinar-2.jpg

At tunay namang napakahirap makilala ang Diyos, lalo na at ang Diyos na ito ay luluhod sa ating mga tao, katulad ng alipin na maghuhugas ng ating mga paa.  Ang Diyos na nagpakakaba, hinubad ang kanyang pagka Diyos, iniwan ang kanyang trono sa kalangitan at pinili ang maging maralita katulad ng isang alipin.  Ang Diyos na pinili ang maging tinapay, para hatiin at ibahagi sa kagutuman ng sangkatauhan.

Diyos na lumuhod sa tao

Ito ang gusto Niyang mangyari sa Kanya para sa atin. Ang Diyos na Haring handang maglingkod at hindi para paglingkuran. Nasabi ni Pope Emeritus Benedict XVI sa isa sa kanyang mga pagninilay: “ Nuong ang Diyos ng mundo ay dumating at naging alipin sa pamamagitan ng paghuhugas ng mga paa ng kanyang mga apostoles, nagkaruon tayo ng bagong larawan.  Ang Diyos ay lumuhod sa tao, upang tayo ay itaas. Ang misteryo ng kapangyarihan ng Diyos ay makikita sa katotohanang siya ay walang wala, mababang mababa.”

Sino ba sa atin dito ang nanaisin na maging mababa? Ung inaapakan, ung kinakawawa? Hindi ba sa telerserye ng pagbabanggaan ng makapangyarihan sina Claudia at Amor, bumaligtad ngayon ang mundo, natikman na ni Claudia ang kapangyarihan ng inapi. Nangyari na ang banta ni Amor: “matitikman ninyo ang batas ng inaapi!” at tunay namang siya ay punung puno na ng powers.

images (4).jpg

Lahat tayo ay nagsisipag sa buhay, patuloy na nangangarap na magkaruon ng maginhawang buhay, maging mayaman, maging sikat, maging somebody ika nga. Sa kabilang banda gusto rin natin ang Diyos natin ang siyang pinaka malakas at makapangyarihan.  Pero naiba ang takbo ng istorya ng mismong si Jesus ay ibang takbo ng plano.  Gusto nyang ipakita sa ating mga tao ang mukha ng tunay na Diyos, na hindi pa natin tunay na napapahalagahan at tinutularan – Diyos na nagpakababa at hindi natakot na maglingkod tungo sa daan ng buhay paglilingkod.

Kung inaaasam natin ang pagdating ng araw na kung saan tayo ay kikilalanin at pararangalan sa kung ano ang nakamit nating tagumpay – posisyon, yamang material, kabaligtaran naman Kay Jesus na lumuhod sa kanyang mga apostoles, at naghugas ng kanilang mga paa. Kakaiba di ba? Di natin maarok di ba?

Naranasan nyo na ba ang mag pa footspa? Kamusta naman?  Kapag nakapag pa footspa ka, masasabi nating isa na itong luxury.  Nasubukan ko na rin ito isang beses, at habang ginagawa ito sa akin, ay talaga namang gusto ko ng sipain ang nag fo-footspa sa akin sa sobrang kiliti.  Napa isip na lang tuloy ako, ng medyo kalmado na ako, pinangarap kaya ni ate ang trabahong ganito, ang humawak ng mga paa ng iba, may amoy na paa, punung puno ng kalyo paa.  Sino ba naman ang nag nanais na maging ganito ang trabaho.

images (5).jpg

Iniba ni Jesus ang mundo, he turns the world upside down at hinahamon nya tayong mga taga sunod Niya na tignan ang tunay na kagandahan, kabutihan at pagiging dakila ng tunay na paglilingkod.  Nakikita sa kababaan ang tunay na kataasan – kaluwalhatian, at sa tunay na pagliligkod sa ating kapwa – naruruon ang tunay na tagumpay.  Ito ang kanyang pinangaral…ito ang kanyang isinabuhay…

Matatapos na ang taon, matatapos na rin ang Year of the Poor. Lahat tayo ay mahirap, ngunit may kakayahang maglingkod sa munting pamamaraan natin.  Nasubukan ba natin, kamustahin man lamang ang ating kapwa rin na mahirap na katulad natin.  Ang ating pangangamusta sa kanila ay paraan na rin ng pagliligkod sa kanila. At ngayon tayo ay iniimbitahan tayo ni Jesus: gawin ninyo ito bilang pag alala sa akin, kung paanong hinugasan ko ang inyong mga paa, maghugasan din kayo ng mga paa ng bawat isa.”

11406500_1150221771661986_8354235074683913725_o.jpg

Pagluhod, isang panawagan…

Nagkaruon ba ng pagkakataon na may mga taong lumuhod na sa harapan nio?

O kaya ay ikaw mismo ang lumuhod sa ibang tao?

Alam kong kakaiba ang ganitong uri ng senaryo, Gaano pa kaya ang Diyos ang siyang lumuhod sa harapan mo – ang Diyos na Haring nililuharan natin sa Banal na Sakramento. Ginawa niya ito dahil sa sobrang pagmamahal Nya sa atin.

At paano tayo tutugon sa Haring Diyos na nakaluhod sa harapan natin?