Panalangin sa pag gunita ng anibersaryo ng Edsa People Power 1986

Ama naming makapangyarihan at mapag mahal sa aming tinatamong kalayaan.  Ikaw ay aming pinupuri at pinasasalamatan, ngayong ginugunita naming mga Pilipino ang ika – 25 taong anibersaryo kalayaan ng aming bansa na aming nakamit sa matiwasay at mapayapang rebolusyon tungo sa pagkamit ng aming kalayaan at muling panunumbalik ng katotohanan, katarungan at demokrasya.  Huwag mo nawang ipahintulot na ang mga ito’y muling sa amin ay maagaw.  Ikaw ang siyang nag tawid sa amin sa lumang daang makasarili patungo sa daanang nagmulat sa amin na may pananagutan kami sa bawat isa at aming bayang Pilipinas.

Idinadalangin naming na tunghayan mo ang mga umuugit sa aming pamahalaan, nawa’y maging tapat sila sa kanilang sinumpaang tungkulin na buong tapat na ialay ang kanilang sarili sa interes ng buong bayan.

Idinadalangin namin, na kaming lahat na Pilipino, ay patuloy na maging huwaran sa buong mundo ng matiwasay na pagbabago ng bayan.  Naway mapahagahan namin ang kasaysayan at mga aral na dulot nito.  Gawin mo kaming laging mapagbantay sa mga elemetong mapagsamantala sa aming bayan.

Ama naming mapagmahal, iyong ipinahayag na tatawagin mong mga anak ang mga nagbibigay daan sa kalayaan.  Ipagkaloob mo, isinasamo naming lagi ang katarungan na siyang tanging saligan na talagang tatagal sa kalayaan sa pamamagitan ni Kristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.


San Lorenzo Ruiz ng Maynila, ipanalangin mo kami.

Beato Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

About these ads

~ by Mga Pagpapalalim sa mga Kaisipan at Karanasan ni Dikong Rael. on May 31, 2011.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: